G9 AP Q3 Week 1-2 Paikot na Daloy ng Ekonomiya

arlenesudlango23 8 views 18 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 18
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18

About This Presentation

G9 AP Q3 Week 1-2 Paikot na Daloy ng Ekonomiya


Slide Content

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

PAMBANSANG EKONOMIYA • Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa . Kung HINDI , paano ito malulutas?

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA Unang Modelo: SIMPLENG EKONOMIYA

UNANG MODELO : SIMPLENG EKONOMIYA Pangunahing aktor : Sambahayan – kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Bahay-kalakal – tagalikha ng produkto. ✔ Ang sambahayan at bahay- kalakal ay iisa. ✔ Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. ✔ Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA Ikalawang Modelo: A. Sambahayan B. Bahay-kalakal

IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON Ang pag-iral ng sistemang pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon dito . Pangunahing sektor : Sambahayan at Bahay-kalakal ✔ Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal ✔ Dalawang uri ng Pamilihan : Pamilihan ng mga salik ng produksyon o factor markets (capital, lupa, paggawa) ; Tapos na produkto o commodity (good markets o commodity markets)

1. Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon ∙ Nagbebenta ang sambahayan ng mga salik ng produksiyon. ∙ Bumibili ang bahay-kalakal ng mga salik ng produksiyon.

Salik ng Produksyon 1. lupa 2. paggawa 3. kapital 4. entreprenyur

2. Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod -Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod ∙ Bumibili ang sambahayan ng mga tapos na produkto at paglilingkod

IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) PANGUNAHING SEKTOR : Sambahayan at Bahay-Kalakal ✔ Isinasa-alang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap. ✔ Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. ✔ Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. ✔ Pamimilili at paglikha ng produkto, pag- iimpok (savings) at pamumuhunan (investments) – nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya. ✔ Nagaganap sa pamilihang pinansiyal (financial market)

3. Pamilihang Pinansyal -Nag-iimpok ang sambahayan . -Umuutang ang bahay-kalakal

IKAAPAT NA MODELO : ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL AT PAGLILINGKO D ✔ Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. ✔ Sektor : sambahayan , bahay-kalakal at pamahalaan. ✔ Pagbabayad ng buwis ang karagdagang gawain sa ekonomiya. (broken lines) ✔ Sumisingil ng buwsis ang pamahalaan para kumite. ✔ Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. ✔ Ito ay ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. (nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal)

Pamahalaan ∙ Nangongolekta ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal. - Nagkakaloob ng serbisyong at pampubliko.

IKALIMANG MODELO : ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS ✔ Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. ✔ Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. ✔ Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. ✔ Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. ✔ Sa modelong ito, ang pambangsang ekonomiya ay bukas. ✔ May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.

Panlabas na Sektor ∙ Produkto sa pilipinas na ibenibenta sa ibang bansa. (Export) - Binibiling Produkto sa ibang bansa. ( Import)

MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA 1. Sambahayan 2. Bahay-kalakal 3. Pamahalaan 4. Panlabas na Sektor

Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya 1. Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon 2. Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod 3. Pamilihang Pinansyal 4. Panlabas na Sektor

PAGPAPAHALAGA • Sa iyong palagay, mahalaga ba sa ekonomiya ng Pilipinas ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa? Bakit?
Tags