Homeroom Guidance Ikaapat na Markahan – Modyul 16: Ang Aking Bahagi sa Aking Komunidad MARISSA Y. RONQUILLO Class Adviser
Ang Aking Bahagi sa Aking Komunidad Ang pagbabahagi ay pagmamalasakit . Nangangahulugan na kapag ikaw ay nagbahagi sa iba , katulad na din ito ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kanila . Ang mundo ay magiging mas masaya kung ang mga tao ay nagbibigayan at may malasakit sa kapwa . Kung ito ay magpapatuloy , ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ng bawat isa. Maaaring mayroon kang mga sariling pangangailangan , ngunit ang pagtulong sa iba ay isang bagay na kailangan nating pagtuunan ng oras .
Ang pagtulong sa abot ng iyong makakaya at pagbibigay ng kung anumang bagay na mayroon ka ay dapat na ugaliin lalo na sa panahon ng pangangailangan . Hindi lamang ito maganda sa pakiramdam at maipakitang isa kang mabuting tao , bagkus isa rin itong paraan upang makapagbigay inspirasyon sa iba .
Kung nais mong makapagbahagi ng iyong sarili at matugunan ang pangangailangan ng iba , alalahanin at isagawa ang mga sumusunod : M – Make Time ( Maglaan ng oras ) Y – Yearn to Help ( Hangaring Makatulong ) S – Strength Discovery ( Alamin ang iyong kalakasan ) H – Having the Initiative to Help ( Magkaroon ng pagkukusa sa pagtulong ) A – Awareness of Needs ( Kamalayan sa mga pangangailangan ) R – Respect for Other’s Needs ( Pagrespeto sa pangangailangan ng iba ) E – Experience Joy in Helping ( Makaranas ng kasiyahan sa pagtulong )
GAWAIN Panuto : Gumawa ng Akrostik tungkol sa Pagbabahagi at Pagmamalasakit sa iyong Komunidad