KAASAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYANNNNNNNNNNN

shielamariebathanmen 8 views 135 slides Sep 20, 2025
Slide 1
Slide 1 of 135
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87
Slide 88
88
Slide 89
89
Slide 90
90
Slide 91
91
Slide 92
92
Slide 93
93
Slide 94
94
Slide 95
95
Slide 96
96
Slide 97
97
Slide 98
98
Slide 99
99
Slide 100
100
Slide 101
101
Slide 102
102
Slide 103
103
Slide 104
104
Slide 105
105
Slide 106
106
Slide 107
107
Slide 108
108
Slide 109
109
Slide 110
110
Slide 111
111
Slide 112
112
Slide 113
113
Slide 114
114
Slide 115
115
Slide 116
116
Slide 117
117
Slide 118
118
Slide 119
119
Slide 120
120
Slide 121
121
Slide 122
122
Slide 123
123
Slide 124
124
Slide 125
125
Slide 126
126
Slide 127
127
Slide 128
128
Slide 129
129
Slide 130
130
Slide 131
131
Slide 132
132
Slide 133
133
Slide 134
134
Slide 135
135

About This Presentation

READ MORE, UNDERSTAND MORE.


Slide Content

Kasaysayan ng Wika

Bago dumating ang mga Kastila Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa ang pananakop ng mga Espanyol sa bansa . Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga kuwentong -bayan, alamat , epiko , awiting -bayan, salawikain , kasabihan , bugtong , palaisipan at iba pa. Gayundin , nag- aangkin din tayo ng sariling alpabeto na tinatawag na baybayin

Paggamit ng baybayin Ang katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o / i /, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas . Samantala , kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig , tuldok sa ibaba nito ang inilalagay .

Paggamit ng baybayin Samantala , kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita , ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog . Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito .

Panahon ng Espanyol “Sa Tagalog niya nakita ang katangian ng apat na pinakadakilang wika ng daigdig : ang hiwaga at hirap ng Ebreo , ang pagiging natatangi ng mag salita ng Griyego lalo na sa mga pangngalang pantangi , ang pagiging buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin at ang pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol” -Padre Pedro Chirino

Pangunahing layunin ng mga Espanyol ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Arte y vocalulario tagalo (1582)- Padre Juan de Plasencia Pinayagang maging aklat sa gramatika sa Sinodo de Obispos sa Maynila dahil sa pagiging madali at magbigay ng hustong kaalaman tungkol sa Tagalog

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Arte y reglas de la lengua tagala (1610)- isinulat ni Padre Francisco de San Jose/Padre Balncas de San Jose at inilimbag ni Tomas Pinpin ( unang Pilipinong tagapaglimbag ) Pinakakomprehensibong kodipikasyon o resulta ng sistematikong pagsasaayos ng wikang Tagalog

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Vocabulario de Lengua tagala (1613)- Padre Pedro de San Buenaventura Arte de la lengua yloca (1627)-Padre Francisco Lopez Unang aklatsa gramatika ng mga Ilokano

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Compendio de la arte de la lengua tagala (1703)- Padre Gaspar de San Agustin Vocabulario de la lengua bisaya (1711)-Padre Matheo Sanchez

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Arte de la lengua pampanga (1729) at Vocabulario de la lengua pampanga en romance (1732)- Padre Diego Bergaño Arte de la lengua tagala y manual tagalog (1745)- Padre Sebastian de Totanes

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Arte de la lengua bicolana (1754)- Padre Marcos de Lisba Unang aklat sa gramatika sa wikang Bikol Vocabulario de la lengua tagala (1860)- Padre Juan de Noceda at Padre Pedro de Sanlucar Itinuturing na pinakamahusay na bokabularying naisulat sa panahon ng Espanyol

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Ensayo de gramatica hispano-tagala (1878)-Padre Toribo Minguella Gramatica de la lengua de Maguindanao segun se habla en el centro y en la costa sur de la isa de Mindanao(1892)-Padre Jacinto Juanmarti

Ilang aklat ng gramatikat diksiyonaryo : Arte de la lengua bisaya-hiligayna de la isla de panay (1894)- Padre Alonso de Mentrida

Haring Carlos I,1550 (1516-1556) Nagtatakda ng pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol Pagtuturo ng pagbasa , pagsulat at mga doktrinang Kristiyano sa mga nais matuto sa paraang madali at hindi hihingi ng dagdag bayad Pagtatalaga ng mga guro , gaya ng sakristan upang tuparin ito

Haring Felipe IV, Marso 1634 (1621-1665) Muling nagtakda ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo at hindi lamang sa mga nais matuto Hiniling rin sa mga arsobispo at obispo na atasan ang mga pari at misyonero sa kanilang nasasakupan na pangunahan ang pagtuturo sa mga katutubo ng wikang Espanyol at ng pananampalatayang Katoliko

Haring Carlos II, (1665-1700) Nagbibigay-diin sa mga atas-pangwika nina Carlos I at Felipe IV at nagtakda pa ng parusa sa mga hindi susunod dito

Haring Carlos IV, Disyembre 1792 (1788-1808) Nagtakda ng paggamit sa Espanyol sa mga kumbento , monasteryo , lahat ng gawing hudisyal at ekstrahudisyal at mga gawaing pantahanan

Dekretong Edukasyonal ng 1863 Nag- aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan sa bawat pueblo sa Maynila upang mabigya ng edukasyon sa Espanyol ang mga anak ng mga katutubo Itinakda rin na Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang pangunahing layunin ng kurikulum ay ang pagkakaroon ng literasi sa Espanyol

Dekretong Edukasyonal ng 1863 Isinasaad rin na hindi pinahihintulutang humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong magsalita , bumasa o sumular sa Espanyol , apat na taon makaraan ang publikasyon ng batas upang mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga mananakop

Marcelo H. Del Pilar Sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika at sila ang may kasalanan kung bakit nanatiling mababa ang kalagayang pang- edukasyon ng Pilipinas Natatakot noon ang mga prayle na maging kolonyang Hispano ang mga Pilipino sa halip na kolonyang monastiko . Gayunman , nanindigan pa rin noon ang mga prayle na hindi sila ang dapat sisihin sa kabiguan ng mga patakarang pangwila at kalagayang pang- edukasyon , bagkus ay ang kahinaan ng mga batas

“Kung may pamanang pangwika man na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigpit 300 taong pananakop , ito ay (1) ang romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na nagpahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa daigdig na gumagamit na rin ng sistemang iyon at (2) ang yaman ng bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng mga katutubing wika sa Pilipinas ”

Hinadlangan man ng mga misyonero ang ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol , naging kapalit naman nito ay ang pananatilihing buhay ng mga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga Pilipino hanggang ngayon .

Sa pagtatapos ng kolonisasyon ng Espanya at unti-unti noong pag-usbong ng sariling pamahalaan ng mga Pilipino, kinilala na ang halaga ng pagkakaroon ng opisyal na wika .

Artikulo VIII ng Konstitusyon ng Biak- na - Bato - Felix Ferrer at Isabelo Artacho ( nilagdaan noong Nob.1, 1897) “ Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng Republika ” “… ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa , pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal na Tagalog , at mga pangunahing simulain ng Ingles. At lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng dalawang kurso ng Ingles at dalawang kurso ng Pranses ” “… kailanma’t ang Ingles ay sapat nang malaganap sa buong kapuluan , ito ay ipapahayag na wikang opisyal ”

Konstitusyon ng Malolos - Felipe Calderon at Felipe Buencamino ( nilagdaan noong Enero 21, 1899) Ibinalik naman ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang- ayon sa Artikulo 93, habang pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal na wika .

Panahon ng Amerikano

Kasunduan sa Paris Nilagdaan ng mga kinatawan mula Espanya at Estados Unidos Disyembre 10, 1898 Nagkabisa noong Abril 11, 1899 Nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa Espanya tungo sa noon ay umuusbong pa lamang na superpower ng daigdig-ang Estados Unidos

Kasunduan sa Paris Inihayag ni Pangulong William McKinley ang magiging bisa sa Pilipinas noong ika-21 ng Disyembre 1898 sa pamamagitan ng proklamasyon ng Benevolent Assimilation “ Papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang kaibigang mangangalaga sa mga tahanan , hanapbuhay at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino”

Dalawang Komisyon na mag-aaral Komisyong Schurman - pinamumunuan ni Dr. Jacob Schurman noong Enero 20, 1899 “ Higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol dahil ang Ingles ay mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya ” Inirekomenda ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralaang primarya

Komisyong Taft- William Howard Taft, isang pederal na hukom sa Ohio na itinalaga sa katungkulan noong Marso 16,1900 Pinagkalooban ng limitadong kapangyarihang bumuo ng batas at pamahalaan ang bansa , ipinatupad nito ang Batas Blg . 74 noong ika-21 Enero 1901 na nagtatag ng Department of Public Instruction Kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd na mangangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon sa bansa

Komisyong Taft Itinakda rin na hangga’t maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan Inirekomenda rin ng pagkakaroon ng isang wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa bansa gayong may kani-kaniyang wika ang bawat pangkat sa Pilipinas

“ Napili ang Ingles na maging wikang opisyal sa Pilipinas dahil ito ang wika ng silangan , wika ng isang demokratikong institusyon , wika ng kabataang Pilipinong hindi marunong ng Espanyol at wika ng puwersang namamahala sa Pilipinas . Mas madali rin daw matutuhan ang Ingles kaysa Espanyol ”

Ulat ni Kap . Albert Todd: Dapat itaguyod sa lalong madaling panahon ang komprehensibong sistema ng makabagong paraalan na magtuturo ng panimulang Ingles at gawing sapilitan ang pagpasok dito kung kinakailangan Dapat magtayo ng mga paaralang pang- industriya na magtuturo ng mga kasanayan sa paggawa kapag may sapat nang kaalaman sa Ingles ang mga katutubo

Ulat ni Kap . Albert Todd: Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralang nasa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng transisyon ang mga wikang katutubo o ang Espanyol Dapat magpadala sa Pilipinas ng sapat na guro sa Ingles na bihasa sa pagtuturo sa elementarya upang pangunahan ang pagtuturo kahit muna sa malalaking bayan

Ulat ni Kap . Albert Todd: Dapat magtayo ng isang paaralang normal na huhubog ng mga Pilipino na magiging guro ng Ingles

Bilang tugon sa mga rekomendasyon ni Kap . Todd, mahigit 500 gurong Amerikanong lulan ng United States Army Transport (USAT) Thomas ang dumaong sa Maynila noong Agosto 23, 1901

Kautusan ni Newton W. Gilbert na nagbibigay-diin sa halaga ng Ingles: Ang mga katitikan ng mga pulong ng mga sangguniang pambayan at panlalawigan ay dapat nakasulat sa Ingles Ang lahat ng opisyal na korespondensiya sa mga naglilingkod man sa pamahalaan o sa mga pribadong indibidwal ay dapat nakasulat sa Ingles

Kautusan ni Newton W. Gilbert na nagbibigay-diin sa halaga ng Ingles: Uunahing itaas ang ranggi ng mga taong may sapat na kasanayan sa Ingles, parehong sa pasalita at pasulat na komunikasyon .

Pagsapit ng 1928, naiulat na halos lahat ng sangguniang pambayan at panlalawigan ay nakagagamit na ng Ingles. Masasabing nagpapatunay ito na nagtagumpay ang mga Amerikano sa pagpapalaganap ng kanilang wika .

Henry Jones Ford Taliwas ang resulta na itinalaga noon ni Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos para sa isang misyong upang pag-aralan ang kalagayan ng Pilipinas Sa kanyang pag-aaral ay napag-alamang walang malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na ginastusan ng malaking halaga ng pamahalaang Amerikano

Henry Jones Ford Patuloy pa ring ginagamit ang Espanyol bilang wika ng komunikasyon , taliwas sa mga naunang ulat na ganap na itong napalitan ng Ingles. Inirekomenda ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan

Panahon ng Komonwelt

Philippine Independence Act Batas Tydings -McDuffie Senador Millard Tydings at Kinatawan John McDuffie ng Estados Unidos Ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay noong Marso 24,1934

An Act to Provide for the Complete Independence of the Philippine Islands and for Other Purposes Pinahihintulutan ang Pambansang Asamblea ng Pilipinas na maghalal ng mga kinatawan sa isang kumbensiyong konstitusyonal ng mag-aakda ng saligang batas ng bansa

Ang Saligang Batas na pinabuo ng Batas Tydings -McDuffie ay ipinasa ng Pambansang Asamblea noong ika-8 ng Pebrero 1935 at pinagtibay naman ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito nong ika-14 ng Mayo 1935. Anim na buwan pagkaraang mapagpatibay ang Saligang Batas ng 1935, inihalal naman ang mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt at nanungkulan sila ng 10 taon . Sila ay sina Pang. Manuel L. Quezon at Pangalawang Pang. Sergio Osmeña na kapuwa mula sa Partido Nacionalista

Seksiyon 2(a)(8) ng Batas Tydings Mc- Duffie “Provision shall be made for the establishment and maintenance of an adequate system of public schools, primarily conducted in the English language”

Argumentong pabor sa paggamit ng Ingles: Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil iba-iba ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan - magiging isang suliranin kapag lumipat na sa paaralang nasa ibang lalawigan ang isang estudyante Magbubunsod ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang paggigiit sa mga pangkat sa bansa na pangibabawan sila ng wika ng ibang pangkat

Argumentong pabor sa paggamit ng Ingles: Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo ng dalawang wika ( unan wika at Ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan Malaki na ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na umaabot na sa 500 milyong piso Itinuturing na Ingles ang susi sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa na maaaring hindi matamo kung bibigyang-pansin ang iba’t ibang wika

Argumentong pabor sa paggamit ng Ingles: Makakatulong ang pagkatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa globalisasyon dahil ito ang gamit sa pandaigdigang kalakalan Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang- agham at pansining na magpapaunlad sa kalinangan ng Pilipinas Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa Ingles ayon sa mga pag-aaral dahil sa Estados Unidos man ay natagalan din sa pagtatamo ng bunga sa pag-aaral ng Ingles

Argumentong pabor sa katutubong wika : Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante 80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral bago sumapit ang baitang 5 kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa katutubing wiksa sa sandaling panahong nasa paaralan ang mga estudyante kaysa gugulin oa sa Ingles

Argumentong pabor sa katutubong wika : Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konsepto kaya upang maituro ito , kailangan pang ituro muna ang wika (Ingles); kung sa katutubong wika na magtuturo , nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto Kung kailangan talaga ng isang wikang gagamitin sa buong bansa na binubuo ng iba’t ibang pulo na may iba’t ibang pangkat at wika , mas madaling linangin ang Tagalog kaysa Ingles, 1% lang ng mga Pilipino ang gumagamit ng Ingles sa kanilang mga tahanan

Argumentong pabor sa katutubong wika : Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilipino na matutuhang harapin ang pang- araw - araw na realidad na kanilang nararanasan ; ang Ingles ay mapapakinabangan sa hinaharap lamang kung tutuloy ang mga estudyante sa unibersidad o mangingibang bansa

Panukala ukol sa Probisyong Pangwika Ingles ang dapat na maging wikang opisyal Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang wika Tagalog ang dapat na maging pambansang wika Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa na may mandatong pangunahan ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang pambansang wika

Panukala ukol sa Probisyong Pangwika Dapat magmula ang pambansang wika sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas na pipiliin sa pamamagitan ng referendum Dapat bumuo ng isang pambansang wika na nakabatay sa Tagalog .

Saligang Batas ng 1935 sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages

Unang Sesyon ng Pambansang Asamblea , Hunyo 16, 1936 “While it is my hope and conviction that the English language will remain one of the most generally spoken languages in the Philippines even after independence, nevertheless, we cannot ignore the injunction of the Constitution that we take steps for the formation of a national language based on one of the existing native languages… Perhaps a committee may be created to study the question and make recomendations ”

An Act to Establish a National Language Institute and Define its Powers ang Duties(Nob.13,1936) Batas Komonwelt Blg . 184 Ayon sa Seksiyon 5, ang pangunahing magiging tungkulin ng National Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at kikilalaning pambansang wika

Tiyak na mga tungkulin : Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng kahit kalahating milyong Pilipino man lamang Tukuyin at ayusin mula sa nasabing mga wika ang mga sumusunod : (a) mga salita o pahayag na magkakatulad ng tunog at kahulugan (b) mga salitang magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba ng kahulugan at (c) mga salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o magkakaiba ng kahulugan

Tiyak na mga tungkulin : Pag-aralan at tuluyin ang sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino Magsagawa ng komparatibong pag-susuri ng mga panlaping Pilipino ( unlapi , gitlapi , hulapi ) Piliing batayan ng pambansang wika ang wikang pinakamaunlad na estruktura , mekanismo , at literatura na tinatanggap ng nakararaming Pilipino sa panahong iyon

Seksiyong 7 Dapat ihayag ng Surian ang wikang napili nitong pagbatayan ng pambansang wika at iharap ang rekomendasyon sa pangulo ng bansa na siyang magpoproklama naman sa pamamagitan ng atas ng magkakabisa dalawang taon matapos ang proklamasyon

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134 s. 1937 Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the Tagalog Language Inirekomenda ng SWP ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika Nilagdaan ni Pang. Quezon nong Disyembre 30, 1937

Ang Tagalog ang wikang pinakamalapit na nakatutugon sa mga kahingian ng Batas Komonwelt Blg . 184 Nagkakaisa rin ang mga Pilipinong iskolar at makabayan , magkakaiba man ang kanilang pinanggalingan at pinag-aralan , sa pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng mga Pilipino bukod pa sa pagpapatotoo ng mga lokal na pahayagan , publikasyon at manunulat

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 263 s. 1940 Authorizing the Printing of the Dictionary ang Grammar of the National Language, and Fixing the Day from which said Language shall be used and taught in the Public and Private Schools in the Philippines Abril 1, 1940 Pangulong Quezon

Pinahihintulutan ng pangulo ang paglilimbag ng dalawang publikasyon na nagsisilbing kodipikasyon ng pambansang wika - ang A Tagalog -English Vocabulary at Ang Balarilang Wikang Pambansa Hunyo 19,1940 Iniatas ang pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng paaralang publiko at pribado sa bansa . Inatasan din ang kalihim ng Pagtuturong Publiko na maghanda ng mga alintuntuning magsasakatuparan ng atas

Panahon ng Hapones

Disyembre 7, 1941 Binomba ng Hapon ang base- militar ng Estados Unidos sa Pearl Harbor, Hawaii na nagpasimula ng digmaan ng dalawang bansa na bahagi ng mas malawak na Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Enero 2, 1942 Tuluyan nang nasakop ng Hapon ang Maynila at inilagay ang Pilipinas sa ilalim ng Imperyong Hapones

Hulyo 10, 1943 Isang bagong Saligang Batas naman ang binuo ng Preparatory Commision for Philippines Independence na pinagtibay noong Setyembre 4, 1943

Oktubre 14, 1943 Pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas Itinuturing na isang gobyernong papet na itinatag ng mga Hapones na ang pangulo ay si Jose P. Laurel

Ang tunay na layunin ng Hapon sa pagpapasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya ay ang pagsusulong ng Greater East Asia Co-prosperity Sphere, isang rehiyon ng mga bansa sa Silangang Asya na magpagkukunan ng Hapon ng mga hilaw na sangkap at mapagluluwasan nito ng mga produkto

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere Pinamumunuan ng Imperyong Hapones May ideolohiyang naglalayong gawing nakapagsasariling rehiyon ang Silangang Asya , nagtatamasa ng pantay na kasaganaan at malaya sa anumang impluwensiya ng Amerika at Europa

Ordinansa Militar Blg . 13 Ipinalabas noong Hulyo 24, 1942 ng Philippines Executive Commission na pinamumunuan ni Jorge B. Vargas Ang Tagalog at Niponggo ang magiging mga opisyal na wika sa Pilipinas

Artikulo IX, Seksiyon 2 “ Dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan tungo sa pagpapa-unlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika ” Sang- ayon tio sa isa sa mga propaganda ni Pang. Laurel na “ Isang watawat , isang bansa , isang wika ”

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 10 Inilabas ni Pang. Laurel noong Nobyembre 30, 1943 Nagtatakda ng pagtuturo ng wikang pambansa Pinalawak nito ang dating probisyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg . 263 na nagtatakda ng pagtuturo ng pambansang wika sa mga paaralang publiko o pribado sa bansa dahil saklaw na rin nito maging ang mga kolehiyo at unibersidad

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 10 Itinakda rin nito ang kagyat na pagsisimula ng pagsasanay sa mga guro sa pambansang wika simula sa Taong Pampaaralan 1944-1945 at ang pagsisikap upang mabilis na mapaglaganap ang paggamit ng pambansang wika bilang pangunahing wikang panturo sa lahat ng paaralan , at hangga’t maaari pati sa mga kurso sa kolehiyo

Pinabuksan din noong ika-3 ng Enero 1944 ang isang Surian ng Tagalog , gaya ng Surian ng Nippongo upang ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog na pagkaraan ay ipapadala sa mga lalawigan upang magturo ng pambansang wika .

Ang mga pinunong militar ng puwersang Hapones ang naging mga tagapagturo ng Nippongo Binigyan din naman ng katibayan ang mga nagsipagtapos : junior, intermediate at superior Ang mga manunulat na dating nagsusulat ng Ingles ay napilitang magsulat sa Tagalog gaya nina N. V. M Gonzales. Narciso Reyes at iba pa

Panahon ng Ikatlong Republika Hanggang Kasalukuyang Panahon

Hulyo 4, 1946 Kasabay ng kasarinlan ng Estados Unidos , idineklara rin ang kalayaan ng Pilipinas

Isinilang ang bagong Republika ng Pilipinas na tumapos sa 48 taong (1898-1946) sa pamamahala ng Estados Unidos .

Ginanap ang makasaysayang pagsasalin ng kapangyarihan sa Luneta na pinangunahan ninan Manuel A. Roxas , huling pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong Republika , at Paul V. McNutt, mataas na komisyoner ng Estados ng Estados Unidos sa Pilipinas na kumakatawan kay Pangulong Haryy S. Truman at unang embahador din ng Estados Unidos ng Pilipinas .

Dahil mismong ang mga Pilipino na ang may hawak ng pamahalaan , nabigyan ng higit na pagkakataon ang mga opisyal ng bayan ng pag-aaralan ang kalagayan ng pambansang wika at magpatupad ng mga batas na magsusulong nito

Mga Batas na ipinatupad na nagpayabong , nagpayaman at nangalaga sa pambansang wika :

Proklamasyon Blg . 12 s. 1954 Pang. Ramon Magsaysay Marso 26, 1946 Nag- aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas ( Abril 2, 1788), “ Prinsipe ng mga Makatang Tagalog ”

Proklamasyon Blg . 186 s. 1955 Ipinalabas ni Pang. Magsaysay noong Setyembre 23, 1955 na sumususog sa naunang proklamasyon Inilipat ang petsa ng Linggo ng Wikang Pambansa sa Agost0 13-19 bilang paggunita sa kapanganakan ni Pang. Manuel L. Quezon “ Ama ng Pambansang Wika ”

Kautusang Tagatanggap Blg . 60 s. 1963 Pang. Diosdado Macapagal Disyembre 19, 1963 Pag-awit ng pambansang awit ng Pilipinas sa Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob at labas ng bansa

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 96 s. 1967 Pang. Ferdinand E. Marcos Oktubre 29, 1967 Pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng edipisyo , gusali at ahensya ng pamahalaan

Memorandum Sirkular Blg . 172 s. 1968 Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas Marso 27 1968 Mahigpit na pagsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg . 96

Memorandum Sirkular Blg . 172 s. 1968 Pagbigkas sa Pilipino ng panunumpa sa tungkulin ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at ang paglalagay ng salin sa Pilipino ng mga katawagang Ingles na nasa opisyal ma letterhead ng mga kagawaran , tanggapan at ahensya ng pamahalaan . Kalakip ng memorandum ang tamang salin ng mga panunumpa sa tungkulin at pangalan ng mga tanggapan at ahensiya na inihanda ng SWP

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 187 s. 1969 Pang. Ferdinand Marcos Agosto 6, 1960 Nag- aatas lahat ng kagawaran , kawanihan , tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan

Memorandum Sirkular Blg . 277, s. 1969 Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda Agosto 7, 1969 Nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod ng bansa , maging sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan upang paigtingin ang kamalayang maka-Pilipibo ng mamamayan

Memorandum Sirkular Blg . 384, s. 1970 Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor Agosto 17, 1970 Nag- aatas sa lahat ng kagawaran , kawanihan , tanggapan , iba pang sangay ng pamahalaan , at korporasyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng pamahalaan na magtalaga ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng lahat ng komunikasyon at transaksyon sa wikang Pilipino bilang pagpapaigting sa Kautusang Tagapagpaganap Blg . 187, s. 1969

Memorandum Sirkular Blg . 368, s. 1970 Pansamantalang Kalihim Tagapagpaganap Ponciano G. A. Mathay Hulyo 2, 1970 Lahat ng pinuno ng mga kagawaran , kawanihan , tanggapan at iba pang pang - sangay ng pamahalaang pambansa at lokal , sampu ng mga korpo

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 304, s. 1971 Pangulong Ferdinand Marcos Marso 16, 1971 Bumago sa komposisyon ng SWP Minabuting baguhin ang komposisyon nito na kinabibilangan na ng mga kinatawan mula sa wikang Bicol, Cebuano, mga wika ng mga pamayamang kultural (cultural community), Hiligaynon, Ilokano , Pampango , Pangasinan , Samar-Leyte at Tagalog

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 304, s. 1971 Magpatupad ng mga kinakailangang tuntunin at regulasyong magpapalawak at magpapalakas sa pambansang wika , sang- ayon sa mga dati nang umiral na pamantayan at sa mga bagong kalakaran sa agham-lingguwistiko I- update ang balarila ng pambansang wika

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 304, s. 1971 Bumabalangkas ng mga diksiyonaryo , tesawro , ensiklopedya o anumang kagamitang panglingguwistiko , sunod sa mga bagong kalakaran sa leksikograpiya , pilolohiya at paggawa ng ensiklopedya Bumalangkas at magpatupad ng mga polisiyang pangwika na mag-aambag sa kaunlarang edukasyonal , kultural , sosyal at ekonomiko ng bansa

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 304, s. 1971 Pag-aralan at pagpasiyahan ang mga isyu tungkol sa pambansang wika Bumalangkas ng mga polisiya sa malawakanag paglilimbag ng mga aklat , polyeto at mga katulad na babasahin tungkol sa pambansang wika , kapwa orihinal at gawang salin Isakatuparan ang iba pang tungkulin na kalapit ng mga nauna .

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 304, s. 1971 Ang bagong SWP ay binubuo nina : Dr. Ponciano B. P. Pineda ( Tagalog ) bilang tagapangulo ; Dr. Lino Q. Arquiza (Cebuano), Dr Nelia G. Casambre (Hiligaynon), Dr. Lorenzo Ga. Cesar (Samar-Leyte), Dr. Ernesto Constantino (Ilocano), Dr. Clodualdo H. Loocadio ( Bikol ), Dr. Juan Manuel ( Pangasinan ), Dr. Alejandro Q. Perez ( Pampango ), Dr. Mauyag M. Tamano ( Tausug : mga wika ng mga pamayanang kultural ) bilang mga kasapi at Dr. Fe Aldave -Yap bilang kalihim tagapagpaganap

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 117, s. 1987 Pangulong Corazon Aquino Enero 30, 1987 Nag- aatas ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon , Kultura at Isports (DECS, Department of Education, Culture and Sports)

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 117, s. 1987 Ayon sa Seksiyon 17, ang SWP ay kikilalanin bilang Linangin ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) o Institute of Philippine Languages sa ilalim ng kagawaran

Kautusang Pangkagawaran Blg . 22, s.1987 ng DECS Kalihim Lourdes R. Quisimbing ng DECS Marso 12, 1987 Nagtatakda ng paggamit ng salitang “Filipino” kailanman tutukuyin ang pambangsang wika ng Pilipinas pagsunod sa isinasaad ng Artikulo XV Seksiyon 6-7 ng Saligang Batas ng 1987 na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino at dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang ilunsad at panatalihin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang- edukasyon

Kautusang Pangkagawaran Blg . 81, s. 1987 ng DECS Kalihim Lourdes R. Quisimbing na nagpapakilala sa “ Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino” na binuo ng LWP Ayon sa dokumento , ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 na titik : A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z

Kautusang Pangkagawaran Blg . 81, s. 1987 ng DECS May dagdag na 8 hiram na titik sa mga dayuhang wika kompara sa “ Balarila ng Wikang Pambansa ” ni Lope K. Santos na mayroon lamang 20 Pa-Ingles ang pagbigkas sa mga titik ng bagong alpabeto , maliban sa Ñ na bigkas-Espanyol

Kautusang Pangkagawaran Blg . 81, s. 1987 ng DECS Mga tuntuning kaugnay ng pagbigkas ng pagbaybay , pasulat na pagbaybay , pagtutu,bas sa mga hiram na salita , mga salitang may magkasunod na patinig , pagpapantig , paggamit ng gitling , paggamit ng kudlit at paggamit ng tuldik

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Pangulong Corazon Aquino Agosto 25, 1988 Nag- atas sa lahat ng kagawaran , kawanihan , tanggapan , ahensiya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon , komunikasyon at korespondensiya upang lalo umanong maintindihan at mapahalagahan ng mga Pilipino ang mga programa , proyekto at gawain ng pamahalaan para sa pambansang pagkakaisa at kapayapaan

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Magsagawa ng mga hakbang na lilinang sa paggamit ng Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon , transaksiyon ar korespondensiya sa mga tanggapan , pambansa man o lokal Magtalaga ng isa o higit pang kawani sa bawat tanggapan na mamamahala sa lahat ng komunikasyon at korespondensiyang nakasulat sa Filipino

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Magsalin sa Filipino ng lahat ng pangalan ng mga tanggapan , gusali katungkilan at paskil sa lahat ng opisina , dibisyon at iba pang sangay at kung nanaisin , maaari ding maglagay ng katumbas sa Ingles na nasa maliliit na titik Maisa -Filipino ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Maging bahagi ng pagsasanay sa mga kawani sa bawat tanggapan ang kasanayan sa Filipino

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Kampanya upang palaganapin ang impormasyon na ang Filipino ay mahalaga at kailangan sa pagtatamo ng pambansang pagkakaisa at kapayapaan Pagsasalin sa Filipino ng mga terminong pampamahalaan na gagamitin ng iba’t ibang tanggapan

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Pagsasanay sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan sa paggamit ng Filipino Pagmomonitor sa implementasyon ng kautusang ito at pagsumite ng ulat sa Tanggapan ng Pangulo Pagsasagawa ng iba pang estratehiya upang maiskatuparan ang mga layunin ng kautusan

Kautusang Tagapagpaganap Blg . 335, s. 1988 Pinahimtulutan din ang LWP na makipag-ugnayan at humingi ng suporta sa lahat ng kagawaran , kawanihan , tanggapan , ahensiya at iba pang sangay ng ehekutibo , pambansa ma o lokal , sa pagsasakatuparan ng kautusan Hinalinhan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg . 187, s. 1969

Batas Republika Blg . 7104 Ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong Agosto 14, 1991 na lumikha sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Ang KWF ay dapat buuin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang pangkat-etnolingguwistiko sa bansa mula sa iba’t ibang disiplinang may pangunahing mandatong magsagawa , mag-ugnay at magsulong ng mga pananaliksik para sa pagpapayabong , pagpapalaganap at pangangalaga ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas

Batas Republika Blg . 7104 Nasa ilalim ito ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at bubuuin ng isang Tagapangulo , dalawang full-time na komisyoner at walong part-time na komisyoner . Dapat katawanin ng nasabing mga komisyoner ang mga sumusunod na wika : Tagalog , Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, mga pangunahing wika ng Muslim Mindanao, mga pangunahing wika ng mga pamayanang kultural sa Hilagang Pilipinas , mga pangunahing wika ng mga pamayanang kultural sa Timog Pilipinas at iba pang wika sa Pilipinas o wika ng mga rehiyon na mapagpapasiyahan ng Komisyon

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Bumuo ng polisiya , plano at programang titiyak ng higit na paglago , pagyaman , paglaganap at pag-iingat ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Magsagawa o mangomisyon ng mga saliksik at iba pang pag-aaral na magsusulong ng ebolusyon , pag-unlad , pagyaman at estandardisasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas , kasama na ang pagtitipon ng mga akdang posibleng maisama sa isang diksiyonaryong multilingguwal ng mga salita , pahayag , idyoma , kasabihan at iba pang bukambibig

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Magpanukala ng mga gabay at pamantayang pangwikang magagamit sa lahat ng opisyal na komunikasyon , publikasyon , batayang aklat at iba pang babasahin at materyales panturo

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Hikayatin at isulong , sa pamamagitan ng isang sistema ng paggagantimpala , pagpopondo , o pagpaparangal , ang pagsulat at publikasyon sa Filipino o sa iba pang wika ng mga orihinal na akda , kasama na ang batayan aklat sa iba’t ibang disiplina

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Magsagawa at puspusang suportahan ang pagsasalin sa Filipino at sa iba pang wika sa Pilipinas ng mahahalagang akdang pangkasaysayan at tradisyong kultural ng mga pangkat-etnolingguwistiko , mga batas , mga resolusyon , at iba pang pagpapatibay ng Kongreso , mga dokumentong ipinalabas ng ehekutibo , mga polisiya

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : at iba pang opisyal na dokumento ng pamahalaan mga batayang aklat at iba pang sangguniang aklat sa iba’t ibang disiplina at iba pang akdang nasa dayuhang wika na sa palagay ng Komisyon ay kinakailangan sa edukasyon at iba pang katulad na layunin

Tungkulin ng KWF na nauukol sa wika : Magsagawa ng mga publikong pagdinig , kumperensiya , seminar at iba pang pangkatang talakayan , sa antas na pambansa , rehiyonal at lokal na makakatulong sa pagtukoy at paglutas ng mga suliranin at isyung may kinalaman sa pagpapaunlad , pagpapalaganap at pag-iingat ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas

Proklamasyon Blg . 10, s. 1997 Ipinalabas ni Pang. Fidel V. Ramos noong Hulyo 15, 1997 Nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika tuwing Agosto Pagpupugay pa rin sa kinikilalang “ Ama ng Wikang Pambansa ” na si Manuel L. Quezon na isinilang noong Agosto 19, 1878 Pagpapahalaga rin ito sa pambansang wika at pagkilala sa mahalagang papel nito sa Himagsikan ng 1896 tungo sa kasarinlan

Kautusang Pangkagawaran Blg . 45, s. 2001 ng DECS Ipinalabas ni Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz Nagpakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino Nagtatakda ng paggamit nito bilang gabay sa pagtuturo , pagsulat ng batayang aklat , korespondensiya opisyal at iba pang gawain ng kagawaran

Kautusang Pangkagawaran Blg . 45, s. 2001 ng DECS Ayon sa praymer ng 2001 Revisyon Kinikilala nito na ang 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit upang tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong may kakayahan kapuwa sa katutubo at banyagang wika na nagresulta sa papalit-palit na gamit ng mga wikang ito

Kautusang Pangkagawaran Blg . 45, s. 2001 ng DECS Bilang pagtugon , pinaluwag ng bagong tuntunin ang paggamit ng walong hiram na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) at pinagamit na rin ang mga ito sa pagbabaybay ng lahat ng hiram na salita , anuman ang varayti , kasama na ang hindi pormal at hindi teknikal na varayti

Kautusang Pangkagawaran Blg . 42, s. 2006 ng DepEd Ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus noong Oktubre 9, 2006 Nagpapabatid ng ginagawang pagrerebyu ng KWF sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa negatibong feedback dito ng mga guro , estudyante , magulang at iba pang tagagamit ng wika

Kautusang Pangkagawaran Blg . 42, s. 2006 ng DepEd Itinatagubilin din na itigil muna ang implementasyon nito habang nirerebyu at sumasangguni muna sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling para sa paghahanda o pagsulat ng mga sangguniang kagamitan sa pagtuturo at sa mga opisyal na korespondensiya

Kautusang Pangkagawaran Blg . 34, s. 2013 ng DepEd Ipinalabas ni Kalihim Br. Armin A. Luistro , FSC noong Agosto 14, 2013 Nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa Ang binagong gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng KWF makaraan ang masusing pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiya ng pambansang wika

Kautusang Pangkagawaran Blg . 34, s. 2013 ng DepEd Ortograpiyang Pambansa Isang paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Filipino, pagpapanatili ng maiinam na gabay sa ortograpiya at pagsasaalang-alang sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa pagmamagitan ng pagdadagdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy , Pangasinan , M ë ranaw at iba pa pa na kakatawanin ng titik Ë at ang aspirasyon mula sa M ëranaw

Kautusang Pangkagawaran Blg . 34, s. 2013 ng DepEd Ortograpiyang Pambansa Layunin na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubing wika tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas Magiging mainam na ambag ito sa pagbuo ng mga kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda , dokumento , komunikasyon at iba pa ng pamahalaan , ng media at ng mga palimbagan

Resolusyon Blg . 13-19, s. 2013 ng KWF Ipinasa ni Tagapangulo Virgilio S. Almario noong Abril 12, 2013 Nagpapasiya ng pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa mula sa “ Pilipinas ” tungong “Filipinas” at pagpapatigil sa paggamit ng una upang mapalaganap ang opisyal na modernisadong katawagan ng bansa sa kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito

Resolusyon Blg . 13-19, s. 2013 ng KWF Ipinasiya rin ng resolusyon ang unti-unting pagbabago sa baybay ng mga selyo , letterhead, notepad at iba pang kasangkapang may tatak na “ Pilipinas ” tungo sa “Filipinas” Ipinasiya ring himuking baguhin ang opisyal na pangalan ng mga institusyon at kapisanang may “ Pilipinas ” ngunit hindi sapilitan lalo ba sa mga entidad na naitatag sa panahong wala pang “F” sa Alpabetong Filipino, habang ipinatutupad ang pagpapagamit ng “Filipinas” sa lahat ng itatatag na organisasyon pagkatapos pagtibayin at palaganapin ang mungkahi ng resolusyon

Almario (Philippine Star, 11 Hulyo 2013 ) “Hindi umano labag sa batas ang resolusyon at hindi rin nangangailangan ng bagong lehislasyon mula sa Kongreso dahil wala namang batas na nagsasabong “ Pilipinas ” ang pangalan ng bansa . “Filipinas” umano talaga ang pangalan ng nasyon hanggang sa katapusan ng ika-19 na siglo , gaya ng paggamit dito ni Rizal sa kanyang akda at ni Bonifacio sa kanyang tulang “ Katapusang Hibik ng Filipinas”. Napalitan lamang ng P ang F nang gawin ni Lope K. Santos ang “ Balarila ng Wikang Pambansa ” noong 1940 na ang paglalathala ay pinahintulutan ni Pang. Quezon sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134”

Resolusyon Blg . 13-19, s. 2013 ng KWF Naging kontrobersiyal ang Resolusyon Blg . 13-19, s. 2013 at bagaman hindi naman ito binawi ng KWF, hindi rin naman ito laganap na sinunod sa bansa maging ng mismong pamahalaan