Gawain 1: Balitaan ! Panuto : ang bawat mag aaral ay mag babalita patungkol sa kalagayan ng ekonomiya o mga isyong kinakaharap ng ating ekonomiya .
Ano ang kinalaman ng ating Gawain sa ating aralin ngayon ? May kaugnayan bai to sa ating ekomoiya ? Ano ano kayang paraan ang maari nating gawin para umonlad pa ang ating ekonomiya ?
Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya
Pangkatang Gawain: Panuto : Ipapangkat ang grupo sa apat na pangkat . Bawat pangkat ay bibigyan ng strips sa bawat nakasulat sa strips ay tatalakayin ng bawat grupo . Pumili lang isang taga pag ulat . Pangkat 1: Unang Interaksyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Pangkat 2: Pangalawang Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Pangkat 3: Ikatlong Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Pangkat 4: Pang- apat Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Ang araling ito ay tumatalakay sa paikot na daloy ng ekonomiya . May dalawang aktor sa Pambansang Pamilihan , ang Sambahayan at ang Bahay- kalakal . Sila ang pangunahing rason kung bakit may nagaganap na pagpapalitan sa ating pamilihan .
A.Unang Interaksyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya :
Sambahayan May iba’t ibang pangangailangan ngunit walang kakayahang gumawa ng produkto para matugunan ang mga pangangailangan Sa kanya nanggagaling ang mga salik ng produksyon na kailangan para sa paggawa ng iba ’- ibang produkto o paglikha ng serbisyo kagaya ng lupa , hilaw na materyales at paggawa Ang kita ay mula sa upa ng lupa , sahod mula sa serbisyong ibinigay sa paggawa ng produkto o serbisyo , interest mula sa naipong pera sa banko na siya namang ginagamit pantustos sa mga pangangailangan Dinadala ang mga salik sa produksiyon sa pamilihan ng mga salik (Factor Market)
Bahay- kalakal May kakayahan na gumawa ng produkto Nagbabayad ng mga salik ng produksyon mula sa sambahayan gaya ng bayad sa upa ng lupa , sahod ng manggagawa Ang nagawang produkto o nalikhang serbisyo ay dinadala sa pamilihan ng tapos na produkto (Goods Market o Commodity Market) Ang kita ay mula sa nabentang produkto sa sambahayan .
B. Pangalawang Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya :
Sambahayan Hindi lahat ng kita ay ginagamit sa pagbili ng mga pangangailangan . Ilang parte ng kita ay hindi ginagastos , ito ay iniimpok o iniipon . Ang tawag dito ay savings Kung ito ay iniimpok (savings) sa banko , ito ay nagiging karagdagang kita na nakukuha mula sa interest sa pera na nilikom sa banko Nakakatulong sa pagpalawak ng ekonomiya sa pamamagitan ng pera na inimpok sa banko
Bahay- kalakal Sa paglakas ng demand ay tataas din ang produksiyon ng produkto May magandang plano para sa pagpapalawak ng negosyo sa hinaharap . Palalawakin ang negosyo sa pamamagitan ng pag -utang sa banko para sa dagdag na puhunan . Magbabayad ng interest sa banko para sa pera na hiniram para dagdag sa puhunan
Pamilihang Pinansiyal (Financial Market) Pinaglalagakan ng parte ng pera na hindi ginastos o savings para sa hinaharap na plano kagaya ng pagpapatayo ng bahay , pagbili ng kotse , pampaaral sa mga anak . Ilang balimbawa nito ay banko , koperatiba , insurance at iba pa. Takbuhan ng mga tao na gustong mapalago ang kanilang puhunan (investment). Ilang halimbawa ay stocks, bonds, treasury bills, commercial paper at iba pa natatalakayin sa mga susunod na aralin Takbuhan ni bahay-kalakal para sa para sa kapital sa negosyo o pandagdag puhunan
C. Pangatlong Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya :
Sambahayan Tataas ang kita mula sa lupa , paggawa dahil sa pagtaas ng produksiyon . Tataas ang kakayahan na mag- impok sa banko kasabay ng karagdagang kita mula sa interest dito . Magbabayad ng buwis o tax mula sa kita (Income tax, withholding tax) at paggamit ng mga produkto (Value Added Tax o VAT) ayon sa train law.
Bahay- kalakal Sa pagtaas ng produksiyon ay pagtaas din ng kita mula dito na dahilan para sa pagtaas ng buwis na ipapataw ng pamahalaan (Sales tax, Income Tax)
Pinansiyal Institusyon Ang kita ay tumataas mula sa interest na ipinapataw sa mga humihiram ng pera (loan) dito Ang kita ay pinapatawan ng buwis (income tax) ng pamahalaan ayon sa train law
Pamahalaan Ang nagpapataw at nagkokolekta ng buwis mula sa kita ni ambahayan , bahay kalakal at pinansiyal institusyon Ang nagrereguralisa ng mga polisiya para mas maging sistematiko ang pagdaloy at paglago ng pambansang ekoomiya
D.Pang-apat Interaksiyon sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya :
Sambahayan Ay may mga pangangailangan na hindi makikita dito sa ating bansa kaya siya ay umaangkat (import) mula sa ibang bansa
Bahay- kalakal May mga pangangailangan na mga nagawang produkto na hindi makikita sa ibang bansa kaya ito ay nagluluwas (export) kagaya ng manga, abaca, saging ,
Pamilihang Pinansiyal Sa kanya dumadaloy ang pera mula sa ating bansa papunta sa ibang bansa (international banking) Pinaglalagakan ng pera ng mga OFW o manggagawang pinoy na nagtatrabaho sa abroad Dinadaluyan ng pera ng mga investor para sa ekspansiyon ng negosyo sa ating bansa (Foreign Investor s)
Pamahalaan Nagpapataw ng buwis (tax) sa mga imported na produkto na tinatawag na tariff Nagreregularisa sa panlabas na kalakalan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas Nakikipag-ugnayan sa mga international organization upang makipagkasundo na makakabuti sa parerhong bansa kagaya ng ASEA N