GURO:MANUEL Tekstong persweysib ( Adbertisment ) - pagtukoy sa paksa , layon at ideya GRADE 8 FILIPINO Week 4 day 5 Evaluation Day!
Panginoon, alam kong may dahilan ang bawat pagsubok. Hindi Mo ako binabago, kundi pinatatatag at pinalalalim ang pananampalataya ko. Maghihintay ako sa tamang panahon para sa biyayang mula sa Iyo. Para sa lahat ng tahimik na lumalaban—patatagin Mo kami. Amen. PANALANGIN
ATTENDANCE
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang layunin ng tekstong persweysib? a. Magkuwento ng karanasan b. Manghikayat o kumbinsihin c. Magturo ng hakbang d. Magbigay ng impormasyon
2.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong persweysib? a. Balita b. Resipi sa pagluluto c. Talumpating nanghihikayat d. Talambuhay
3.Ano ang tawag sa malinaw na pahayag ng layunin ng manunulat? a. Estilo b. Paninindigan c. Transisyon d. Argumento
4.Alin ang hindi kabilang sa suportang detalye ng isang tekstong persweysib? a. Lohikal na pangangatwiran b. Opinyon ng eksperto c. Paglalarawan ng tauhan d. Datos o estadistika
5.Ano ang papel ng diksyon sa tekstong persweysib? a. Gumawa ng masarap na pagkain b. Piliin ang angkop na mga salita para sa audience c. Maglagay ng mga larawan d. Magkwento ng kasaysayan
6.Ano ang layunin ng paggamit ng transisyonal na wika? a. Upang gawing mas mahaba ang teksto b. Upang maging magulo ang daloy c. Upang pag-ugnayin ang mga ideya d. Upang makuha ang emosyon
7.Ang “samakatwid,” “gayunpaman,” at “sa kabilang banda” ay halimbawa ng: a. Kohesiyong gramatikal b. Diksyon c. Transisyonal na wika d. Suportang detalye
8.Anong sangkap ng tekstong persweysib ang nagsasaayos ng ideya gamit ang tamang panghalip at pangatnig? a. Estilo b. Kohesiyong gramatikal c. Paninindigan d. Paksa
9.Alin sa mga sumusunod ang hindi sangkap ng tekstong persweysib? a. Paninindigan b. Suportang detalye c. Kwento ng tauhan d. Estilo
10.Sa patalastas na may slogan na “Tikman ang bagong sarap ng buhay!”, ano ang layunin nito? a. Turuan ka ng bagong kakayahan b. Ilarawan ang pagkabata c. Hikayatin kang bumili d. Ikumpara ang dalawang produkto
Sagot 1.b 2.c 3.b 4.c 5.b 6.c 7.c 8.b 9.c 10.c
ENUMERATION (1–10)
Panuto: Isulat ang hinihinging sagot.
1–3. Magbigay ng tatlong halimbawa ng tekstong persweysib.
4–6. Magbigay ng tatlong uri ng suportang detalye na maaaring gamitin sa tekstong persweysib.
7–9. Ano ang tatlong pangunahing katangian ng tekstong persweysib?
10.Anong anim na sangkap ang bumubuo sa isang mahusay na tekstong persweysib?
Sagot 1. Patalastas 2. Talumpati 3. Editorial 4. Datos o estadistika 5. Opinyon ng eksperto
Sagot 6. Halimbawa mula sa karanasan 7. Malinaw na paksa 8. May layunin 9. May pangunahing ideya