Layunin: > natatalakay ang pokus ng pandiwa; > natutukoy ang iba‘t ibang pokus ng pandiwa; at > nakasusulat ng sariling pangungusap gamit ang mga pokus ng pandiwa .
Pokus Ang pokus ang nagpapakita ng kaugnayan ng iba‘t ibang panlapi ng pandiwa na naging posisyon ng paksa sa pangungusap.
Mga Pokus ng Pandiwa Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus- Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?. [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-]
Halimbawa: 1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan. 2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
Halimbawa: 3. Bumili si Rosa ng bulaklak. 4. Si Lanie ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.
Pokus sa layon ang layon ng pandiwa ang siyang nagiging paksa ng pangungusap. Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/- han, -ipa, ma -, paki—at pa- Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na ― ano? Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa: 1. Nasira mo ang mga props para sa play. 2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin. 3. Binili ni Rosa ang bulaklak.
Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa lokasyon. Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “ saan?”. [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
Halimbawa 1. Pinagtaniman namin ang bukirin ng maraming gulay. 2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Halimbawa 3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak. 4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado .
Pokus sa pinaglalaanan – ang binibigyang-diin ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos. Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-. Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na ―para kanino? ”. [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object .
Halimbawa 1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam. 2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
Pokus sa instrumento – ang paksa ay an ginagamit sa pagganap ng kilos. Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na ―sa pamamagitan ng ano ? [ipang- ,maipang-]
Halimbawa 1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin. 2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Kosatibong pokus o pokus sa sanhi Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”. [i- , ika- , ikina-]
Halimbawa 1. Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay. 2. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Halimbawa 3. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag -anak .
Pokus sa direksyon- Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na ―tungo saan/kanino?. [-an, -han , -in , -hin]
Halimbawa 1. Sinulatan niya ang kanyang mga magulang. 2. Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
GAWAIN 1. Kumakain kami ng almusal araw-araw. A. Pokus sa aktor B. Pokus sa ganapan C. Pokus sa layon D. Pokus sa sanhi
2. Kinuha ni Lucy ang tinapay sa mesa. A. Pokus sa aktor B. Pokus sa ganapan C. Pokus sa layon D. Pokus sa sanhi
3. Pinaglutuan ng nanay ang bagong kaldero . A. Pokus sa aktor B. Pokus sa ganapan C. Pokus sa layon D. Pokus sa sanhi
4. Naglinis ng silid si Anna. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Layon B. Aktor C. Lokatibo D. Kosatibo
5. Kinain ni Jessa ang mangga. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Layon B. Aktor C. Lokatibo D. Kosatibo
6. Nag-aral si Marco para sa pagsusulit. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Aktor B. Layon C. Lokatibo D. Kosatibo
7. Pinagtaniman ng mga magsasaka ang bukid . Ano ang pokus ng pandiwa? A. Layon B. Aktor C. Lokatibo D. Kosatibo
8. Ininom ni Rico ang gatas. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Aktor B. Layon C. Lokatibo D. Kosatibo
9. Nagluto ng ulam si Nanay. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Aktor B. Layon C. Lokatibo D. Kosatibo
10. Ipinangsulat ni Leo ang lapis sa papel. Ano ang pokus ng pandiwa? A. Aktor B. Layon C. Lokatibo D. Kosatibo