Hudyat ng Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari at Alegorya ng Yungib
Size: 15.37 MB
Language: none
Added: Sep 24, 2025
Slides: 21 pages
Slide Content
Magandang Araw!
Layunin: Natutukoy ang angkop na pamamaraan sa pagsasalaysay ng proseso sa paggawa ng isang bagay; Naipaliliwanag ang gamit ng mga hudyat sa malinaw na daloy ng mga pangyayari; Nakapagsusulat ng maikling talata gamit ang angkop na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Paano nga ba niluluto ang paboritong adobo ng mga Pilipino?
Una , ihanda ang mga pangunahing sangkap tulad ng manok o baboy, bawang, sibuyas, toyo, suka, paminta, at dahon ng laurel. Sunod , durugin ang bawang at hiwain ang karne ayon sa nais na laki. Pagkatapos , igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika hanggang sa magkulay ginto ang bawang. Kasunod nito , ilagay ang hiniwang karne at hayaang pumula o medyo maluto. Pagkaraan ng ilang minuto, idagdag ang toyo at suka. Huwag muna haluin. Samantala , ihanda ang dahon ng laurel at paminta. Pagkaraan ng limang minuto, haluin na ang adobo at idagdag ang paminta at dahon ng laurel. Sa bandang huli , hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne at kumapit ang lasa. Sa wakas , ihain ito nang mainit kasama ng kanin.
Kung pagbabatayan ang nabasa ninyo mula sa nakaraang slide , ano ang napapansin ninyo?
Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
Mga salitang naglilinaw sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa isang kwento, talata, proseso, o pahayag. Tumutulong ang mga ito upang maging maayos at malinaw ang pagkakasalaysay ng mga pangyayari. Mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng Pangyayari
Panimula Una Sa simula Noong una Minsan Unang-una Sa umpisa
Gitnang Bahagi Sunod Pagkatapos Kasunod nito Sa dakong huli Nang sumunod na araw Samantala Sa kabilang banda
Huli o Wakas Sa huli Paglaon Sa bandang huli Bilang wakas Sa pagtatapos Hanggang sa
Alegorya ng Yungib
Suriin ang kuwento . Ilahad ang inyong natutunan sa kuwento sa pagsagot sa pagsasanay sa pahina 36 B. Indibidwal na Gawain:
Magandang Araw!
Suriin ang kuwento at ilahad sa isang short bond paper ang sumusunod na kaisipang dapat pag-aralan : simbolismo ng yungib kahulugan ng anino proseso ng paglabas mula sa yungib pagbabalik sa loob ng yungib Pangkatang Gawain:
Suriin Natin!
Pagsusuri : Ano ang kahulugan ng “ yungib ” sa alegorya ni Plato? Ano ang sinisimbolo ng mga aninong nakikita ? 2. Sino ang mga tao sa alegorya at ano ang kanilang kalagayan sa loob ng yungib ? Paano ito maiuugnay sa ating lipunan ?
Pagsusuri : 3. Ano ang kahulugan ng paglabas sa mga bilanggo mula sa yungib ? Paano ipinapakita ng kanyang karanasan ang proseso ng pagkakita ng tunay na kaalaman ? 4. Paano natin mailalapat ang mga konsepto ng alegorya sa mga isyu at ng maling impormasyon sa kasalukuyang panahon ?
Iguhit Natin!
Una, Ikalawa , at Ikatlong Pangkat : Iguguhit ang pangunahing kaisipan at susulatan ng caption sa ibabang bahagi nito . Paano ipinapakita ng “ Alegorya ng Yungib ” ni Plato ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbibigay-liwanag sa tao mula sa kamangmangan ? (SDG 4- Dekalidad na Edukasyon )
Ikaapat , Ikalima , at Ikaanim na Pangkat : Ano ang maaaring papel ng mga institusyon sa pagpapalaganap ng kaalaman at katarungan ? (SDG 16 – Kapayapaan , Katarungan , at Matatag na Institusyon )
Ikapito , ikawalo , at ikasiyam na Pangkat : Sa anong paaran maaaring ipaliwanag bilang isang simbolo ng pagsusumikap na bawasan ang hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ? (SDG 10 – Pagbawas ng Kawalan ng Pagkapantay-pantay )