naglalarawan ng talento ng bawat tao na dapat tuklasin, linangin at paunlarin.
Size: 2.34 MB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 21 pages
Slide Content
TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN
Panuto : Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama , MALI naman kung ang pahayag ay mali . Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang _____ 1. Kailangang paunlarin ang ating mga talento at kakayahan upang magamit ang mga ito para sa ating kinabukasan . _____ 2. Kung nais mong makamit ang isang bagay, hindi sapat ang minsanang pagsubok lamang . _____ 3. Bigyang pansin lamang ang iyong mga talento at kakayahan kaysa sa iyong mga kahinaan .
_____ 4. Ang pagtitiwala sa Sarili ay makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong mga kakayahan at talento , kasama na rin ang pagpapaunlad sa iyong mga kahinaan . _____ 5. Kung hindi natin kilala ang ating sarili , wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang mga tawag o bansag sa atin .
PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
IBA’T IBANG URI NG HILIG 1. Outdoor Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (Outdoor) 2. Mechanical Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3. Computational Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero (Computational) 4. Scientific Nasisiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman , pagdisenyo at pag-imbento ng mga bagay at produkto (Scientific)
5. Persuasive Nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan (Persuasive) 6. Artistic Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay (Artistic)
7. Literary Nasisiyahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga akdang pampanitikan (Literary) 8. Musical Nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog (Musical)
9. Social Services Nasisiyahang tumulong sa ibang tao (Social Services) 10. Clerical Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang- opisina (Clerical)
Panuto : Tukuyin at isulat ang sampung (10) gawain na gusto mong gawin sa iyong libreng oras . Iranggo mo ito mula sa iyong pinakagusto ( Ranggo 1) hanggang sa pinakahuling gusto ( Ranggo 10). Maaaring ang mga ito ay ginagawa mo sa bahay , sa paaralan , o pamayanan . Isulat mo sa kuwaderno ang iyong mga sagot .
1.Ano- ano ang mga natuklasan mo sa iyong ginawang talaan ? 2.Bakit mahalagang tuklasin ang mga sariling kinahihiligan ?
KARAGDAGANG GAWAIN! Panuto : Punan ang unang hanay ng mga asignaturang iyong pinag-aaralan ngayon . Lagyan ng tsek (/) ang mga kakayahan na sa iyong palagay ay nakatutulong sa pag-aaral nang mahusay . Iguhit ang kung sa iyong palagay ay taglay mo ang katangian para sa asignaturang may pinakamataas na marka sa ikalawang hanay . Ang unang asignatura ay ibinigay bilang halimbawa , maari ito naguhin ayon sa iyong kakayahan .
TAKDANG- ARALIN Panuto : Basahin ang The Parable of Talents at sagutin ang mga kasunod na tanong . The Parable of the Talents MATTHEW 25 (n.d. https://ebible.com) 1. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinahayag sa parable of talents? 2. Katulad mo ba ang katulong na ito na di ginagamit ang biyayang talento na ipinagkaloob ng Diyos ?
PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG
HILIG preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain . Ang mga ito ang gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa . Nagsisikap ka kung may motibasyon ka dahil gusto mo ang iyong ginagawa , hilig mo ito , at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-unlad (Santamaria, 2006).
natututuhan mula sa mga karanasan . Halimbawa , dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain , nakahiligan mo na rin ang pagluluto . Ibinatay mo rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa isang kilalang hotel.
b. minamana . Halimbawa , nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng mga halaman . Habang ikaw ay lumalaki , napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin .
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan . Halimbawa , labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa , laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan . Labis ang kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapwa . Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa .