May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kakayahan sa pag-uunawa ng aralin. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nasasabi ang sariling ideya sa tekstong napakinggan (F3PN-IIId-14)
Balikan Makinig habang binabasa ng iyong kasama sa bahay ang talata. Pagkatapos ay tukuyin ang tambalang salita na nakapaloob. Gawin ito sa kwaderno.
Simpleng Buhay ang Taglay Isang uri ng pamumuhay, simple ngunit matiwasay. Sa malamig na bukid ay may munting bahay-kubong nakakubli. Buong mag-anak ay masayang nagsasama-sama. Hanapbuhay may pagsasaka,pero sobrang kuntento na. Kapit-kamay at kapit-bisig sa pagharap ng bawat bukang-liwayway kasabay ay pagsibol ng araw na puno ng pag-asa.
Tuklasin Pakinggan ang babasahing pangyayari sa COMIC STRIP ng kasama sa bahay o nakakatanda. Isulat sa kuwaderno ang iyong palagay na sagot sa tanong sa ibaba.
Ang tatay ko kasi hindi na makababalik sa trabaho. Bakit naman? Ano kaya sa iyong palagay ang nangyari sa pinagtatrabahuan ng tatay? Sa palagay ko, _______________________________
Sa pagsasabi ng sariling ideya, maaaring gumamit ng mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng opinyon tulad ng mga EKSPRESIYONG SA PALAGAY KO , PARA SA AKIN a t marami pang iba. Pakinggan ang sumusunod na tugmaan at sabihin ang iyong sariling ideya kung ano ang ipinapahiwatig ng tugma. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Hal: Tugma: Batang nakatanggap ng biyaya may ngiting abot-tainga. Sariling Ideya: Sa palagay ko, ang bata ay masayang masaya. Tugma Sariling Ideya
Pagyamanin Makinig habang binabasa ng nakakatanda o kasama sa bahay ang mga pangyayari. Ibigay ang sariling ideya sa napakinggan. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
. Madalas sumakit ang ulo mo at minsan ay may kasamang panlalabo ng paningin. Nagdadalawang isip ka na sabihin sa magulang mo. Ano ang pinakanararapat mong gawin? ________________________________________________________________________________________ Iniutos sa inyong magkakapatid na ihiwalay ang basurang nabubulok at di nabubulok. Ngunit napansin mong taliwas ang ginagawa ng iyong kapatid. Gusto mong ipaalam sa kaniya ang wastong paraan sa pagawa nito. Ano ang dapat mong gawin? ________________________________________________________________________________________
Iniwan sa iyo ang mga kapatid mo dahil may pupuntahan ang iyong mga magulang. Bilang panganay, paano mo sila aalagaan? ________________________________________________________________________________________ May anusiyo sa inyong barangay tungkol sa proyektong “Linis Kabataan”. Inanyayahan ang lahat ng batang tulad mo na makibahagi sa paglilinis sa inyong lugar. Paano ka sasali rito? ________________________________________________________________________________________
Tapos na ang inyong klase. Niyaya ka ng iyong kamag-aral na pumunta sa kanila upang kumain ngunit bilin sa iyo ng iyong mga magulang na kailangang umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase. Ano ang gagawin mo? ________________________________________________________________________________________ May pagpupulong sa inyong paaralan para sa mga magulang. Tatalakayin nito ang mga mamahalagang bagay para sa ikabubuti ninyong mga mag-aaral. Madalas ay hindi nakakapunta ang iyong ina o kasama sa bahay dahil sa trabaho. Paano mo sila pakikiusapan? ________________________________________________________________________________________
Isagawa Magpasalaysay sa iyong nakatatandang kasama sa bahay sa mga pangyayaring makikita sa larawan sa ibaba. Sabihin ang iyong ideya sa pangyayaring isinalaysay. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Gawing gabay sa iyong mga sagot ang pandama sa isinalaysay na pangyayari.
Tayahin Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong nasimulan. Ipabasa sa iyong magulang, kapatid o nakatatandang kasama sa bahay ang tula sa ibaba. Unawain at sabihin ang iyong mga ideya sa napakinggang tula. Isulat sa malinis na papel ang iyong sagot.
Karagdagang Gawain Pagmasdang mabuti ang larawan sa ibaba. Magbigay ng sariling ideya kung ano ang ibig ipahiwatig ng larawan. Itala ang iyong ideya sa kwaderno.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito , huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy . Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay , o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo . Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag- iisa . Umaasa kami , sa pamamagitan ng modyul na ito , makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang- unawa sa kaugnay na mga kompetensi . Kaya mo ito .