ChristianJamesArenas3
119 views
17 slides
Oct 07, 2024
Slide 1 of 17
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
About This Presentation
Mapeh
Size: 2.27 MB
Language: en
Added: Oct 07, 2024
Slides: 17 pages
Slide Content
. Pagbabaybay nang Wasto sa mga Salitang
SST Natutuhan sa Aralin at Salitang Hiram, at
1 Pagsagot sa mga Tanong sa binasang
Talaarawan, Journal at Anekdota
& Balikan
A. Panuto: Hanapin sa kwento ang mga salitang hiram at isulat ito sa sagutang
papel
Ang Kaarawan ni Carmela
ni: Jesbelle DS. Tolentino
Araw ng Linggo, masayang bumangon si Carmela dahil ngayon ay kanyang
ikapitong kaarawan. Masusuot na niya ang pulang bestida, sapatos at laso na regalo
ng kanyang ate.
Maaga ring gumising ang kanyang tatay at nanay upang magluto ng pansit,
spaghetti, carbonara, mechado, afritada, macaroni salad at malamig na iced tea
bilang inumin ng mga bisita. Mayroon ding biniling ice cream ang kanyang kuya.
Abala din sila sa paglalagay ng dekorasyong lobo at banderitas na may nakasulat na
“Happy 7" Birthday, Carmela”.
Maya maya pa isa-isa nang dumating ang mga kaibigan ni Carmela. Nagdasal
muna sila bago kumain. Mataps umawit ng “happy birthday song” ng kanyang mga
bisita ay hinipan na ni Carmela ang kandila sa kanyang cake.
Masayang masaya si Carmela dahil marami siyang natanggap na regalo tulad
ng barbie doll, ballpen, jacket, chocolate at halamang cactus.
B. Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ito sa sagutang papel.
a DO_02_FILIPINO_5_MODYUL2_ARALU
1, Sino ang nagdiriwang ng kaarawan?
2, Sino-sino ang abala sa paghahanda at pag-aayos para sa kaarawan ni
Carmela?
3, Ano-ano ang mea pagkaing inihanda para sa kaarawan ni Carmela?
4. Ano-ano ang mga regalong natanggap niya?
3, Kung ikaw si Carmela, ano ang mararamdaman mo sa iyong kaarawan?
Tuklasin
‘Alam mo ba ang ibig sabihin ng pandemya, virus at quarantine?
Sa anong wika nagmula ang mga ito? Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pandemya ay mula sa salitang Griyego na pan at demos na ang ibig
sabihin ay lahat at tao. Ang pandemya ay isang epidemya ng nakahahawang sakit
na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon,
lupalop o pandaigdigan.
Ang salitang virus ay galing sa wikang Latin. Ang virus ay isang mikrobyong
nagdudulot ng nakahahawang sakit.
Ang salitang quarantine naman ay galing sa wikang Italian. Ang quarantine ay
paghihiwalay o paglilimita sa galaw ng tao upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Ang pandemya, virus at quarantine ay mga halimbawa ng salitang hiram.
A. Panuto: Magtala ng limang salitang hiram na nalaman ninyo buhat nang
magkaroon ng pandemya. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: alcohol
B. Panuto: Basahin ang talaarawan ni Carmela.
Kakaibang tuwa ang naramdaman ni Carmela sa pagdiriwang ng kanyang
kaarawan. Naisipang niyang isulat sa kanyang talaarawan ang mga pangyayari.
Talaarawan ni Carmela
Oktubre 5, 2020 Lunes
‘Tuwang tuwa ako dahil binigyan ako ni ate ng regalo. Dahil sa kasabikan
ko, nabuksan ko ito kaagad. Ang ganda ng bestida at sapatos na kulay pula!
Oktubre 6,2020 Martes
Ito ang araw kung saan iimbitahan ko ang ilan sa mga kaklase at kaibigan
ko na dadalo sa aking kaarawan sa darating na Linggo.
Oktubre 7, 2020 Miyerkules
Isinama ako ni nanay sa supermarket pagkagaling ko sa paaralan.
Mamimili raw kami ng ilang sangkap na lulutuin para sa aking kaarawan. Hapon
na kaming nakabalik sa bahay.
Oktubre 8, 2020 Huwebes
Nakita kong umalis si kuya ng hapong iyon. Bibili raw siya ng ilang party
needs para sa aking kaarawan. Hindi ko na mahintay ang pinakamasayang araw
na iyon.
Oktubre 9,2020 Biyernes
Maagang umuwi si ate galing opisina. Nag-order pala siya ng cake at
muffins para sa Linggo. Nagpasabay na rin sya ng tarpaulin na may nakasulat na
Happy 7% Birthday, Carmela!
Oktubre 10, 2020 Sabado
Maagang umalis si nanay at tatay. Pupunta raw sila sa Balintawak upang
mamili ng mga gulay at karne na lulutuin para bukas. Sabik kong hinintay ang
kanilang pag-uwi.
Isang tulog na lang at kaarawan ko nal
‘Ang Alpabetong Filipino ay may 5 patinig at 23 katinig. Ang mga hiram na
letra ay ang c, f, j, ñ, q, v, x at z.
Ang salitang hiram ay mga salitang mula sa ibang wika na ginagamit natin
dahil wala itong katumbas sa wikang Filipino.
Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita ay maaaring gawin o alamin sa
pamamagitan ng pormal na depinisyon at maaaring sa pag-alam ng pinanggalingan
at salitang hiram.
Halimbawa: kongreso-batasan, kapulungan
nars- katulong ng doktor sa panggagamot
Maaari ding hiramin at baybayin ito nang konsistent, kung ano ang bigkas ay
siyang baybay at kung ano ang baybay siyang basa.
Talaarawan-tala na naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari o rekord ng mga
sariling karanasan, iniisip at obserbasyon. Isinusulat ito upang
mabalikan ang isang pangyayari.
Anekdota- ito ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng isang kawili -wiling
pangyayari sa buhay ng isang tao.
Pagyamanin
A. Panuto: Isulat ang katumbas na baybay ng mga salitang hiram.
isang salita ay walang katumbas sa ating wika o kaya naman mas pamilyar ang mga
Pilipino sa banyagang salita. Ito ang mga salitang hiram na binaybay na rin sa ating
sariling wika. Halimbawa ang salitang “cake” ay may katumbas sa tagalog na “keyk”.
Sa naman ng mga mahahalagang pangyayari sa isang
partikular na tao sa isang araw ay mahalaga rin. Maaaring gumamit ng Anekdota,
Talaarawan o Journal.
Ang ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwiling insidente o
pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito na makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Ang naman ay talaan ng mga pansariling gawain, repleksyon mga
iniisip o nadarama.