IC102-Eksibisyonismo_043206.pptxnnnnnnnn

DonhillZapanta 0 views 28 slides Oct 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 28
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28

About This Presentation

None


Slide Content

Eksibisyonismo

Ang  eksibisyonismo  ( Kastila : e xhibicionismo ;  Ingles :  exhibitionism ; mula sa   Latin :  exhibere , na nangangahulugang " itanghal ") ay tumutukoy sa kagustuhang magpakita o paglantad ng mga parte ng  katawan — partikular na ang  ari  o  puwitan  ng babae o lalaki , o ang  dibdib  ng babae — sa isang pampubliko o semi- publikong pangyayari , sa mga grupo ng mga kaibigan o kakilala , o sa mga hindi kakilala [1] . Kapag nasangkot ang mga awtoridad , at ang kilos ay nakababanta o laban sa lipunan , ito ay maaaring tawaging " indecent exposure ", depende sa tiyak na mga batas ng hurisdiksiyon na nasasangkot , at maaaring humantong sa pagkakakulong at prosekusyon ng  nasasakdal .

Ang hindi nakababahalang eksibisyonismo ay maaaring pisikal na ipahayag sa dalawang paraan . Ang una , karaniwang tinatawag na "flashing", ay kabilang ang pagpapakita ng tao ng kanyang ari sa ibang tao o sa grupo ng mga tao , sa paraang hindi nakababahala , sa isang sitwasyon kung saan hindi ito karaniwang pinapakita , kagaya ng isang pagtitipon o sa pampublikong lugar . Ang pagsasagawa ng "flashing", lalo na ng mga babaeng pinapakita ang dibdib at pati na rin ang kanyang ari at puwitan , ay maaaring may kahit na parsiyal na intensiyong sekswal , i.e para udyukan ang sekswal na pagpukaw sa pinapakitaan , kung saan nama'y ang nagpapakita ay nabibigyan ng dagdag sa kaakuhan . Gayunman , ang "flashing" ay maaari ring ginawa para lamang akitin ang hindi napukaw na " atensiyon " ng iba , para sa pabuya , o panggulat . Ang ganitong uri ng exhibiionism ay maaari ring ipahayag sa konteksto ng grupong nag- iisip na pareho ang kagustuhang ipakita ang mga sarili nila sa isa't isa. Ito ay maaaring mangyari sa isang pormal o inpormal na kaganapan , gaya ng nudist clubs o sa maliliit na grupo na na naghahati sa isang palikuran o nagsi -" skinny dipping ".

Ang pampublikong eksibisyonismo ng mga babae ay naitala na mula pa noong mga panahong klasiko , kadalasan sa konteksto ng mga babaeng ipinapahiya ang mga grupo ng lalaki para magsagawa , o buyuhin sila para magsagawa , ng isang pampublikong aksiyon .

Sa larangang klinikal , isang kaso ang unang naitalang nangyari sa   Venicia   noong 1550 ayon sa komisyon nito laban sa blaspemya . Ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga   selpon  at tablet ay nagdudulot sa ilang mga ekshibisyonista na muling gawin ang kanilang mga pamamaraan tulad ng pagkuha ng mga   selfie   nang nakahubad .

Aspetong pangkaisipan

Aspetong pangkaisipan Unang ginamit ni Charles Lasègue ang salitang exhibitionist o ekshibisyonista noong 1877 Ang eksibisyonismo bilang isang karamdaman ay unang inilarawan sa isang siyentipikong dyornal noong 1877 ng isang Pranses na manggagamot na si Charles Lasègue (1809–1883). Ang eksibisyonismo ay maaaring tratuhin bilang isang sakit sa pag-iisip kapag ito ay nakaabala sa kalidad ng buhay o normal na paggalaw ng indibidwal . Ang eksibisyonismo ay nabanggit sa Diagnostic and Statistical Manual, 4th Edition (class 302.4). Maraming saykayatrikong depinisyon ng eksibisyonismo ay tinutukoy ito bilang " kalugurang sekswal , lampas sa mismong sekswal na gawain , na nakakamit ng peligrosong publikong gawaing sekswal at/o paglalantad ng katawan ." Lampas sa paglalantad ng katawan , maaari rin ritong makabilang ang " pakikipagtalik kung saan maaaring may makakita o makadakip sa gumagawa ." May isang grupo ng mga mananaliksik ang nagtanong sa muwestra ng 185 na exhibitionist, " Ano ang gusto mong reaksiyon ng isang tao na papakitaan mo ng iyong ari ?" Ang pinakakaraniwang sagot ay " Gugustuhing makipagtalik " (35.1%), na sinundan ng "Walang kailangang reaksiyon " (19.5%), " Ipakita rin ang kanilang ari " (15.1%), " Paghanga " (14.1%), at "Kahit anong reaksiyon " (11.9%). Kaunting mga exhibitionist lamang ang sumagot ng " Galit at pandidiri " (3.8%) at " Takot " (0.5%).

Mga uri ng paglalantad Pagsagawa ng mga babae ng "flashing" sa isang pagdiriwang noong 2011. Pagsasagawa ng mga estudyante ng  Pamantasang Stanford  ng " mooning " bilang protesta at bilang isang pagsubok sa pandaigdigang rekord .

Mga uri ng paglalantad Anasyrma : ang pag-angat ng palda pag hindi nakasuot ng salawal para ipakita ang ari . Flashing : karaniwang pagpapakita ng hubad na dibdib ng babae sa pamamagitan nga taas-babang pag-angat ng suot at/o bra. Maaari ring ibilang ang pagpapakkita ng ari ng babae o lalaki . Martymachlia : uri ng paraphilia na kasangkot ang atraksiyong sekswal sa pagpapanood ng pagsasaawa ng isang sekswal na akto . Mooning : ang pagpapakita ng hubad na puwitan sa pamamagitan ng paghubad ng pantalon at salawal . Streaking : pagtakbo ng hubad sa isang pampublikong lugar . Candaulism : ang paglalantad ng isang tao sa kanyang kasama sa paraang malinaw na sekswal .

Reflectoporn : ang paghubad at pagkuha ng litrato gamit ang isang bagay na maaninag kagaya ng salamin , at pagpahayag ng litrato sa Internet sa isang pampublikong pagtitipon . Halimbawa ay " imahe ng hubad na mga lalaki at babae na naaaninag sa takure , TV, toaster at kahit kutsilyo't tinidor ". Ang pagkakataong ito ay pinaniniwalaang nagsimula sa isang lalaking nagtinda ng takure sa isang Australyanong subastahan kabilang ang isang litrato kung saan malinaw na nakikita ang hubad niyang katawan ; maraming pagkakataong sumunod , at ang partikular na katagang "reflectoporn" ay ginawa ni Chris Stevens ng Internet Magazine. Sexting : ang pagpapadala , pagtanggap , o pagpapasa ng mga tahasang sekswal na mensahe , litrato , o bidyo sa ibang tao . Telephone scatologia  - Pinahahayag ng ibang mananaliksik na ito ay isang uri ng eksibisyonismo , kahit walang pisikal na bahagi .

Sa Pilipinas, saklaw ng Revised Penal Code ang mga kaukulang limitasyon tungkol o may kaugnayan sa eksibisyonismo . Ipinagbabawal nito ang pampublikong pagpapakita ng anumang maselang parte ng katawan ng tao . Ang sinumang lalabag ay mapaparusahan ng pagkulong na arresto mayor.[6] Art. 336. Acts of lasciviousness. — Any person who shall commit any act of lasciviousness upon other persons of either sex, under any of the circumstances mentioned in the preceding article, shall be punished by prision correccional . Art. 200. Grave scandal. — The penalties of arresto mayor and public censure shall be imposed upon any person who shall offend against decency or good customs by any highly scandalous conduct not expressly falling within any other article of this Code.

Halimbawa UPLB Oblation Run noong 2004 Isa sa mga halimbawa nito na nangyari sa Pilipinas ay ang kaso ni Mocha Uson noong 2010. Nag-upload siya ng kanyang larawang hubad sa Facebook na naging hudyat sa pagpapaliban ng kanyang akawnt .[7] Isang taunang kaganapan ng Oblation Run ang isinasagawa sa Unibersidad ng Pilpinas na unang ginawa sa Unibersidad ng Pilpinas , Diliman noong 1977 bilang protesta sa pagsuspinde ng pelikulang Hubad na Bayani , na naglalarawan sa paglabag ng mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar . Ang kaganapan ay nagpatuloy bilang aksyon ng pagprotesta at pakikibaka .[8]

UPLB Oblation Run noong 2004

Pag- aasawa Ang  asawa  ay ang walang-kasariang katawagan para sa   esposo  o  asawang lalaki  o kaya para sa   esposa  o  asawang babae . Ngunit maaari ring tumukoy sa isang   kasama  o  kinakasama   sa buhay . [1]   Iba pang taguri sa asawa ang pagiging   kabiyak ,  maybahay  (kung babae ),  ina  ng mga bata ,  ginang  (ng  tahanan ),  misis  (ng  mister ),  lakay  (kung lalaki ),  bana  ( kapag lalaki ),  ama  ng mga bata ,  mister  (ng misis ). [2] Kaugnay ito ng salitang   mag- asawa   na tumutukoy sa   pagpapakasal  o kaya sa   isang pares [3]  ng mga tao na nagsasama dahil sa   kasal  o  matrimonyo .

Buhay pampagtatalik Sa seksuwalidad ng tao , ang buhay na seksuwal o buhay na pampagtatalik ay isang bahagi ng pang- araw - araw na pag-iral ng tao na maaaring kasangkutan ng mga gawaing seksuwal o kumakatawan sa kawalan ng gawaing seksuwal . Sa pangkalahatang paraan ng pagsasalita , ang kataga ay maaaring magkaroon ng maraming mga kabahaging kahulugan at mga sapin na panglipunan , subalit pangkalahatang kinabibilangan ng mga sumusunod :

Ang indibiduwal ay may kakayanan , maaaring regular o bahagyang regular, na pumapasok sa kusang napagkasunduan at konsensuwal na mga sitwasyon na kinasasangkutan ng gawaing seksuwal na may kapareha , na iyong hindi nagsosolo sa gawaing seksuwal na katulad ng masturbasyon . Likas na taglay nito ang kahulugan na mayroong hindi bababa sa isang tao sa bawat kalagayan , na mayroon o walang gawaing seksuwal , at walang kinalaman kung ang mga gawaing ito ay monogamo o hindi ; iyon bang ang isang buhay na pampagtatalik ay maaari ring mayroong isang pangmatagalang panahon na katambal sa pagtatalik o kaya ay may maraming mga kapareha sa loob ng mabilis na pagpapalit sa loob ng isang panahon ng buhay . Ang ideya ng isang regular o medyo regular na buhay pampagtatalik ay iba't iba , ngunit ang pagkakategorya ng isang indibiduwal na hindi kusang hindi makapag-asawa (o hindi kusang umaayaw sa pang- aasawa ; na kabaligtaran ng absitensiyang boluntaryo o abstinensiyang seksuwal ) bilang mayroong buhay na seksuwal ay hindi tumpak .

Sa pagpapalagay na ang mga nabanggit sa itaas ay likas na totoo , ang indibiduwal na mayroong isang buhay na seksuwal sa kung gayon ay maaaring manaliksik at palalimin ang kaniyang mga kasanayang seksuwal , at gayon din - kung nanaisin niya - ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na matuto ng bago pang mga kasanayanan at umunlad pa bilang isang seksuwal na nilalang . Ang indibiduwal ay maaari , dahil sa mga bagay na ito , na magkaroon ng isang " lugar " sa kaniyang buong " buhay " na kinasasangkutan ng pagtatalik sa isang paraan na tila kahalintulad sa kung paanong ang mga atleta ay mayroong isang " pook " sa kanilang mga buhay na kinasasangkutan ng palakasan o sa kung paanong ang mga musikero ay mayroong isang " lugar " sa kanilang mga buhay na kinasasangkutan ng musika . Ang isang tao na mayroong matatag at palagiang umuunlad na buhay na seksuwal ay likas na maaaring ituring ang kanilang seksuwalidad bilang isang masiglang bahagi ng kanilang mga sarili , at bagaman ang isang matatag na buhay na seksuwal ay hindi talagang nangangahulugan na ang isang tao ay palaging makakadama ng pagtitiwala sa sarili o seksuwal na kabigha-bighani , ang palagiang pagkakaroon ng pagkakataong makipagtalik at ang kakayanan na mapalalim at mapalawak ang kaniyang mga kasanayang seksuwal ay nakapagbibigay ng isang tiyak na kasiguruhan ng kawilihang seksuwal o sex appeal na wala ang mga taong walang buhay na seksuwal .

Mayroong mga sanggunian na nagsasabi na sa mga tao ang anumang kadalasan ng pakikipagtalik ay maaaring humangga mula sa wala hanggang sa 15 o 20 mga beses sa loob ng isang linggo . [1]  Sa Estados Unidos, ang karaniwang dalas ng pagtatalik para sa mga magkakaparehang kasal ay 2 hanggang 3 mga beses sa loob ng isang linggo . [2]   Pangkalahatang kinikilala na ang mga babaeng nasa yugtong pagkatapos ng  menopause  ( postmenopause ) ay nakakaranas ng pagbaba ng dalas ng pakikipagtalik [3]  at ang karaniwang dalas ng pagtatalik ay bumababa ayon sa pagsulong ng edad . Ayon sa   Kinsey Institute , ang karaniwang dalas ng interkursong seksuwal sa Estados Unidos ay 112 na mga ulit sa bawat taon sa edad na 18-29, 86 na mga beses bawat taon sa edad na 30-39, at 69 na mga ulit bawat taon sa edad na 40-49. [4]

Henopobya Ang  genopobya  o  henopobya  (Ingles:  genophobia ) ay ang pisikal o sikolohikal na takot sa   relasyong sekswal  o  pakikipagtalik . Ito ay mula sa mga salitang Griyego na   genos , na may ibig sabihing " anak ," at  phobos , ibig sabihin ay " takot ". ang henopobya ay kilala rin sa tawag na   koitopobya  (Ingles:  coitophobia ). Ito naman ay hango sa mga salitang Griyego na   phobos  at  coitus , na ang huli ay tumutukoy sa   kopulasyon  o ang pagpasok ng  ari ng lalaki   sa   ari ng babae . Ang katagang   erotopobya  (Ingles:  erotophobia ) ay maaari ring gamitin kapag naglalarawan ng henopobya . Ito ay mula sa pangalan ni   Eros , diyos ng Griyego ng  erotikong pag-ibig . Ang henopobya ay maaaring magdulot ng pagkataranta at takot sa mga   indibidwal . Ang mga taong nakararanas ng takot ay maaaring maging labis na apektado sa mga tangkang pakikipagtalik o ang ideya nito . Ang matinding takot ay maaaring humantong sa problema sa romantikong pakikipagrelasyon . Ang mga apektado ng henopobya ay maaaring maging malayo ang kalooban sa pakikipagrelasyon upang maiwasan ang posibildad ng pagiging malapit . Ito ay maaaring humantong sa   kalungkutan . Ang mga   henopobiko   na tao ay maaaring makaramdam ng kalungkutan dahil sila ay nahihiya sa kanilang personal na mga takot .

SANHI Mayroong iba't ibang mga kadahilanan kung bakit ang mga tao ay nakararamdam ng henopobya . Ilan sa mga pangunahing sanhi ay dating insidente ng seksuwal na pang- aabuso . Ang mga pangyayaring ito ay lumalabag sa pagtitiwala ng biktima at nag- aalis sa kanyang pansariling karapatan . Isa pang posibleng dahilan ng henopobya ay ang pakiramdam ng matinding kahihiyan dahil sa aspetong medikal . Ang iba ay maaaring magkaroon ng takot nang walang anumang matukoy na dahilan . Ang panggagahasa ay labag sa batas na pakikipagtalik dahil sa sapilitan o puwersahang kilos ng isang tao sa kanyang kapwa . Maaaring kabilang dito ang penetrasyon , maaari ring hindi . Ang mga biktima ng panggagahasa ay maaaring lalaki o babae . Kababaihan at mga batang babae ang karamihan sa mga biktima at lalaki naman ang karamihang maysala . Ito ay ang pinaka matinding posibleng panghihimasok sa pisikal at emosyonal na pribasya ng tao . Ito ay itinuturing na karumal-dumal na krimen dahil ang mga biktima ay inaatake sa napakapersonal na paraan at dahil ito ay ginagamitan ng pisikal na puwersa o panloloko . Ang panggagahasa ay maaring maging masakit sa pisikal ngunit higit pa rito ay ang sakit na dadalhin sa emosyonal na aspeto . Mas inilalarawan itong panghihimasok sa sarili kaysa panghihimasok sa katawan . Madalas magkaroon ng matinding emosyonal na reaksiyon ang mga biktima nito , karaniwan sa isang pagkakasunud-sunod na mahuhua laan ( predictable order ). Ito ay kilala bilang sindroma ng  trauma  ng panggagahasa ( rape TRAUMA SYNDROME)

Ang mga biktima ng panggagahasa ay maaaring makaranas ng karagdagang pagkabalisa pagtapos ng pangyayaring ito sa kung paano makitungo sa kanyang sitwasyon ang mga tauhan ng ospital , pulis , kaibigan , pamilya at iba pang malalapit sa kaniya . Sila ay kadalasang nakararamdam ng mababang pagtingin sa sarili at pagiging walang kuwenta . Sila ay naghahanap ng kaligtasan at kontrol sa kanilang buhay . Ang mga biktima ng panggagahasa ay nagkakaroon ng takot sa seks dahil sa mga kadahilanang pisikat at sikolohikal . Habang sila'y naaabuso , sila ay nakararanas ng pisikal na trauma tulad ng pamamaga , pasa , impeksiyon at pagkairita sa mga henitalya , pagkapunit ng mga dingding ng puke at pagdudugo ng puwit . Kalaban din nila ang takot na maulit ang karahasang sinapit . Ang posibilidad na ito ng panggagahasa ay maaring magdulot ng pagkabalisa o kahinaan sa kanyang mga relasyon . Ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging mapagduda at hindi nagtitiwala sa iba . Sila rin ay matatakutin sa seks dahil sa naidulot na pisikal at mental na sakit .

Pagmomolestiya Ang  pagmomolestiya   sa bata, ay isang anyo ng sekswal na karahasan na kung saan ang nakatatanda ay ginagamit ang bata para sa kanyang sekswal na kasiyahan . Kasama rito ang pakikipag-usap sa bata upang makipagtalik , pagpapakita ng  pornograpiya , pagtawag upang makalikha ng poronograpiya , paglalantad ng mga maseselang bahagi ng  katawan   sa bata, pagkarinyo ng maselang bahagi ng katawan ng isang bata, o pagpupumilit sa kaniya na maging bahagi ng seks . Hindi madalas gumagamit ng pwersa sa pagmomolestiya . Karaniwan , ang mga bata ay sumasali dahil wala silang muwang kung ano ang nangyayari . Madalas din silang natatakot sa mas nakatatanda . Ang mga batang biktima ay mararamdaman lang ang kanilang karanasan kapag sila'y lumaki na o kung naintindihan na nila kung ano ang nangyari sa kanila . Madalas nilang nararamdaman na ang kanilang pribasidad ay " natapakan " noong sila ay bata pa para sumang-ayon . Pakiramdam nila sila ay niloko at pinagsamantalahan ng mga pinagkakatiwalaan nila . Ang mga biktima rin ay maaaring makaranas ng matagalang sikolohikal na trauma. Ito ang nagtutulak sa kanila upang hindi magtiwala sa iba . Ang kakulangan ng kumpiyansa sa iba ay maaaring humantong sa takot sa pakikipagtalik .

Insesto Ang  insesto  ay ang sekswal na interaksiyon sa pagitan ng dalawang tao na may kaugnayan bilang   magkamag-anak , ngunit hindi kasal . Ito ay maaaring magsimula kapag ang biktima ay bata pa o pagkatapos ng  pagdadalaga  o  pagbibinata . Ang  salarin  ay karaniwang tinutukoy na   pedopilyo , maaaring lalaki o babae at sila ay maaaring mang-abuso ng mga batang kababaihan at kalalakihan . Ang mga biktima ng insesto ay maaaring mawalan ng tiwala sa iba . Sila ay maaaring makaramdam na walang sinuman ang maaring pagkatiwalaan dahil mismong kanilang mga miyembro ng pamilya ay sinamantala ang kanilang pagkainosente . Sila rin ay wala o kaunti ang nakukuhang kasiyahan sa pakikipagtalik . Ang mga iba ay nakararanas ng malalang pagkatakot sa seksuwal na paglalapat sa kahit na kanino .

Inseguridad Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng henopobya dahil sa pang- imaheng isyu ng katawan . Ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging lubos na mapag -alala sa kanilang katawan . Maaaring ito ay tungkol sa kaanyuan ng kanilang katawan o sa isang partikular na bahagi . Ang mga babae ay maaring maging may inseguridad o walang kapanatagan kapag hindi nila gusto ang hitsura ng kanilang   labia majora  o  labia minora . Ang mga lalaki naman ay maaaring maging henopobya kapag nagkaroon ng dispunksiyon sa pagtayo ng titi ( erectile dysfunction ). Ang ilan na may isyu ng identidad sa kanilang kasarian ay nagkakaroon din ng takot sa seks .

Tawag sa kasalukuyang kultura Ang katagang henopobya ay minsang impormal na ginagamit upang tukuyin ang mga lipunang nagdaan sa represyon o pagsupil na seksuwal sa kulturang popular. Ang ilang mga mas reserbadong lipunan , tulad ng sa   Estados Unidos  ay tinataguriang henopobiko ng mga mas liberal sa   seksuwalidad . Ang independiyenteng pelikulang   Good Dick  ay nakasentro sa temang henopobya at paano nito naaapektuhan ang mga batang babae at ang kanilang relasyon sa mga tao . Hindi man tuwiran , ngunit tema rin ng pelikula ang insesto . Ang nasabing pelikula ay isinulat at dinirektahan ni   Marianna Palaka  at pinalabas noong 2008.

Inseguridad Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng henopobya dahil sa pang- imaheng isyu ng katawan . Ang ilang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring maging lubos na mapag -alala sa kanilang katawan . Maaaring ito ay tungkol sa kaanyuan ng kanilang katawan o sa isang partikular na bahagi . Ang mga babae ay maaring maging may inseguridad o walang kapanatagan kapag hindi nila gusto ang hitsura ng kanilang   labia majora  o  labia minora . Ang mga lalaki naman ay maaaring maging henopobya kapag nagkaroon ng dispunksiyon sa pagtayo ng titi ( erectile dysfunction ). Ang ilan na may isyu ng identidad sa kanilang kasarian ay nagkakaroon din ng takot sa seks . Iba pang mga takot Ang ilang nakararanas ng henopobya ay dahil sa dala-dalang iba pang takot . Ang ilan ay maaaring may  nosopobya , ang takot sa pagkahawa sa isang sakit o  birus . Sila ay maaaring magkaroon din ng  himnopobya , ang takot sa pagiging   hubad . Ang iba ay maaaring magkaroon ng matinding takot kapag nahawakan . Ang mga isyung ito kabilang ang  dipirensiya ng pagkabalisa  ay maaring magpakita ng takot sa pkikipagtalik .

sintomas Ilan sa mga sintomas ng henopobya ay ang pakiramdam ng sindak , takot , at pangamba . Iba pang mga sintomas ay mabilis na tibok ng puso, kapos sa paghinga , panginginig , pagkabalisa , pagpapawis , at pag-iwas sa ibang tao . Lunas Walang unibersal na paggamot sa henopobya . Ang ilang mga paraan ng paggamit dito ay pagkonsulta sa   sikyatriko ,  sikologo , at nilisensiyahang tagapagpayo . Ang ilang mga tao nakararamdam ng sakit sa pakikipagtalik ay maaaring bumisita sa kanilang duktor o  hinekologo . Ang ilang mga gamot ay maaaring iriseta para sa gamutan ng pobya .

Mga sanggunian [ baguhin  |  baguhin ang wikitext ] ↑   Baunach , Dawn Michelle (2010). "Exhibitionism".  Sex and Society . New York: Marshall Cavendish. p. 220. ISBN 978-0-7614-7906-2. Retrieved 22 May 2017. ↑  "Origin of the world". Rutgerspress.rutgers.edu. 1977-09-23. Archived from the original on 2012-11-20. Retrieved 2012-08-01. ↑  Herodotus.  The Histories . Trans. R. Waterfield. Oxford: Oxford UP, 1998. Book Two, Chapter 60, Page 119. ↑  Bloch, Iwan (1914). "Fall von Exhibitionismus im 16. Jahrhundert ".  Zeitschrift für Sexualwissenschaft  (Born): i.289. ↑  Hart, Matt. "Being naked on the internet: young people’s selfies as intimate edgework." Journal of Youth Studies (2016): 1-15. ↑   https://outragemag.com/extreme-exposure-journal-of-a-traveling-exhibitionist/ ↑   https://philippinefails.blogspot.com/2017/10/mocha-uson-exhibitionist-and.html ↑  "" Nude runners on UP campus call for Arroyo ouster "" isinipi mula sa   orihinal   noong 2011-09-16
Tags