IKALAWANG-LINGGO-PAGBASA-1.pptxIKALAWANG-LINGGO-PAGBASA-1.pptx

arillgrace6 6 views 31 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 31
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31

About This Presentation

g12


Slide Content

Hulaan ang naka-zoom in na larawan Paksa : Proseso , Teorya , Estratehiya , Yugto , Komprehensyon sa Pagbasa , Mapanuring Pagbasa

Ikalawang Linggo MELC 1.2: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa .

Mga Kasanayang Pampagkatuto : Kaalaman : Naipamamalas ang ganap na pagkaunawa sa proseso , teorya , estratehiya at kahandaan sa pagbasa mula sa mga paham sa larangang ito . Kasanayan : Nakapagsasagawa ng aktwal na pagmamasid hinggil sa pag-unlad ng pagbasa . Pagpapahalaga : Napahahalagahan ang konseptong natutuhan sa proseso , teorya , estratehiya at yugto ng kahandaan sa pagbasa tungo sa pag-unlad pansarili at panlipunan . Pagkatutong Panghabambuhay : Nagagamit ang natutuhang kasanayan sa pagmamasid sa pag-unlad ng pagbasa sa pang- araw - araw na buhay sa pakikipagsapalaran at paghahanda para sa kinabukasan .

Ang buhay ng isang tao at ng iba pang nilalang sa mundo ay isang ganap na proseso . May pinagmulan , may pag-unlad at may patutunguhan . Tulad ng pagbabasa , ito rin ay isang proseso . May mga kailangang gampanin , hakbangin at pamamaraan sa pagtataguyod nito . Kaya’t kung nais ng isang mambabasa na matagumpay niyang matamo ang kanyang pag-unlad sa pagbabasa , nararapat na maunawaan niya at mapalaganap ang tamang proseso nito .

Mensahe Ko , Ipasa Mo"

1.Hatiin ang buong klase sa limang pangkat . ( Depende ang paghahati sa bilang ng mga mag- aaral ) 2.Ang unang mag- aaral ay bubulong ng isang simpleng mensahe ( Halimbawa : " Mahilig akong magbasa ng mga aklat sa silid-aklatan tuwing hapon .") 3.Ipapasa ang mensahe sa kasunod na mag- aaral hanggang umabot sa pinakadulo . Bawal ulitin ang mensahe kung sakaling hindi naintindihan ng isa sa mga kagrupo . 4.Hayaang sabihin ng huling mag- aaral ang kanyang narinig sa harap ng klase . Ihambing ito sa orihinal na mensahe . PANUTO

Mga Mungkahing Mensahe 1. Ang pagbasa ay susi sa tagumpay ng bawat mag- aaral . 2. Kung nais mong maunawaan ang mundo , matutong bumasa nang may puso . 3. Ang pagbasa ay proseso , hindi ito natatapos sa pagtingin lamang sa salita . 4. Mahalagang bahagi ng pagbasa ang pag-unawa sa layunin ng may- akda . 5. Sa pagbasa , kailangan hindi lang ang mata kundi pati ang isip at puso .

ANG PROSESO NG PAGBASA Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo at salita . At bilang proseso , ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray (1950), kinikilalang “ Ama ng Pagbasa ”: Persepsyon / Pagkilala . Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog . Komprehensyon / Pag-unawa . Ang kakayahang bigyang kahulugan at interpretasyon ang kaisipang ipinapahayag ng mga simbolo ng mga salitang nakalimbag .

3. Reaksyon . Ito ay kaalaman sa pagpapasiya o paghatol ng kawastuhan , kahusayan , pagpapahalaga at pagdama ng teksto . 4. Asimilasyon / Integrasyon . Kakayahan ito ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang kaisipan sa binasa . Naiuugnay niya ang kasalukuyang karanasan sa nakaraan na tinalakay sa binasa .

APAT NA TEORYA NG PAGBASA 1. Teksto Patungo sa Tagabasa ( Teoryang Bottom-Up) – ayon sa teoryang ito , ang pagbasa ay pagkilala sa seryeng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog . Ang proseso ng pag-unawa sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up). Tinatawag din itong “outside-in” o “data driven” sapagkat ang impormasyon sap ag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto .

APAT NA TEORYA NG PAGBASA 2. Tagabasa Tungo sa Teksto ( Teoryang Top-Down)- ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistic . Tinatawag din itong “inside out” o “conceptually-driven” dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto .

3. Teoryang Interaktib Ayon sa teoryang ito , ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan . Dito nagaganap ang interaksyon ay may dalawang direksyon . Binibigyang-diin ng teoryang ito ang pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto . 4 . Teoryang Iskima Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa na siyang batayang paniniwala ng teoryang iskima .   APAT NA TEORYA NG PAGBASA

ESTRATEHIYA SA PAGBASA Iskiming . Ito ay isang paraan ng mabisang pagtuon ng mahahalagang ideya sa binasang teksto . Halimbawa nito ay kapag maraming materyal na dapat basahin sa maikling panahon lamang . SKIMMING /ISKIMING SCANNING/ISKANING Ito ay mabilis na paghanap sa tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot at pagtuon sa pagtala ng detalye . (note taking ). Ginagamit ito sa paghanap ng tiyak na impormasyon .

ESTRATEHIYA SA PAGBASA MASUSING PAGBASA (INTENSIVE READING) Ito ay estratehiya , na kung saan ay kinakailangan ang atensyon at malalim na konsentrasyon at pagbasa ng mga detalye at nangangailangan ng masusing pag-unawa sa teksto . Halimbawa : Pagbuo ng pananaw at mga mensahe at palagay sa totoong buhay MALAWAKANG PAGBASA (EXTENSIVE READING) Ito ay komprehensibong pagbabasa ng mahabang teksto o libro para sa layuning pangkalahatang kahulugan . Ito ay pagbabasang malikhain at kritikal , na kung saan ay pinagagana ang imahinasyon . Halimbawa : Pag-unawa sa nilalaman ng teksto mula sa iba’t ibang pananaw at perspektibo .

MGA YUGTO NG KAHANDAAN SA PAGBASA Ayon kay Badayos (1999), ang mga kasanayan at estratehiya sa pagbasa ay gradwal na nalilinang sa loob ng apat na panahon o yugto ng pagbasa . Ang unang tatlong yugto ay tinatawag na yugto para matutong bumasa samantalang , ang huling yugto ay itinuturing na yugto ng pagbasa para matuto .

MGA YUGTO NG KAHANDAAN SA PAGBASA Yugto ng Kahandaan sa Pagbasa (4 na taon hanggang 6 ½ taon )- sa yugtong ito kakikitaan nang unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi marunong bumasa hanggang sa makakilala at makabasa ng mga nakalimbag na teksto . 2. Yugto ng Panimula (6 ½ hanggang 7 taon ) – yugto kung saan nagsisimula ang bata sa pormal na pagbasa na kadalasang sa mga aklat na pre-primer/primer.

MGA YUGTO NG KAHANDAAN SA PAGBASA 3. Yugto ng Maunlad na Pagbasa – yugto na naglilinang ng kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa . 4. Yugto ng Malawakang Pagbasa - sa yugtong ito patuloy na nalilinang ang iba’t ibang kasanayan gaya ng komprehensyon , organisasyon , bokabularyo , interpretasyon , atbp .

Kagulangang Pisikal (Physical Maturity) Kagulangang Mental (Mental Maturity) Kagulangang Sosyo-emosyonal (Socio-emotional Maturity) Personalidad at Karanasan ( Personality ang Experience Factors) Wika (Language Factor) KAHANDAAN SA PAGBASA

PAKSA: KOMPREHENSYON SA PAGBASA

ANG KOMPREHENSYON SA PAGBASA Ang komprehensyon ay pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto . Ito ay itinuturing na isang masalimuot na prosesong pangkaisipan .

APAT NA ANTAS/ KATEGORYA NG PAG-UNAWA AYON KAY SMITH (1969): Pag-unawang literal. Ito ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto . Ito rin ay sumasagot sa mga katanungang literal na kung saan ang mga sagot ay tuwirang matatagpuan sa mga pahina . Interpretasyon . Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip . Kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at marunong siya sa paghalaw ng mga kaisipan .

APAT NA ANTAS/ KATEGORYA NG PAG-UNAWA AYON KAY SMITH (1969): Mapanuring Pagbasa . Ito ay mas mataas ang antas kaysa sa dalawang naunang kategorya . Nangangailangan dito ng kasanayang maibahagi ang sariling paninindigan at naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto . Malikhaing Pagbasa . Sa antas na ito , gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa .

MGA ANTAS NG PAG-IISIP SA PAGBASA 1.Antas Paktwal . Ito ay may kinalaman sa memori o simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang inilalahad sa teksto . 2.Antas Interpretatib Kailangan ang kasanayan sa paghihinuha at pag-uugnay ng mga impormasyon ay di- tuwirang nakalahad sa teksto . ( Reading between the lines)

MGA ANTAS NG PAG-IISIP SA PAGBASA 3.Antas Aplikatib o Paglalapat Kailangan ang pag-uugnay ng mga impormasyong galling sa teksto at mga personal na iskema ng bumabasa .(Reading beyond the lines) 4. Antas Transaktib Kailangan ang kaalaman na hango sa teksto at sariling pagpapahalaga . Ipinalalagay ang tagabasa na isa sa mga tauhan at hinahayaang makapasok sa kwento .

SALIK SA PAGPAPAUNLAD NG KOMPREHENSYON Kaalaman sa Paksa (Topic Knowledge)- mga impormasyong dati ng alam hinggil sa tiyak na paksa Kaalaman sa Interaksyong Sosyal (Social Interaction Knowledge)- pag-unawa sa mga tauhan at kung paano sila kumikilos at nagsasalita .

SALIK SA PAGPAPAUNLAD NG KOMPREHENSYON 3. Kaalaman sa Kayarian ng Teksto (Text Structure) – kaalaman tungkol sa iba’t ibang kayariang balangkas o pagkakabuo ng teksto gaya ng tekstong pasalaysay o ekspositori 4.Kaugnayang Metakognitib sa Pagmomonitor ng Komprehensyon – tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit ng dating kaalaman . Ang metakognisyon ay kakayahang magpasya kung ano , paano at kailan gagamitin ang kaalaman upang makatulong sa pag-unawa .

KATANGIAN NG KOMPREHENSYON ( Badayos , 1999) Makabuluhang pagbasa na ginabayan ng mga layuning malinaw na inilahad . Paggising ng mga dating kaalaman na may kaugnayan sa nilalaman ng kwento . Pagpapasigla ng mga estratehiya sa pagpoproseso ng mga dating kaalamang angkop sa layuning itinakda sa pagbasa .

KATANGIAN NG KOMPREHENSYON ( Badayos , 1999) 4. Pag-antig ng mga saloobin at mga pagpapahalaga na may kaugnayan sa nilalaman ng teksto . 5. Paggising sa estratehiya sa pagmomonitor na siyang magkokontrol s apagbuo ng pagpapakahulugan . 6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binabanggit upang makamit ang layuning inilahad sa paksa .

GAWAIN 3: Pangkatang Interpretasyon PANUTO: Bawat grupo ay magsasaliksik ng isang teksto . Ang kanilang mapipili ay babasahin at bibigyan nila ng malikhaing interpretasyon sa klase batay sa kanilang pagkaunawa . Ang buod ng kanilang ginawa ay ibabahagi ng lider ng kanilang pangkat . Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng tig-aanim na minuto upang isagawa ang gawain . Pamantayan sa pagmamarka :   Kaukulang puntos Natamong Puntos Pagkaunawa sa teksto 10   Interpretasyon 10   Organisasyon ng Ideya 10   Gamit ng mga salita 5   Presentasyon sa klase 15   Kabuuan 50  
Tags