ESP MODULE 3.ppt esp 9 values education

RizaRivas4 13 views 35 slides Aug 27, 2025
Slide 1
Slide 1 of 35
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35

About This Presentation

values education 9


Slide Content

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin ang
titik ng tamang sa
sagot sa mga
katanungan.

1. Ang salitang ekonomiya ay
nanggaling sa dalawang Griyegong
salita na ang ibig sabihin ay
pamamahala sa bahay. Ano ang
dalawang salitang ito?
a. oikos at nomos
b. eikos at nomos
c. hykos at nomos

2. Ano ang pinaka layunin kung bakit ang
mga tao ay naghahanapbuhay?
a. upang makabili ng mga ari-arian na
mula sa kanilang pinaghirapan
b. upang kumita ng pera na makakatugon
sa kanilang pangangailangan
c. upang maipahayag ang sariling
kakayahan at maging produktibo

3. Bakit mas epektibong maging patas kaysa maging
pantay sa pagbabahagi ng yaman ng bansa at sa pagtugon
sa pangangailangan ng mamamayan?
a. Ang pagiging patas ay kinikilala ang iba’t ibang
pangangailangan ng bawat mamamayan samantalang ang
pagiging pantay naman ay nakikita na pare-pareho dapat
ang ibigay sa taumbayan, mahirap man o mayaman.
b. Ang pagiging patas ay tanggap ang iba’t ibang kalagayan
at kakayahan ng bawat mamamayan kung kaya’t hindi
dapat maging pantay ang tinatanggap na tulong ng
mamamayan mula sa pamahalaan.
c. parehong tama.

4. Ano ang kahulugan ng Prinsipyo ng
Proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat
ng tao.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon
sa pangangailangan ng mga tao.
c. Pantay na pagkakaloob ng yaman kahit
anuman ang pangangailangan ng tao.

5. Ano ang tungkulin ng mga mamamayan na dapat
nilang tuparin sa lipunang pang-ekonomiya?
a. Alamin kung nagagampanan ba ng pamahalaan
ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
b. Sitahin at ireklamo ang mga ahensya ng
pamahalaan na hindi tumutugon sa pangangailangan
ng taumbayan.
c. Gawing produktibo ang kanilang sarili sa
hanapbuhay at mag-aambag sa kaunlaran ng bansa
sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis.

PANUTO: Isulat sa patlang kung
TAMA o MALI ang bawat
pangungusap.
________1. Ang lipunang pang-
ekonomiya ay tumutukoy sa
malakihang pagsasaayos ng
pamahalaan na ipamahagi ang
yaman ng bayan sa mamamayan sa
patas na paraan.

________2. Ang ekonomiya
ay nasasaklaw lamang ang
pamamahala sa loob ng
pamamahay.

________3. Ang bawat
mahusay na
paghahanapbuhay ng mga
tao ay kilos na nagbubunga
ng kolektibong pag-unlad ng
bansa.

________4. Ang pamahalaan
ay may kapangyarihan at
tungkulin na gamitin ang
yaman ng bansa kahit na sa
anumang gustuhin nito.
bansa.

________5. Ang buwis na
binabayad ng mamamayan ay
inaasahang maibalik rin sa
anyong serbisyo sa
mamamayan.

________6. Ang buwis ay
maaaring balewalain o
dayain lalo na kung ang
pamahalaan ay
kinukurakot ang kaban ng
bayan.

________7. Ang pamahalaan
ay dapat maging patas sa
pagtulong na angkop sa
pangangailangan at
kakayahan ng mga tao.

_________8. Dapat pantay o
pareho lamang ang
binibigay na ayuda ng
DSWD sa lahat ng tao,
mayaman o mahirap man.

_________9. Kapag ang tao ay
naghahanapbuhay, nabubuo ang
kanyang pagkatao dahil
naipapahayag nya ang kanyang
sariling galing at siya’y nagiging
produktibo.

________10. Ang
paghahanapbuhay ng tao ay
may kinalaman sa kanyang
pag-unlad ngunit wala itong
kaugnayan sa pag-unlad ng
bansa.

Q

Ano ang Ekonomiya?
Ang salitang ekonomiya ay nagmula sa Griyegong salita
na “oikos” na ibig sabihin ay “bahay” at “nomos” na
ang ibig sabihin naman ay “pamamahala”. Ang
ekonomiya ay tulad ng pamamahala sa bahay. Mayroong
budget na nakalaan para sa mga gastusin at
pangangailangan sa loob ng bahay tulad ng kuryente,
tubig, internet, pagkain, panlinis, gamot at iba pa. Ang
budget ay kailangang mapamahalaan nang maayos
upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa
bahay. Kapag nagiging maayos ang pamumuhay ng mga
tao sa bahay, ito ngayon ay nagiging isang tahanan.

Q

Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa
mas malakihang pagtingin, ay ang
mga pagkilos na masiguro na ang
bawat bahay ay magiging tahanan.
Pinangungunahan ito ng estado na
namamahala at patas na
nagbabahagi ng yaman ng bayan.

Lumilikha ito ng mga pagkakataon na
makapamuhunan sa bansa ang mga
nagnenegosyo upang mabigyan ng
pagkakataon ang mga mamamayan na
makapaghanap-buhay. Sinisikap ng
pamahalaan na maging patas para sa
mga iba’t ibang tao upang mabuo sa
mamamayan ang kanilang pagkatao ayon
sa kanilang kakayahan at pangarap.

Bilang ganti naman, ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na
nagbubunga ng kolektibong pag-unlad ng
bansa. Sa pag-unlad ng bansa ay kasama ring
nabubuo ang buhay ng mga tao. Kung maunlad
ang bansa, ito ay nagiging isang malaking
tahanan na kung saan maaaring tunay na
tumahan (huminto, manahimik, pumanatag)
ang bawat isa.

Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya
1. Matapat na pagtupad ng tungkulin ng pamahalaan
at mamamayan.
Ang pamahalaan ay may kapangyarihan at tungkulin na
gamitin ang yaman ng bansa. Ito ay dapat ginagamit sa
kabutihan at sa tamang layunin nito. Nararapat lamang
na gastusin ito sa mga programa na makatutulong sa
taumbayan. Nararapat lamang na ang buwis na
binabayad ng mamamayan ay maibalik rin sa anyong
serbisyo sa mamamayan.

2. Makatarungan at patas na pagtugon sa
pangangailangan.
Sa pagtulong ng pamahalaan sa mga
mamamayan, mas epektibo kung ito ay
magiging patas sa pagbabahagi ng yaman
sa bayan. Upang lalo itong maunawaan,
mahalagang malaman ang pagkakaiba ng
konsepto ng patas mula sa pantay.

Mahalagang maging pantay ang tingin natin sa lahat ng tao
sapagkat ang lahat ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay ang
dignidad at karapatan. Gayon pa man dapat kilalaning iba-iba
ang kakayanan at iba-iba rin ang kalagayan ng mga tao, may
mayaman at mahirap. May mga malaking kumita ng pera sa
pamamagitan ng hanapbuhay nila at mayroon din kapos sa
pananalapi. Kaya kung pagdating sa pagtulong sa
nangangailangan hindi maaaring maging pantay o pareho ang
tulong sa lahat dahil may mga taong kaunti ang kailangan at may
mga taong mas malaki ang kailangan. Dapat higit na matulungan
ang mas nangangailangan. Ito ay pagiging patas. Ang pamahalaan
ay dapat maging patas sa pagtulong na angkop sa
pangangailangan ng mga tao.

Upang lalo nating maintindihan ito, basahin natin ang
sumusunod na diyalogo:
Bb. Perlita Macawili : Ako po ay isang social worker mula sa
DSWD. Kami’y magbibigay ng P8,000 bilang tulong sa mga
kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa quarantine. Ito ay
ang SAP (Social Amelioration Program) na mula sa ating
pamahalaan.
Irma : Dapat lang na makatanggap rin ako ng ayuda mula sa
gobyerno kahit na ako ay guro sa isang publikong paaralan.
Dagdag din ito sa nakuha ko nang sweldo.

Louie : Aba dapat ako rin. Kahit na ako ay isang negosyante, at
maganda naman ang takbo ng hanapbuhay kong grocery store
ngayong quarantine, kailangang makatanggap din ako ng ayuda
mula sa gobyerno.
Bb. Perlita Macawili : Mga Mam at Sir, limitado lang ang perang
ipinangtutulong ng pamahalaan. Kung kaya’t ang bibigyan lamang
ng ayuda ay ‘yung mga higit na nangangailangan tulad ng mga
nawalan ng trabaho dahil sa quarantine. Kayo naman ay may
pinagkakakitaang pera mula sa inyong hanapbuhay. Ilaan na lang
natin ito sa mas nangangailangan nating kababayan. Okay lang
po ba sa inyo?

Louie at Irma : Sabagay, kumpara sa atin na
may pinagkukunan ng pera, mas kailangan nga
ng tulong ng ibang nawalan ng trabaho. Okay
lang po sa amin. Maraming salamat sa pagiging
patas po ninyo.
Ang naging usapan dito ay umaayon sa tinatawag
ni Santo Tomas de Aquino na Prinsipyo ng
Proportio, ang angkop na pagkakaloob na
naaayon sa pangangailangan ng tao.

3. Mapagmalasakit na Layunin ng hanapbuhay.
Bakit ba tayo naghahanapbuhay? Ito ba ay para lamang kumita
ng pera? O magkaroon tayo ng mga ari arian at kung magkagayon
ay maging sikat? Mas malalim ang layunin ng hanapbuhay. Kapag
ang tao ay naghahanapbuhay, nabubuo ang kanyang pagkatao
dahil naipahahayag niya ang kanyang sariling galing.
Naghahanapbuhay siya upang maging produktibo sa kanyang
sarili. Kapag ang isang tao ay produktibo, napauunlad din nya
ang mga mahal niya sa buhay – ang kanyang pamilya. Gayun din
nakakapag-ambag din siya ng pag-unlad sa bansa sa
pamamagitan ng kanyang serbisyo at pagbabayad ng buwis.

Kaya ang pamahalaan ay dapat lumilikha ng
pagkakataon sa bansa na makapasok ang mga
negosyante at iba pang kompanya upang mas
maraming malikhang hanapbuhay. Nararapat na
pagsikapan ng pamahalaan na mapaliit ang
sector ng mga walang trabaho sa ating lipunan.
Dahil kapag ang karamihan sa mamamayan ay
may hanapbuhay, nakakapag-ambag sila sa
kaunlaran ng ating bansa. Kung magkagayon,
nagiging masigla ang ekonomiya ng ating bansa.
Tags