INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK (PANANALIKSIK SA WIKA, KULTURA AT EDUKASYONG PILIPINO)
Ano ang Pananaliksik ? Sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa , pangyayari , at iba pa. Saklaw nito ang pangongolekta , pag-oorganisa , at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu . Layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung de- kalidad ba ang isang instrumento , mainam ba ang isang pamamaraan , tama ba ang eksperimento , o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at teorya .
MGA URI NG PANANALIKSIK
Mga Pangunahing Uri ng Pananaliksik Basic o P ayak na P ananaliksik agarang nagagamit sa layunin nito . Nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan Ilan sa mga ito’y isinasagawa sa kilinika o laboratoryong eksperimento . Halimbawa : Pananaliksik tungkol sa katangian ng taong nadapuan ng COVID-19.
Mga Pangunahing Uri ng Pananaliksik Action Research o Kilos- saliksik Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o pagsagot sa katanungan na may kinalaman sa espisipikong larangan . Isang pagkatuto sa pamamagitan ng paggawa . Ang isang grupo ng tao ay nagsusuri ng problema , gumagawa ng paraan para maresolba ito , pagkatapos , tinitignan kung ito ay epektibo at kung hindi ay isinasagawa ang eksperimento muli .
Mga Pangunahing Uri ng Pananaliksik Applied Research o Nilapat na Pananaliksik Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik , o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan . Inilalapat sa majority ng populasyon . Kabilang dito ang mga protokol ( protokolo ) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pang- akademya - Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin , sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa , at nagtatala sila sa kanilang mga talaan . Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda , upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pang- agham - Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo . maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman , ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan , at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pampamilihan - Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pangkasaysayan - Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan , mga liham , mga batas , mga resibo , mga sertipiko ng pagpapatibay , mga pahayagan , mga magasin , mga aklat , at mga kasangkapang tulad ng mga alahas , mga aparato , at mga kagamitang pantahanan . Ginagamit ito ng mga arkeologo .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pangwika - Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika , ang mga tunog sa wikang sinusuri , at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Pang- multidisiplinaryo - o maramihang larangan . Isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo , at ginagamitan ng sari- saring mga pananaw ng mga larangan , ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Interdisiplinaryo - o sa pagitan ng mga larangan , nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan , isang identidad ng panukala ( teoriya ) o konsepto ( diwa ), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta .
Mga Iba Pang Uri ng Pananaliksik Transdisiplinaryo - o nagpapalitang ( nagsasanib na ) mga larangan - sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina , kabilang ang pagkakaisa ng mga epistemolohiya , partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teorya ng Agham Pangtao .
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Mga Bahagi ng Pananaliksik Nahahati sa limang kabanata : Kabanata I: Suliranin at K aligirang Pangkasaysayan Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kabanata III: Metodo ng Pananaliksik Kabanata IV: Paglalahad , Pagsusuri at Pagpapahalaga ng mga datos Kabanata V: Paglalagom ng N atuklasan , Konklusyon at Rekomendasyon
BAHAGI NG KABANATA I ( Suliranin at kaligirang pangkasysayan )
Bahagi ng Kabanata I Panimula - layunin nitong magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy ng pananaliksik . Tinatalakay nito ang kaligiran ng pananaliksik , layunin ng pananaliksik , kahalagahan ng suliranin at ang mga katanungan kailangang bigyan ng katagunan sa gagawing pananaliksik
Bahagi ng Kabanata I Paglalahad ng Suliranin - Kailangang obhektibo at dito iikot ang pananaliksik . Ang mga katanungan ay kailangang may kaugnayan sa pananaliksik , may pokus at malinaw hindi paligoy-ligoy .
Bahagi ng Kabanata I Kaligirang Pangkasaysayan - May katanungang , “ Ano ang ginawa ng ibang mananaliksik hinggil sa paksa ?” Naglalaman ng impormasyon tungkol sa paksa na pinag-aaralan at kung bakit ito ay laganap , seryoso at mahalaga .
Bahagi ng Kabanata I Balangkas Teoritikal - Tinatalakay ang iba’t-ibang nagawa ng manunulat at siyentipiko partikular sa isang larangan . Binibigyang pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilan sa mga batas , prinsipyo , paglalahat , mga konsepto , pagpapakahulugan , at mga teorya na maaaring iangkop sa ginagawang pag-aaral .
Bahagi ng Kabanata I Balangkas Konseptwal - nagpapakita kung ano ang nais na patunayan o panubalian ng ginagawang pag-aaral . Ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di- malayang baryabol ay malinaw na naipapakita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal o paradigma .
Bahagi ng Kabanata I Kahalagahan ng Pag-aaral - Tumutukoy ito sa kontribusyon ng pananaliksik sa bansa , polisiya , katotohanan , local na tunguhin , plano ng komunidad o plano ng isang pamantasan .
Bahagi ng Kabanata I Saklaw at Limitisayon - Kadalasang binubuo ito ng dalawang talata . Ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-aaral , habang ang panagalawang talata naman ay tumutukoy sa limitasyon ng pananaliksik .
Bahagi ng Kabanata I Katuturan ng Salitang Ginamit - Binibigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang may malalim at malawak na konteksto . Ito ay tumutukoy sa kontekstwal na kahulugan ng mga baryabol sa pag-aaral .
BAHAGI NG KABANATA II ( Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura )
Bahagi ng Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura - pormal na panganaglap ng propesyonal na literature na may kaugnayan sa isang particular na suliranin sa pananaliksik . Banyagang Pag-aaral Lokal na Pag-aaral Banyagang Literatura Lokal na Literatura
BAHAGI NG KABANATA III ( Metodo ng Pananaliksik )
Bahagi ng Kabanata III Pamamaraang Ginamit - mayroong limang pamamaraang ginagamit sa pananaliksik . Deskriptibong Pananaliksik - imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang bagay o paksa . Pangkasaysayang Pananaliksik - pangangalap ng datos kaugnay ng nakaraan . Eksperimental na Pananaliksik - ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap
Bahagi ng Kabanata III Pamamaraang Ginamit - mayroong limang pamamaraang ginagamit sa pananaliksik . Case Studies- Pagsusuri sa suliranin, pasya o aksyon . Project Feasibility Studies- isang pamamahala ng pananaliksik na ginagamit upang masuri kung ang negosyong may produkto or serbisyo ay maaaring bang isagawa bago ito paglaanan ng pondo o kapital.
Bahagi ng Kabanata III Populasyon - Ang populasyon ay ang kabuoang bilang ng inaasahang respondent o tagatugon mula sa napiling lugar na pagsasagawaan ng pananaliksik .
Bahagi ng Kabanata III Paraan ng Pagpili ng Kalahok - Tiyaking ang mananaliksik ay may tiyak na kaalaman sa pagpili ng angkop na respondent o tagatugon na gagamitin .
Bahagi ng Kabanata III Deskripsyon ng mga Respondente - Ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng tagatugon , ang mananaliksik ay maaaring mabatid na ang kaniyang tiyak na respondente . Ang mga respondente ay maaaring ring ilarawan sa ilang aspektong pisikal , sosyal , ekonomikal o edukasyonal na katangian gaya ng edad , kasarian , kalagayang sibil , baiting/ trabaho o natamong edukasyon .
Bahagi ng Kabanata III Instrumento - Ang kaalaman sa paraan ng pangangalap ng mga datos at magbibigay daan para sa mananaliksik na matukoy ang instrumenting gagamitin para sa layunin .
Bahagi ng Kabanata III Paraan ng Pangangalap ng Datos - Ibabatay ang paraan ng pangangalap ng mga kinakailangang datos upang tugunan ang mga inilahad na suliranin .
BAHAGI NG KABANATA IV (PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA DATOS)
Bahagi ng Kabanata IV TABULEYSYON- proseso ng paglalahat ng datos na nakalap upang dumaan sa higit na pagsusuri .
BAHAGI NG KABANATA V (PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON)
Bahagi ng Kabanata V Lagom ng Natuklasan - Naglalaman ito ng buod ng mga natuklasang datos . Sa bahaging ito , nakalista lamang ang mga natuklasan mula sa pananaliksik .
Bahagi ng Kabanata V Kongklusyon - Itinuturing na pinakamahirap na bahagi ng pananaliksik . Ito rin ang pinakamalakas na bahagi ng pananaliksik . Dahil ito ang naglalaman ng resulta ng isinagawang pananaliksik .
Bahagi ng Kabanata V Rekomendasyon - Maaaring magmungkahi ng pagpapatuloy sa dati nang naisagawang pag-aaral .
Gawain 4 Sumulat ng limang suliranin na napapansin mo sa ekonomiyang iyong ginagalawan . Pagkatapos pumili ng dalawa na bibigyan mo ng pagpapaliwanag kung bakit ito ang pinaka kailangang pagtuunan ng pansin . Isulat ito sa isang malinis na papel .
Gawain 5 Bakit kailangan ang pananaliksik na pag-aralan ? Magbigay ng magandang katangian ng isang mananaliksik ? Ibigay ang kahalagahan ng bawat kabanata ng pananaliksik ? Ano ang maitutulong mananaliksik sa mga mag- aaral kagaya mo ? Magbigay ng magandang paksa para sa isang pananaliksik . Bakit ?