Panuto : Ibigay ang tunog ng mga sumusunod na titik .
Mm Ii Bb Kk Aa Oo Uu Ll Ss Ee Tt Yy
Basahin ang tula at hulaan kung ano ang tinutukoy dito. Panuto :
Kilala ng lahat bilang puno ng bahay Iba’t ibang produkto, sa tao ay alay Mula sa ugat patungo sa dahon Pakinabang ang dulot sa lahat ng panahon
niyog
Ano ang tinutukoy sa bugtong? Ilarawan ang niyog. Ano-ano ang mga benepisyo na makukuha natin sa niyog?
Sa paanong paraan natin mapapakinabangan ang niyog? Ano ang unang tunog ng salitang niyog? /n/
Ang pag-aaralan natin ngayong araw ay ang titik n– ang tunog , ang tamang pagsulat nito , at ang pagbasa ng mga salitang may titik na ito .
Ibabalik tanaw rin natin ang mga salitang tinatawag na pangngalan .”
Pangngalan salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao , bagay , pook , hayop , at pangyayari .
Banggitin ang tunog ng titik Nn. Basahin ang mga salitang nagsisimula sa titik Nn at ipalakpak natin ang bawat pantig ng salita.
n inang
n inong
n iyog
n oo
n uno
n ata
n anay
n iyebe
n unal
n ota
Ang mga salitang binasa ninyo ay tinatawag na pangngalan. Bakatin ang titik Nn.
Basahin ang sumusunod na syllables - kaliwa pakanan , itaas hanggang ibaba , random.
nu bin nay la na si ne nok ne i no ta ma ta a nak
Basahin ang mga salita na may titik Nn at b ilugan ang titik Nn sa bawat salita.
nuno nota anak nanay Nene mana Nena bintana isinama
Alin sa mga sumusunod na salita ang pangngalan?
Pagtambalin ang larawan sa tamang salita. Panuto :
nunal nars noo niyog nota
nunal nars noo niyog nota
nunal nars noo niyog nota
Punan ang mga patlang . Ang natutunan ko ngayong araw ay ang letrang _____ .
Ganito isulat ang maliit at malaking letrang n: N n
Halimbawa ng mga mga salitang may letrang n: ____________.
Ilan sa mga ito ay mga pangngalan. Halimbawa ng mga pangngalan na may titik /n/ ay _____.
Panuto : Isulat ang pangalan ng nasa larawan kung ang salita ang nagsisimula sa /n/. Lagyan naman ng (X) kung hindi .
Panuto : Isulat ang malaki at maliit na letrang Nn. Pagkatapos ay isulat sa huling hanay ang letrang Nn nang walang gabay.
Letrang Nn DAY 2
Isulat sa hangin ang Titik Nn. Ano ang tunog ng titik Nn? Magbigay ng mga pangngalang may titik Nn .
“Sa araw na ito, magbabasa tayo ng maikling kuwento. Gagamitin natin ang mga letrang atin nang natutunan upang basahin ang kuwento.
Nobela isang mahabang kwento na karaniwang isinulat sa anyo ng prosa .
Nota isang simbolo sa musika na nagtatakda ng tunog.
Basahin ang mga sumusunod na salita . Salita : nuno nota nobela manok Nena noo tinola bintana
Basahin ang mga salitang madalas na ginagamit. ● ang ● si ● at ● ng ● ay ● may
Basahin ang mga sumusunod na parirala . ● may nuno ● si Nena ● ang noo ● ang nota ● mga nobela ● Nano at Nino
Mga Dapat Tandaan sa Pagbabasa
1. Basahin mula kaliwa pakanan . 2. Ang bawat pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas .
3. Kung maaari , basahin ang mga pangkat ng mga salita . 4. Gamitin ang mga bantas para matulungan ka sa pagbabasa .
” ” – nagsasalita ang tauhan . . ” – tapos na ang pangungusap . ! – nagpapahayag ng damdamin .
Tayo ay Magbasa ! Si Nena at ang Nota ng Nuno
Isang araw, si Nena ay naglalaro sa kanyang silid habang nagbabasa ng mga nobela. Sa kanyang bintana, nakita niya ang kanyang mga kaibigan na sina Nano at Nino, naglalaro ng tagu-taguan.
Biglang may napansin si Nena. Sa ilalim ng puno sa kanilang likod-bahay, may isang matandang nuno na nagmamasid sa kanila. Agad siyang lumabas at tinanong , " Ano po ang ginagawa ninyo dito ?"
Ngumiti ang nuno at sumagot , "Nag- aantay ako ng masarap na tinola ! "Oo! Gusto ko rin ng tinola!" sagot ni Nena.
Nakita ng nuno ang nota na hawak ni Nena. "Ano yan, bata?" tanong niya. "Isinulat ito ng aking ina para aking pag aralan." sagot ni Nena.
Matapos ang ilang minuto, natapos ang pagluluto ng tinola ng nanay ni Nena, nagtipun-tipon sila sa ilalim ng puno, at sabik na kumain habang nagkwukuwentuhan ng mga kwento at nobela.
1. Ano ang pamagat ng kwento? 2. Ano ang binabasa ni Nena? 3. Sino ang kanyang nakitang naglalaro?
4. Ano ang kanyang nakita sa ilalim ng puno? 5. Ano ang inaantay ng nuno ? 6. Ano ang nakita ng nuno na hawak ni Nena?
Si Ino ay mabuti sa kanyang ama at ina . Bumili sng mais si Ino para sa kanila . Masaya ang ina at ama ni Ino .
● Ano ang katangian ni Ino? ● Bakit masaya ang mga magulang ni Ino?
● Bakit kaya bumili si Ino ng mais? Saan kaya siya kumuha ng pambili ng mais? ● Sa inyong tahanan, ano ang inyong ginagawa na nagpapasaya sa inyong mga magulang o pamilya?
Punan ang mga patlang. Ngayong araw , ang natutunan ko ay ___________.
Halimbawa ng mga mga salitang may letrang n: ____________. Sa pagbasa, kailangan kong tandaan ang mga sumusunod: ________.
Panuto : Basahin ang pangungusap at sagutin ang mga tanong . Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Maayos ang kama ni Lita. Sino ang may maayos na kama ? a . Lita b . Nena
2. Nilinis nina Nano at Nino ang mga unan. Ano ang nilinis nina Nano at Nino? a . kama b . mga unan
3. Malinis ang suot ni Lala. Sino ang may malinis na suot ? a. Lita b. Lala
4. Nakakita si Nena ng nuno. Ano ang nakita ni Nena? a. nota b. Nuno
5. Nagluto ng tinola si nanay. Sino ang nagluto ng tinola ? a . Nanay b . Tatay
Letrang Gg DAY 3
Ilarawan ang gagamba . Paano ito nakatutulong sa atin ? Ano ang unang tunog ng salitang gagamba? /g/
Ang pag-aaralan natin ngayong araw ay ang titik g–ang tunog, ang tamang pagsulat nito, at ang pagbasa ng mga salitang may titik na ito. Ibabalik-tanaw rin natin ang mga salitang tinatawag na pangngalan .
Pangngalan salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao , bagay , pook , hayop , at pangyayari .
Banggitin ang tunog ng titik Gg. Basahin ang mga salitang nagsisimula sa titik Gg at ipalakpak natin ang bawat pantig ng salita.
Ang mga salitang binasa ninyo ay tinatawag na pangngalan.
Bakatin ang titik Gg.
Basahin ang sumusunod na syllables - kaliwa pakanan, itaas hanggang ibaba, random.
ga la gi ta gan sa ni gus gu lay mot gin bi to go ma
Basahin ang mga salita na may titik Gg at b ilugan ang titik Nn sa bawat salita.
gala gabi gata gamot gansa gulay iginisa gisa Galay gato gusto ginto
Panuto : Bilugan ang lahat ng larawan na nag uumpisa sa titik Gg,
Punan ang mga patlang. Ang natutunan ko ngayong araw ay ang letrang _____ .
Ganito isulat ang maliit at malaking letrang g: G g
Halimbawa ng mga mga salitang may letrang g: ____________. Ilan sa mga ito ay mga pangalan. Halimbawa ng mga pangalan na may titik /g/ ay _____.
Panuto : Isulat ang nawawalang titik sa bawat larawan.
___a___ amba g g
___ unting g
___alit g
___ itara g
___ amot g
___ atas g
Letrang Gg DAY 4
Ibigay ang tunog ng mga sumusunod na titik.
Mm Aa Ii Ee Bb Uu Tt Kk Ll Yy Ss Oo Nn Gg
“Sa araw na ito, magbabasa tayo ng mga pangungusap na nagbibigay impormasyon. Gagamitin natin ang mga letrang atin nang natutunan upang mabasa ang teksto .”
Pangungusap isang grupo ng mga salita na naglalaman ng isang buong kaisipan .
Teksto isang anyo ng nakasulat na salita o impormasyon na maaaring binubuo ng mga pangungusap at talata .
Basahin ang mga salitang madalas na ginagamit. ● ang ● ay ● nang ● at
Basahin ang mga sumusunod na parirala . ● ang goma ● gabi nang gumala ● gugo at gansa ● ay gusali
Mga Dapat Tandaan sa Pagbabasa
1. Basahin mula kaliwa pakanan . 2. Ang bawat pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas .
3. Kung maaari , basahin ang mga pangkat ng mga salita . 4. Gamitin ang mga bantas para matulungan ka sa pagbabasa .
” ” – nagsasalita ang tauhan . . ” – tapos na ang pangungusap . ! – nagpapahayag ng damdamin .
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap . Gabi gabi ay tumutugtog ng gitara si Kuya . - Ano ang tinutugtog ni Kuya gabi gabi ?
May gagamba sa loob ng gusali . - Ano ang nasa loob ng gusali ? Gagala kami kasama si Ate Gilda. - Ano ang gagawin nila nina Ate Gilda?
Gabi ng umuwi ang aming guro . -Sino ang gabi ng umuwi ?
Si Galay ay may mga gulay . “ Mabuti ang gulay .” sabi ng Nanay . “ Kumakain ako ng gulay ,” sabi ni Galay . Nagalak ang nanay kay Galay .
● Sino ang may gulay ? ● Ano ang sabi ng nanay tungkol sa gulay ? ● Bakit mabuti ang gulay ? ● Magbigay ng gulay na masarap at masustansya sa ating katawan.
Si Gani Si Gani ay aking kaibigan. Siya ay gumagamit ng sign language. Natuto akong gumamit ng sign language kay Gani . Kami ay magkaibigan .
1. Sino ang gumagamit ng sign language? 2. Bakit kaya gumagamit si Gani ng sign language? 3. Ano ang katangian ni Gani?
Punan ang mga patlang. Ngayong araw , ang natutunan ko ay ___________.
Halimbawa ng mga mga salitang may letrang g: ____________. Sa pagbasa , kailangan kong tandaan ang mga sumusunod : ________.
Panuto : Basahin ang pangungusap at sagutin ang mga tanong . Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. May gagamba sa gusali . Ano ang mayroon sa gusali ? a . gagamba b . gulay
2. Ang gagamba sa gusali ay mataba. Ano ang katangian ng gagamba ? a . mataba b . mataas
3. Ang gagamba ay nasa taas ng gusali . Saan matatagpuan ang gagamba ? a. sa baba ng gusali b . sa taas ng gusali
4. Gumagala ang gagamba sa gabi . Kailan gumagala ang gagamba ? a . sa umaga b . sa gabi