Layunin : ✅ Nauunawaan ang ibig sabihin ng pangungusap at talata. ✅ Nasasabi ang paksa o tema ng binasa at ginawang talata. ✅ Nakasusulat ng dalawa o higit pang pangungusap na may makabuluhang ideya.
PANGUNGUSAP: ¹Ang pangungusap ay grupo ng mga salita na may buong kahulugan .
HALIMBAWA: Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti. May buong diwa dahil malinaw kung sino (ang mga mag-aaral) at ano ang ginagawa (nag-aaral ng mabuti).
HALIMBAWA: Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti. May buong diwa dahil malinaw kung sino (ang mga mag-aaral) at ano ang ginagawa (nag-aaral ng mabuti).
HALIMBAWA: ¹Dahil sa ulan ²Sa ilalim ng puno ¹Dahil sa ulan — Hindi malinaw kung ano ang nangyari dahil sa ulan. ²Sa ilalim ng puno — Kulang sa paliwanag kung ano ang ginagawa sa ilalim ng puno o sino ang naroon.
PAGSASANAY: Panuto: Lagyan ng ✅ kung ito ay may buong kahulugan at ❌ kung kulang. 1. Sa ilalim ng mesa 2. Ang bata ay masayang naglalaro sa parke. 3. Habang naglalakad
SAGOT | PAGSASANAY: 1. Sa ilalim ng mesa ❌ ano'ng meron sa ilalim ng mesa? 2. Ang bata ay masayang naglalaro sa parke. ✅ may buong ideya sa kung sino ang pinag-uusapan at ang nararamdaman ng bata. 3. Habang naglalakad ❌ ano'ng kasunod na pangyayari habang naglalakad?
PANGUNGUSAP: ²Nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas .
HALIMBAWA: M asaya ang mga bata sa paaralan . Nagsisimula sa malaking M at nagtatapos sa tuldok (. )
HALIMBAWA: A no ang ulam natin ngayon ? May malaking titik A at tandang pananong (?)
HALIMBAWA: masaya ang mga bata sa paaralan Mali, dahil maliit ang unang letra at walang tuldok.
PAGSASANAY: Panuto: Ayusin ang pagkakasulat ng panungusap. 1. pupunta kami sa palengke mamaya 2. saan ka pupunta ngayon 3. ang laki ng bahay ninyo
SAGOT | PAGSASANAY: 1. P upunta kami sa palengke mamaya . 2. S aan ka pupunta ngayon ? 3. A ng laki ng bahay ninyo !
PANGUNGUSAP DALAWANG BAHAGI:
MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP: 1. Simuno ang pinag-uusapan sa pangungusap. Karaniwan itong pangalan ng tao, hayop, bagay, o lugar.
HALIMBAWA: Si Ana ay nagbabasa ng libro. Sino ang nagbabasa ng libro? Si Ana
HALIMBAWA: Ang unan ay kulay puti. Ano ang kulay ng unan? Kulay puti
PAGSASANAY: Panuto: Isulat sa papel ang SIMUNO sa bawat pangungusap. 1. Si Mang Tonyo ay naglalako ng prutas sa palengke. 2. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa bakuran. 3. Ang aso ng kapitbahay ay tahol nang tahol.
SAGOT | PAGSASANAY: 1. Si Mang Tonyo ay naglalako ng prutas sa palengke. 2. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa bakuran. 3. Ang aso ng kapitbahay ay tahol nang tahol.
MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP: 2. Panaguri – ang nagsasabi tungkol sa simuno Dito sinasabi kung ano ang ginagawa o katangian ng simuno.
HALIMBAWA: Si Ana ay nagbabasa ng libro . Ano'ng ginagawa ni Ana (simuno)? Si Ana ay nagbabasa ng libro
HALIMBAWA: Ang unan ay kulay puti . Ano ang kulay ng unan (simuno)? Ang unan ay kulay puti .
PAGSASANAY: Panuto: Isulat sa papel ang PANAGURI sa bawat pangungusap. 1. Ang guro ay nagtuturo sa silid-aralan. 2. Si Ana ay umaawit sa entablado. 3. Ang mga ibon ay lumilipad sa himpapawid.
SAGOT | PAGSASANAY: 1. Ang guro ay nagtuturo sa silid-aralan. 2. Si Ana ay umaawit sa entablado . 3. Ang mga ibon ay lumilipad sa himpapawid.
TALATA: Ito ay grupo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng isang pangunahing kaisipan o ideya. Karaniwan itong ginagamit sa pagsulat ng sanaysay, kwento, liham, at iba pa.
TALATA: May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. Tunay na kaibigan si Bruno.
KATANGIAN NG TALATA: ¹May pangunahing ideya – ito ang sentro ng talakayan sa talata. Tema : Pag-ibig, Pagkakaisa, Pamilya, Kaibigan, Edukasyon at iba pa.
May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. Tunay na kaibigan si Bruno. ANG ALAGA KONG SI BRUNO
PAGSASANAY: Panuto: Isulat sa papel ang teama ng talata na nasa ibaba. Mahilig akong kumain ng prutas. Paborito ko ang mangga, saging, at pakwan. Masarap at masustansiya ang mga ito.
Mahilig akong kumain ng prutas. Paborito ko ang mangga, saging, at pakwan. Masarap at masustansiya ang mga ito. TEMA: PRUTAS/PABORITO KONG PRUTAS
KATANGIAN NG TALATA: ²May mga suportang pangungusap – nagbibigay paliwanag o halimbawa Ang pangalawa at mga sumunod na pangungusap ay sumusuporta sa naunang pangungusap.
ANG AKING ASO May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. Tunay na kaibigan si Bruno.
KATANGIAN NG TALATA: ³Maayos ang pagkakaugnay ng mga ideya May panimula, gitna, at pang-wakas na pangungusap.
BAHAGI NG TALATA: 1.Panimulang Pangungusap – nagpapakilala sa paksa. Layunin nito ang ipakilala ang paksa o pangunahing ideya.
¹ May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. Tunay na kaibigan si Bruno. PANIMULANG PANGUNGUSAP
BAHAGI NG TALATA: 2. Mga sumusuportang pamgungusap – Ito ang mga paliwanag, detalye, o halimbawa na sumusuporta sa pangunahing ideya. Dito pinalalawak o nililinaw ang paksa.
¹ May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. ²Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. Tunay na kaibigan si Bruno. MGA SUMUNOD NA PANGUNGUSAP
BAHAGI NG TALATA: 3. Pangwakas na pangungusap- Ito ang panghuling pangungusap sa talata. Layunin nitong ibuod o bigyang-diin ang kabuuang ideya ng talata.
¹ May alaga akong aso na ang pangalan ay Bruno. ²Siya ay kulay kayumanggi at may malalambot na balahibo. Mahilig siyang tumakbo at makipaglaro sa akin tuwing hapon. Siya rin ay matalino at sumusunod sa utos ko. ³Tunay na kaibigan si Bruno. PANGWAKAS NA PANGUNGUSAP
PAGSASANAY: Panuto: Bumuo ng isang talata na may limang pangungusap. Naglalaman ito ng; - Tema (Tungkol saan?) - Panimulang Pangungusap | 1 pangungusap - S umunod na pangungusap | 3 pangungusap - Pangwakas na pangungusap | 1 pangungusap