GOSPEL-READING-AUGUST-26-29 weekly .pptx

mackoyambao21 11 views 25 slides Sep 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 25
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25

About This Presentation

The Gospel Reading Weekly


Slide Content

“Mga bulag na taga-akay !” MABUTING BALITA: MATEO 23:23-26 MARTES SA IKADALAWAMPUT-ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (08/26/25)

PAGNINILAY: Ayon sa binasang Mabuting Balita … BASAHIN at MAGNILAY: Pagnilayan ang konteksto ng pagbasa , ang mga karakter , mga turo at iba pang mga bagay o pangyayari na nakapaloob dito . PAKIKIBAHAGI at PAKIKILAHOK: Sa papaanong pamamaraan mo iuugnay yung pagbasa sa iyong personal na buhay at mga karanasanan ? Papaano ito nakaapekto sayo ? Papaano ito makakatulong sa iyo sa pang araw-araw mo na buhay lalo na sa buhay pananampalataya ? TUGONG PAGKILOS : Anong mga hakbang o pamamaraan ang gagawin mo upang ito ay iyong maisabuhay ?

NAMUMUNO: Pagbasa ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo LAHAT: Papuri sa iyo , Panginoon . ( habang ginagawa ang pag-aantanda ng krus , gamit ang ating hinlalaki , sa ating noo , labi at dibdib .)

“ Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo ! Mga mapagkunwari ! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena , ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan : ang katarungan , ang pagkahabag , at ang katapatan . Dapat ninyong gawin ang mga ito nang hindi kinakaligtaan ang ibang utos . Mga bulag na taga-akay ! Sinasala ninyo ang kulisap sa inyong inumin , ngunit nilulunok naman ninyo ang kamelyo !

“ Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo ! Mga mapagkunwari ! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan , ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at pagiging makasarili . Bulag na Pariseo ! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa at pinggan at magiging malinis din ang labas nito !

Ang Mabuting Balita ng Panginoon - Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo

“Sa paningin ng tao'y mabubuti , ngunit ang totoo'y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan .” MABUTING BALITA: MATEO 23:27-32 MIYERKULES SA IKADALAWAMPUT-ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (08/27/25)

PAGNINILAY: Ayon sa binasang Mabuting Balita … BASAHIN at MAGNILAY: Pagnilayan ang konteksto ng pagbasa , ang mga karakter , mga turo at iba pang mga bagay o pangyayari na nakapaloob dito . PAKIKIBAHAGI at PAKIKILAHOK: Sa papaanong pamamaraan mo iuugnay yung pagbasa sa iyong personal na buhay at mga karanasanan ? Papaano ito nakaapekto sayo ? Papaano ito makakatulong sa iyo sa pang araw-araw mo na buhay lalo na sa buhay pananampalataya ? TUGONG PAGKILOS : Anong mga hakbang o pamamaraan ang gagawin mo upang ito ay iyong maisabuhay ?

NAMUMUNO: Pagbasa ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo LAHAT: Papuri sa iyo , Panginoon . ( habang ginagawa ang pag-aantanda ng krus , gamit ang ating hinlalaki , sa ating noo , labi at dibdib .)

“ Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo ! Mga mapagkunwari ! Ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi , magaganda sa labas , ngunit ang loob ay bulok at puno ng kalansay . Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti , ngunit ang totoo'y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan .”

“ Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo ! Mga mapagkunwari ! Nagpapagawa kayo ng libingan para sa mga propeta , at pinapaganda ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid . Sinasabi pa ninyo , ‘Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno , hindi kami makikiisa sa pagpatay sa mga propeta .’ Sa sinabi ninyong iyan , inaamin ninyong kayo'y mga anak ng mga pumaslang sa mga propeta ! Sige! Tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno !

Ang Mabuting Balita ng Panginoon - Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo

“Kaya nga , dapat kayong magbantay sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon .” MABUTING BALITA: MATEO 24:42-51 HUWEBES SA IKADALAWAMPUT-ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (08/28/25)

PAGNINILAY: Ayon sa binasang Mabuting Balita … BASAHIN at MAGNILAY: Pagnilayan ang konteksto ng pagbasa , ang mga karakter , mga turo at iba pang mga bagay o pangyayari na nakapaloob dito . PAKIKIBAHAGI at PAKIKILAHOK: Sa papaanong pamamaraan mo iuugnay yung pagbasa sa iyong personal na buhay at mga karanasanan ? Papaano ito nakaapekto sayo ? Papaano ito makakatulong sa iyo sa pang araw-araw mo na buhay lalo na sa buhay pananampalataya ? TUGONG PAGKILOS : Anong mga hakbang o pamamaraan ang gagawin mo upang ito ay iyong maisabuhay ?

NAMUMUNO: Pagbasa ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo LAHAT: Papuri sa iyo , Panginoon . ( habang ginagawa ang pag-aantanda ng krus , gamit ang ating hinlalaki , sa ating noo , labi at dibdib .)

Kaya nga , dapat kayong magbantay sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon . Ngunit alamin ninyo ito : Kung alam ng may- ari ng sambahayan ang oras ng pagdating ng magnanakaw , siya ay magbabantay . Hindi niya pababayaang mawasak ang kaniyang bahay . Kaya nga , kayo rin ay maging handa sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaakala . Sino nga ang tapat at matalinong alipin na pinagkati­walaan ng kaniyang panginoon at ipinagkatiwala ang kaniyang sambahayan upang magbigay sa kanila ng pagkain sa takdang panahon ? Pinagpala ang aliping iyon na pagdating ng kaniyang panginoon ay masumpungan siyang gumagawa ng gayon . Katotohanang sinasabi ko sa inyo : Ipagkakatiwala sa kaniya ang lahat ng ari-arian ng kaniyang panginoon . Ngunit kapag ang masamang aliping iyon ay magsabi sa kaniyang puso: Maantala ang pagdating ng aking panginoon . Sisi­mulan niyang hampasin ang kaniyang mga kapwa alipin . Siya ay kakain at iinom kasama ng mga manginginom . Ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan . Siya ay darating sa oras na hindi niya alam . Puputulin siya sa dalawa at ang kaniyang bahagi ay ilalagay kasama ng mga mapagpa­imbabaw . Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin .

“ Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo ! Mga mapagkunwari ! Nagpapagawa kayo ng libingan para sa mga propeta , at pinapaganda ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid . Sinasabi pa ninyo , ‘Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno , hindi kami makikiisa sa pagpatay sa mga propeta .’ Sa sinabi ninyong iyan , inaamin ninyong kayo'y mga anak ng mga pumaslang sa mga propeta ! Sige! Tapusin ninyo ang sinimulan ng inyong mga ninuno !

Ang Mabuting Balita ng Panginoon - Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo

“ Itinuturing ng hari na si Juan ay taong matuwid at banal, at sinisikap niyang huwag itong mapahamak”. MABUTING BALITA: MARKOS 6:17-29 ANG PAGPAPAKASAKIT NI SAN JUAN BAUTISTA (08/29/25)

PAGNINILAY: Ayon sa binasang Mabuting Balita … BASAHIN at MAGNILAY: Pagnilayan ang konteksto ng pagbasa , ang mga karakter , mga turo at iba pang mga bagay o pangyayari na nakapaloob dito . PAKIKIBAHAGI at PAKIKILAHOK: Sa papaanong pamamaraan mo iuugnay yung pagbasa sa iyong personal na buhay at mga karanasanan ? Papaano ito nakaapekto sayo ? Papaano ito makakatulong sa iyo sa pang araw-araw mo na buhay lalo na sa buhay pananampalataya ? TUGONG PAGKILOS : Anong mga hakbang o pamamaraan ang gagawin mo upang ito ay iyong maisabuhay ?

NAMUMUNO: Pagbasa ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Markos LAHAT: Papuri sa iyo , Panginoon . ( habang ginagawa ang pag-aantanda ng krus , gamit ang ating hinlalaki , sa ating noo , labi at dibdib .)

Si Herodes mismo ang nagpahuli at nagpabilanggo kay Juan dahil sa kagustuhan ni Herodias. (Ang babaing ito ay pinakasalan at kinakasama ni Herodes bagama't ito'y asawa ng kapatid niyang si Felipe.) Sapagkat laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Labag sa batas na kasamahin mo ang asawa ng inyong kapatid!” At dahil dito, si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan at ibig niya itong ipapatay. Ngunit hindi niya ito magawâ sapagkat alam niyang natatakot si Herodes kay Juan. Itinuturing ng hari na si Juan ay taong matuwid at banal, at sinisikap niyang huwag itong mapahamak. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan kahit na labis siyang nalilito sa mga sinasabi nito. Subalit nagkaroon din ng pagkakataon si Herodias na ipapatay si Juan nang sumapit ang kaarawan ni Herodes.

Si Herodes ay nagpahanda ng malaking salu-salo at inanyayahan niya ang kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. Nang pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw, labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya't sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo ang anumang nais mo at ibibigay ko sa iyo.” Naipangako rin niya sa dalagang, “Ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo, kahit pa ang kalahati ng aking kaharian.” Kaya't lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano po ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo,” sagot ng ina.

Mabilis na nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari at sinabi niya, “Ang nais ko'y ibigay ninyo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo, na nakalagay sa isang pinggan.” Labis na nalungkot ang hari, subalit dahil sa kanyang sumpang narinig ng mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. Kaagad niyang iniutos sa isang kawal na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod nga ang kawal at pinugutan niya ng ulo si Juan sa loob ng bilangguan. Inilagay niya ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon - Pinupuri ka namin , Panginoong Hesukristo
Tags