PAKIKIPAG-USAP Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salita ay tinatawag na pakikipag-usap . Ito ay isang masining na paraan ng pakikipagtalsatasan . Ang wika , pakikinig , pagbibigay ng impormasyon at iba pang sangkap na mahalaga sa pakikipagtalsatasan ay may kinalaman sa mabisang pakikipag-usap .
PAKIKIPAG-USAP Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng kaibigan , nagpapalitan ng opinyon , natututo ng bagong kaisipan , nakabubuo ng paniniwala , napapatalas ang pakiramdam , nauunawaan ng kapwa , nalilinang ang kagandahang asal , at nakabubuo ng hula sa kahulugan ng kilos ng kausap .
MGA KATANGIAN NG MABISA AT MALAYANG PAKIKIPAG-USAP Ang pakikipag – usap ay may layunin . Ang pakikipag-usap ay pagtutugunan ng dalawang panig . Hindi dapat monopolyohin . Maaring iwasto ang usap . Kung may hindi naunawaan maaring humingi ng paliwanag o linawin ang sinasabi ng kausap . Maging mabisa at buhay ang usapan kung ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng nag- uusap .
MGA KATANGIAN NG MABISA AT MALAYANG PAKIKIPAG-USAP Tiyak at tuwid ang pag-uusap . Kailangang may “eye contact” ang bawat isa . Kailangang kakitaan ng paggalang ang bawat panig . Ang pag-uusap ay likas , bukal at kusang loob .
MGA KATANGIAN NG MABISA AT MALAYANG PAKIKIPAG-USAP Ang pag-uusap ay mapanlikha . May mga bagong ideyang maaring sumagi sa isip ng bawat panig . Nalilinang ang tiwala sa sarili kapag nakikipag-usap . Nakakapagpaluwag ng loob ang pakikipag-usap .
MGA DAPAT UGALIIN SA PAKIKIPAG-USAP Iwasang lituhin ang kausap upang tangaapin ang puntos na nais bigyang pansin . Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap Iwasan ang panghihiya sa kausap . Ipakita ang interes sa pakikinig . Iwasan ang pagiging atrasado sa pagbibigay ng kahulugan sa mga sinasabi ng kausap . Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap .
PAGKUKWENTO Ito ay isang sining . Ito ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaring totoo o kaya ay kathang isip lamang . Ito ay maaring pasulat o pasalita .
ILANG PRINSIPYO NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGKUKWENTO Pumili ng kwentong mayaman sa detalye . Pumili ng kwento na may makulay na pananalita . Pumili ng kwentong ukol sa karanasang bagay sa mga nakikinig . Iakma ang kwento sa mga okasyon sa paaralan .
ILANG PRINSIPYO NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGKUKWENTO Ilahad ng tuloy-tuloy ang kwento . Iwasan nag mga salitang , “ pagktapos ,” “ saka ,” “ nnong kuwan ,” atbp . Bigyan ng mabisang pagwawakas ang kwento .
ILANG PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO Tiyaking alam na alam ang kwentong isasalaysay . Balangkasin sa isip ang kwento bago magsimula . Iwasang ilahad ang mga di- mahalagang bahagi . Gumamit ng mga angkop na salita Isalaysay ang kwento na parang nakikipag-usap .
ILANG PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO Sikaping maging masigla sa pagsasalita . Bigkasin ng malinaw ang mga salita . Iwasan ang paggamit ng mga pangatnig na “at,” “ saka ,” “ tapos .” Huwag magmadali sa pagkukwento . Gawing katatamtaman ang lakas ng boses . Tumindig ng tuwid . Tumingin sa nakikinig .
PAKIKIPANAYAM Ito ay isang pakikipag-usap na ang nag- uusap ay nagbibigay o kumukuha ng impormasyon . Ito ay naglalayong makaalam ng mga bagay0bagay tungkol sa taong kinapanayam : ang kanyang mga kakayahan sa gawain , kaalaman tungkol sa mga mahahalagang paksa , ang kanyang opiniyon tungkol sa mga napapanahonh isyu at kanyang mga balak sa hinaharap .
MGA BAGAY NA DAPAT BIGYANG PANSIN SA PAKIKIPANAYAM ORAS Ang pakikipanayam ay maaring walang limitasyon . Subalit kinakailangang may pangunahing abiso mula sa taong iyong kakapanayamin upang ang bawat panig ay maghanda ng kanyang sarili . Kailangang magsaliksik muna ang mag- iinterbyu lalo na kung ang kanyang kakapanayamin ay mga awtoridad . Bilang tagapanayam kinakailangan ding paghandaan ang maaring itanong at kung paano makiharap sa taong kakapanayamin .
MGA BAGAY NA DAPAT BIGYANG PANSIN SA PAKIKIPANAYAM KATAYUAN NG MGA KASAMA SA PANAYAM Kinakailangang maging pantay ang partisipasyon ng mga taong makikipanayam . Ang bisa ng panayam ay nakasalalay sa nagtatanong . Kinakailangang makahikayat sa kinakapanayam upang makakuha ng wastong sagot .
MGA BAGAY NA DAPAT BIGYANG PANSIN SA PAKIKIPANAYAM MGA TANONG Bumuo ng makahulugang tanong . Kinakailangang mainam ang mga tanong na humihingi ng tiyak na kasagutan . Kinakailangan ding makapagbigay ang kinakapanayam ng dagdag na kaalaman , higit sa karaninwang bagay na batid na ng mga kasama . Hindi lahat ng pakikipagpanayam ay ginagamitan ng tape o video recorder. Maaring magtala ang isang taong nakikipanayam .
MGA BAGAY NA DAPAT BIGYANG PANSIN SA PAKIKIPANAYAM PAGTATALA Ang matalinong paraan ng pagkuha ng tala ay kinakailangan sa pagsasagawa ng isang panayam o interbyu . Tatlong bagay na dapat tandaan ay ang mga sumu-sunod : Ihanda lahat ng kailangang kagamitan gaya ng panulat , papel , atbp pati ang isip ay ihanda rin . Huwag magmadali sa pagsusulat . Pakinggang mabuti ang sinasabi ng nagsasalita at saka maingat na isulat ang mahahalagang kaisipang sinabi . Ihanay ang mga mensaheng naririnig habang nakikinig , kung iyon ay pamuong kaisipan lamang . * Maari ring gumamit ng pagdadaglat o pagpapaikli ng salita upang mapabilis ang pagtatala .
DEBATE Ang Pagdedebate ay ang pakikipagbalitaktakan tungkol sa isang isyung kontrobersyal at napapanahon . Maaring ito ay pormal o hindi pormal . May dalawang panig ang pagdedebate ang PROS at CONS ang SUMASANG_AYON at ang HINDI SUMASANG-AYON. Sa pagdedebate nabubuksan ang maraming isyu at napapaunlad ang mental na kapasidad ng isang tao . Nadidisiplina rin ang mga taong kalahok dito dahil sa mga tuntuning dapat sundin .
DEBATE Nakikita rin sa debate ang dalawang panig ng bawat isyu . Naanalisa nag mga katanungang gumugulo sa isip ng mga tao tungkol sa isyu samakatuwid nabibigyang linaw ang isang usapin sa pamamagitan ng opinyon at mga ebidensyang inilalahad ng mga nagdedebate . Ito rin ang isang anyo ng pangangatwiran ng isang tao na kung saan ay hinihikayat ng isang nagdedebate ang tagapakinig upang pumanig sa kanyang pinanniniwalaan . Ang pagdedebate ay gumagamit ng mga angkop na salita .
DEBATE Ang Pagdedebate ay nalilinang ng mga pagpapahalaga tulad ng : Nagpapahiwatig ng pagiging malawak ang kaisipan . Disiplinado ang pag-iisip . Nagiging mulat sa isyung panlipunan . Nakikita ang mukha ng dalawang isyu . Nabibigyang halaga ang pruweba bilang suporta sa isang pahayag . Nasusuri ang isang problema . Nadedevelop ang malinaw na pag-iisip . Nakapagpapahayag ng opinyon nang may tiwala sa sarili . Inirerespeto ang opinyon ng iba .
MGA HAKBANGIN SA PAGDEDEBATE Pumuli ng proposisyon ( paksa ). Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong sa pagpili ng proposisyon . Ito ba ay dapat pagtalunan ? May tiyak at malinaw na suliranin bang kaakibat ang paksa na nagiging daan upang makapagpahayag ng iba’t ibang opinyon ? May pantay bang panig ang bawat argumento ? Ang paksa ba ay napapanahon , nakakapukaw ng pansin , at may kabuluhan ? Ang paksa ba ay tumutukoy sa dating problema at maaring saklawan ang panghinaharap na problema ng lipunan ?