FILIPINO 4 STORY COPY presentatiom powerpoint

chichaongcas 1 views 31 slides Sep 28, 2025
Slide 1
Slide 1 of 31
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31

About This Presentation

kwento


Slide Content

Ang Alamat ng Palay

Sa bayan ng Poblacion may maliit na pamilyang nakatira sa isang malayong kubo, ang mag-asawang sina Mang Lino at Aling Liling at ang anak na si Lalay. Mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang nag-iisang anak kaya naman lumaki si Lalay sa layaw. Ayaw na ayaw nitong kumilos sa bahay at gumawa ng mga gawain, lalong lalo na ang pagwalis sa labas dahil ayaw nito ang naaarawan. At kaya naman ay pinabayaan na lamang nila ito.

Tuwing umaga ay nais nitong nahuhuling pumasok sa paaralan dahil iniiwasan niya ang pagdalo sa “Flag Ceremony”dahil ayaw nito ang naiinitan. At kahit sa mga aktibidad na iniuutos ng kanilang guro gaya ng pagtatanim at paglilinis sa harden ay tila magpapanggap itong masakit ang ulo at hindi maganda ang pakiramdam. Ayaw na ayaw ni Lalay ang naiinitan kahit minsan ito ay nakakabuti sa kanyang kalusugan at pangangatawan.

Isang araw ay nagkasakit ang kanyang mahal na ina at wala ang kanyang ama dahil abala ito sa pagbubukid. Kinailangan niyang pumunta ng bayan upang bumili ng gamot. Ngunit nag-aatubili si Lalay dahil mainit ang panahon at ayaw na ayaw niya ang naaarawan kahit pa kinakailangan niyang umalis.

Nang dahil sa kaartihan ni Lalay sa init ng araw, ay lumala ang pakiramdam ng kanyang ina dahil hindi niya ito napainom ng gamot kaagad.

Sa pag-uwi ni Mang Lino sa kanilang bahay ay nadatnan nitong si Lalay na pakanta kanta sa may bintana at agad niya itong pinagalitan. “Lalay! Nang dahil sa iyong kaartehan ay muntik ng mapahamak ang iyong ina!” Wala kang kwentang anak! mabuti pa’t naging halaman ka’t nasa arawan ka palagi!

Dumating ang araw nang pag-uwi ni Aling Liling dahil ito’y magaling na. Laking gulat nito na may halaman na tumubo sa labas ng kanilang bintana at kahit saang tanaw ay hindi niya mahanap ang kanyang anak na si Lalay. Napaluhod na lamang ang kanyang ama at naiyak.

“ Mahal kong anak, ano’ng nangyari sayo? Bakit ka nagkaganito? Gusto ko lamang ay matuto ka”. Laking pagsisi ng ama dahil tumalab ang kanyang sinabi sa kanyang anak. Inalagaan ng mag-asawa ang halaman na nasa labas ng kanilang bintana at tinawag nila itong lalay. Sa paglipas ng panahon ang “Lalay”ay naging “palay” na nasa arawan palagi.

Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot na pansit “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag aayang sabi ni pagong.

“Naku baka panis yan” sabi ni Matsing “Ang mabuti pa ay hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito. “Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning “sabi ni Pagong”. “Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing.

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira kay Pagong. “Pasensiya na kaibiogan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging. “Matsing! Matsing! Tingnan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pagka nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong. “Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo nalang sa akin” sabi ni Matsing.

“Pasensiya kana, gusto ko rin kasi nito. Kung gusto mo hatiin nalang natin”. “Hatiin? O sige pero sakin ang itaas na bahagi. ‘Yong parte ng may dahoon ha? ”nakagisng sabi ni Matsing. “Ha? Saakin ang ibabang bahagi?” tanong ni Pagong. “Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahoon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte” sabi ni Matsing.

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman.

Araw-araw dinidligan niya ito at nilalagyan ng patabang lupa. Ganon din ang ginawa ni Matsing Subalit makalipas ang isang linggo , nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa namunga ito ng hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. “Aba nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari yon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo” sabi ni Matsing. “Inalagaan ko nang mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asa na tutubo ang bahagi ang halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong.

“Hmm kaya pala nalanta ang aking tanim” nanggigil na sambit ni Matsing. Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito. Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin. Sabi ni Pagong. .

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat. Ibibigay ko sayo ang lahat ng bunga. Basta’t bigyan mo nalang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing. Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit ng makarating na si Matsing sa taas ng puno, kinain niya lahat ang bunga ng saging.

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat. Ibibigay ko sayo ang lahat ng bunga. Basta’t bigyan mo nalang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing. Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit ng makarating na si Matsing sa taas ng puno, kinain niya lahat ang bunga ng saging.

Wala itong itinira kay Pagong. “Akin na ito lahat Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahahaha! “tuwang-tuwang sabi ni Matsing. Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusogan. Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing.

Habang natutulog ito, naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humihingi ito ng tulong kay Pagong. “ Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na iyon. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas” pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo nalang akong iniisahan, aalis muna ako mukhang malakas ang ulan . Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan” sabi ni pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning. Makalipas ang ilang sandali , nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrrrraaaaaaayyyy! Arrrrrraaaaaaayyyy! Natutusok ako sa mga tinik. Arrrrrrruuuuyyy!!! daing ng tusong Matsing. Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin” bulong nito sa sarili. Kinabukasan, kahit mahapdi parin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong. “Anong gagawin mo saakin?” takot na tanong ni Pagong. “Tatadtarin kita ng pino” sabi ni Matsing. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong Matsing. “O sige tadtadrin mo ako ng pinong-pino at pagputol putulin nang sa gayon, ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahahahaha “sabi ni Pagong.

“Hahahaha, susunugin nalang kita hanggang maging abo ka” sabi ni Matsing. “Hindi kaba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong. Nag-isip nanaman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta ito sa dalampasigan.

“Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo. Itatapon kita sa dalampasigan hangang sa malunod ka! Hahaha!” Lihim na natuwa si pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan. “Naku! Huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na….” pagmamakaawa ni Pagong.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagkakaakalang magagantihan niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito ng makita na marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisihan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumangoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! Natutuwang sabi ni Pagong. Malungkot na umuwi si Matsing.

Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. Sabi nga: Tuso man ang Matsing, naiisahan din.

Maraming salamat!
Tags