GRADE 7- KAISIPANG ASYANO NA NAGBIGAY DAAN

faidahmpdilna 1 views 11 slides Oct 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

NAPAPAHALAGAHAN ANG KAISIPANG ASYANO


Slide Content

Mga impluwensiya ng mga kaisipang asyano sa kalagayan panlipunan at kultura sa asya

animismo - Mga kaisipang tungkol sa pinagmulan ng tao at mga bagay sa kalikasan . - Ang paniniwala na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may kaluluwa at nabubuhay na may ugnayan sa isa’t -isa.

Animismo - Naniniwala rin ang mga tao na ginagabayan sila ng kanilang mga ninuno kaya Malaki ang paggalang nila sa mga nakatatanda sa kanilang pamilya . - Ang lahat ng Gawain ay may ritwal o seremonya upang hingin ang pagsang-ayon ng Lumikha , anito, Espiritu, Diwata at mga element ng kalikasan .

DIVINE ORIGIN - Ito ay paniniwalang ang lahat ng nilalang sa daigdig ay nilikha ng Iisang DIYOS, makapangyarihang Nilalang , na Siyang nagtatalaga sa kung Sino ang mamumuno at mangangasiwa sa Kaniyang mga Nilikha .

sinocentrism Ay ang paniniwala ng mga Tsino na ang Tsina ang pinakasentro ng daigdig at itinuturing ito bilang “ Gitnang Kaharian ”. Sa larangan ng politika sa ilalim ng konseptong ito , tanging ang Tsina lamang ang karapat-dapat na matawag na “Estado” at tinatagurian ang mga iba’t-ibang mga sambayanan bilang mga barbaro .

Mandate of heaven Ito ay paniniwala na ang pinuno ng kanilang Dinastiya ay pinili ng langit o ng kanilang Diyos . Ang Dinastiya ng Pinunong kinalulugdan ng langit ay magiging matiwasay , mapayapa at maunlad .

devaraja Ay mga kaisipang umusbong at lumaganap sa “ Indianisadong ” lupain sa Asya. Ang salitang “Deva” ay ibig sabihin “ Diyos ” at “Raja” o hari . Itinatag ni Jayavarman sa Imperyong Khmer. Ang haring Khmer ay isang God King o haring Diyos na pinakamataas at walang kapantay . Ang naglalakihang templo ay ipinatayo sa karangalan ng haring Diyos at sumasalamin sa kaniyang kapangyarihan .

cakravartin Kaisipang umusbong sa India na nakabatay sa Relihiyong Buddismo . Ang pinuno ay “ hari ng buong mundo ”. Ang hari ay isang perpektong pinuno . Ang hari ay namumuno nang buong katapatan at kabutihan sa lahat.

Islamikong kaisipan Islam ay Relihiyong umusbong sa Kanlurang Asya at lumaganap sa buong Mundo. Ito ay isang Relihiyong naniniwala sa Kapayapaan sa pakikipag -isa o pagsusuko ng sarili kay ALLAH , ang nag- iisang Diyos na lumikha ng lahat ng bagay sa Mundo.

Islamikong kaisipan Sa mga nananampalataya sa Islam, o tinatawag na Muslim, si ALLAH lamang ang nag- iisang Diyos , at si MOHAMMAD ay kaniyang Propeta . Naniniwala sila na ang relihiyong Islam ay nabuo sa Mecca, Saudie Arabia at siyang humubog sa pananampalataya ng mga Arabong bansa .

Islamikong kaisipan Ang pamumuhay ng mga Muslim ay nakabatay rin sa kanilang paniniwala sa Limang Haligi ng Islam: Shahadah Salah Sawm Zakat Hajj
Tags