Modyul 1: Kabutihang Panlahat : Layunin ng Lipunan Para sa Tao
Sa modyul na ito , inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman , kakayahan at pag-unawa : 1.1 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat . ( EsP9PL-Ia-1.1) 1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,paaralan , pamayanan o lipunan . ( EsP9PL-Ia-1.2)
LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT “Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kaniyang sarili lamang ”. Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa lipunan , isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas .
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr ., propesor ng Pilosopiya ng Ateneo de Manila Univers ity, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila . Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay natin ito para sa ating kapuwa .
Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat . Ang mga tao ay mayoong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin. Halimbawa: ng pangkat ng mga guro ay may iisang layuning magbigay ng kaalaman/edukasyon ng mga mag-aaral.
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na nangangahulugan common o nagkakapareho . Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang lugar.
Jacques Maritain , ang manunulat ng aklat na “The Person and the Common Good” (1966), hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan dahil : 1. Ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at ang kalikasang magbahagi ng kaalaman at pagmamahal. 2. Ginugusto ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
Ano nga ba ang Kabutihang Panlahat? Masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Mahalagang maunawaan mo ang tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihan lamang ng indibidwal o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong bumubuo nito.
Ayon kay John Rawis , ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Halimbawa , kung mangingibabaw ang kalayaan , lalo kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan nito , masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kaniyang naisin .
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat Ang paggalang sa indibidwal na tao . Ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao , hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad . Sa dignidad nakakabit ang iba’t-ibang karapatang kailangang igalang ng lahat ng tao sa lipunan .
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 2 . Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat . Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao . Karaniwang sinusukat ito sa : mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan b. epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 2 . Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat . Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao . Karaniwang sinusukat ito sa : c. kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo d. makatarungang sistemang legal at pampolitika e. malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang- ekonomiya
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat 3. Ang kapayapaan . Ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay tulad ng isip at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan , kapanatagan at kawalan ng kaguluhan , ay indikasyon din ng katarungan at pagkakaroon ng kabutihang panlahat .
Ayon kay Dy (1994), binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan . Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang , nariyan na ang pamilyang umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki . Nariyan din ang kaniyang kapuwa , paaralan , simbahan at batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng iba’t-ibang aspekto ng kaniyang pagkatao .
Ayon kay John F. Kennedy , pangulo ng Amerika: Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo , kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa .