Group-3-Panahon-ng-Rebolusyong-Pilipino-2.pptx

ayadi3d 7 views 15 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 15
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15

About This Presentation

reveiwer blcslfsdjfkjsdkfjklsdjfkljsdklfjklsdj


Slide Content

Panahon ng Rebolusyong Pilipino Group 2

Ano nga ba ang Rebolusyon ? Ito ay isang malawakang pagbabago sa isang lipunan , Sistema, o pamahalaan na kadalasang nagreresulta sa pagpapatalsik ng kasalukuyang pamumuno o pagbabago sa mga patakaran at estrukturang Lipunan.

Dahil dito , unti unting naramdaman ng mga Plipino ang kakaiba nilang kalagayan kung ihahambing sa mga mamamayan ng ibang mga bansa sa Europa. Nakapasok sa kapuluan ang diwang Malaya o Liberal dala ng mga mangangalakal mula sa mga bansa sa Europa . Panahon ng Rebolusyong Pilipino Kakambal ng himagsikan sa Espanya noong 1868, ang pagbukas ng Canal Suez noong 1869.

GOMBURZA - sila ang tatlong Pilipinong pari na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abogado noong Pebrero 17, 1872. Nang naging dahilan ng paghihimagsik sa isip at damdamin ng mga Pilipino at dito nagtulong tulong upang magising ang diwa ng nasyonalismo .

Sa panahong ito ay nagtatag sila ng kilusang Propaganda at naglabas ng pahayagang La Solidaridad . Inilathala sa La Solidaridad ang mga artikulo na naghahangad ng mga reporma para sa Pilipinas .

Kilusang Propaganda Ang kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1889 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GOMBURZA). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya , pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas. Ito ay isang kilusang politikal at intelektuwal na naganap noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas noong ika – 19 siglo .

Kilusang Propaganda Dito nagsimula ang La Solidaridad , isang pahayagan ng kilusang propaganda na naglathala ng mga artikulong sinulat ng mga propagandista . Nagkaroon ito ng malaking epekto sa pagpapalaganap ng kamalayan sa mga Pilipino, na nagbunga ng iba’t ibang kilusan ng paglaban at paghingi ng Kalayaan, tulad ng Katipunan.

La Solidaridad Itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona ang isang makabayang samahan na tinawag na Asosacion La Solidaridad na pinasinayaan noong Disyembre 31, 1884. Sa pamamagitan ng nagkakaisang boto, si Rizal ay nahalal na Pangulong Pandangal ng Asosacion La Solidaridad bilang pagkilala sa kanyang pamumuno sa lahat ng mga makabayang Pilipino sa Europa . Nang malaman ang balita , nagpadala si Rizal ng isang liham sa Asociacion La Solidaridad na nagpapasalamat sa kanilang pagtitiwala at pagpapayo sa ikapagtatagumpay ng Samahan.

La Solidaridad Noong Pebrero 15, 1889, itinatag ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona ang pahayagang Makabayan na may pamagat na La Solidaridad na lumalabas tuwing ikalawa at huling linggo ng buwan at nagsilbing pahayagan ng Kilusang Propaganda. Ang pahayagang ito ay naglalayon na isulong ang isang mapayapang pagbabagong pulitikal at panlipunan sa Pilipinas , upang maipakita sa mga mambabasa ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas at nang malapatan ng lunas ng pamahalaang Espanya , upang labanan ang mga paring Espanyol sa Pilipinas na noon ay siyang kumokontrol ng pamahalaan , upang isulong ang kaisipang liberal at kaunlaran , at upang isulong ang makatuwirang karapatan ng mga Pilipino para sa buhay , demokrasya , at kaligayahan .

La Solidaridad ito rin ay isang pahayagan na naglalarawan ng mahalagang papel sa kilusang reporma sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Espanya . ito ay naglaro ng mahalagang papel sa pagpapalaganap ng mga ideyang nasyonalista at repormista sa Pilipinas . At ang alaala nito ay nanatiling buhay hanggang sa ngayon .

Konstitusyong Biak – na Bato (1897) Dito ay itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika . Paglaban sa mga kastila at paghihimagsik para sa kalayaan ng bayan ang pangunahing paksa ng kanilang akda . Ang wikang ginamit nila sa pahayagang Kalayaan ng Katipunan ay tagalog , ngunit isang kopya lamang ang nailimbag dahil nakarating agad ito sa mga Kastila . Mas nakakaraming rebolusyonaryong Pilipino ang nagkaisa , hindi lamang sa paglaban kunti pati na rin sa paggamit ng Tagalog.

Konstitusyon ng Malolos ( Enero 21, 1899) Itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espansyol bilang opisyal na wika at opisyal na wika ang Tagalog, bagaman noon pa ay Nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng wikang Ingles sa bansa .

Bakit mahalaga ang himagsikang Pilipino? Upang ito ang maging inspirasyon ng mga Pilipino na lumaban para sa Kalayaan ng bansa . Ang mahahalagang pangyayari nito ay ang pag – unlad ng wikang ginagamit sa bansa upang makipagkomunikasyon . Namulat din nito ang mga Pilipino na dapat na nilang makamit ang Kalayaan mula sa mga Espanyol. Ang nangyaring Rebolusyong Pilipino ay isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas .

Salamat sa Pakikinig !

Group 2 Aleyah Marie Duque Sara Joy Manuel Sabriya Hon Naungayan Sig Calip Joel Soriano
Tags