KAHALAGAHAN NG PANONOOD NG TELEBISYON.REPORT.pptx

NowmeeDanlog1 11 views 20 slides Sep 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

hiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii


Slide Content

KAHALAGAHAN NG PANONOOD NG TELEBISYON KARUGTONG NA ULAT NG “MGA PANOORING PANTELEBISYON”

A ng telebisyon ay isang mahalagang uri ng libangan na may malaking impluwensya sa lahat ng tao . Ito ay may mahalagang gampanin sa paghubog ng kamalayan ng tao at kung paano niya tinitingnan at hinuhugis ang mundo . Ang mahabang oras na inilalaan sa panonood ay nagdudulot ng positibo at negatibong epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng manunood .

Ang telebisyon ay nakakapagbigay ng kaalaman gaya na lamang sa mga dramatikong paglalarawan at ang mga kwento na naghahatid sa mga manunood ng kaalaman patungkol sa kung paano makitungo sa mga tao , paano masolusyunan ang mga problemang personal o pampamilya , at mga alitan . Hindi lamang napapabuti ng telebisyon ang kaalaman ng isang tao , kundi ito rin ay nagbibigay impormasyon sa mga nangyayari sa paligid . Ang telebisyon din ay pangunahing pinagmumulan ng social learning.  

Mahalaga ang telebisyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng impormasyon , kaalaman , at maging pagkaaliw sa mga manonood . Nakapagbibigay din ng enganyong bahagi ng programang Pantelebisyon tungkol sa paraan ng pamumuhay ng tao . Sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay ng isyu , problema , kontrobersiyal na balita , at maging ng mga paksang na may kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating lipunan .

Patnubay sa Panonood

Ang telebisyon ay gumaganap bilang “ ang pangunahing tagapagkuwento , tagapag-alaga ng bata at tagapag-impluwensiya sa opinyon ng publiko ,” sabi ng   Not in the Public Interest​—Local TV News in America,  isang ulat na tinipon ng isang grupong bantay -media sa Estados Unidos .

Kabilang sa ilang mungkahing ito ang sumusunod . 1. Ang panonood ng TV ay dapat limitahan at may oras . Hindi puwedeng kapag tuluy-tuloy ang mga programa ay tuloy-tuloy lang din ang panonood . Hindi lang programa ang dapat na binabantayan kundi pati rin ang exposure ng mga bata sa radiation. 2. Kapag wala pang dalawang taon ang bata , huwag munang iharap sa TV dahil sa radiation emission.

3. Kung dalawang taon pataas , limitahan sa dalawang oras lamang ang panonood . Nakaka -strain sa mata ng bata kung matagal nakatutok sa TV. 4. Planuhin at limitahan ang iyong panonood ng TV. Maglagay ng mga limitasyon kung kailan makapanonood ang mga bata . Huwag maglagay ng TV set sa mga kuwarto ng mga   bata . 5. Samahan ang mga bata sa panonood ng telebisyon upang maipaliwanag mo ang mga bagay na gaya ng pagkakaiba ng pantasya at ng realidad . Hindi ito laging napag-uunawa ng maraming bata na wala pang sampung taon .

6.   Gawing gantimpala at hindi libangan ang panonood ng TV. Gawin itong reward para sa magandang asal . Huwag gawing hobby na basta may libreng oras ay TV kaagad . 7. Obserbahan ang mga bata sa panonood . Masdan ang reaksiyon . 8. Maging mapanuri at mapili sa mga programang makabata . Hindi porke’t cartoons ay pambata . 9. Magandang habang nanonood ang bata ay katabi ang magulang para may follow up at pagpapaliwanag na maganap sakaling may maseselang eksena o kaya naman ay may mga katanungan ang anak . 10. Hikayatin ang mga batang magbasa , makipagkuwentuhan , makipaglaro , magsulat at iba pa.

Ang Pagbabagong nagawa ng Panonood ng Telebisyon ng mga Pilipino . Sa aklat na   Tube of Plenty​—The Evolution of American Television,  binanggit ng awtor na si Erik Barnouw na noong maagang 1960’s, “para sa karamihan ng mga tao [ ang telebisyon ] ay naging bintana nila sa daigdig . Ang tanawin na iniaalok nito ay para bang  ang   daigdig . Pinagkakatiwalaan nila ang pagiging totoo at pagiging ganap nito .”

Gayunman , hindi mapipili ng isa lamang bintana ang tanawin na inihaharap nito sa iyo ; hindi nito matitiyak ang liwanag o ang anggulo ng tanawin ; ni mababago man nito kaagad ang tanawin upang mapanatili lamang ang iyong interes . Magagawa ito ng TV.

Ang mga salik na iyon ay lubhang humuhubog sa iyong mga damdamin at mga konklusyon sa kung ano ang iyong pinanonood , gayunman ito ay kontrolado ng mga taong gumagawa ng mga palabas sa TV. Kahit na ang mga balita at mga dokumentaryong lubhang walang kinikilingan ay napasasailalim din sa gayong impluwensiya , ito man ay hindi sinasadya .

Ang Telebisyon ay lumilikha ng isang daigdig kung saan ang mga kilos ay walang kapinsalaan . Ang mga batas ng budhi , ng moralidad , at ng pagpipigil-sa-sarili ay pinapalitan ng batas ng kagyat na kasiyahan .

Maliwanag , ang telebisyon ay hindi isang “ bintana sa daigdig ”​— sa paano man hindi sa tunay na   daigdig . Sa katunayan , isang bagong aklat tungkol sa telebisyon ay tinatawag na   The Unreality Industry. Sinasabi ng mga awtor nito na ang TV ay “ naging isa sa pinakamalakas na puwersa sa ating buhay . Ang resulta ay na hindi lamang binibigyan kahulugan ng TV kung ano ang katotohanan , kundi mas mahalaga at nakababalisa , binubura ng TV ang mismong pagkakakilanlan , ang mismong linya , sa pagitan ng katotohanan at ng hindi katotohanan .”

Palibhasa’y naiimpluwensiyahan ng TV ang popular na mga paniwala tungkol sa katotohanan , paano nga hindi maiiimpluwensiyahan nito ang mismong buhay at kilos ng mga tao ?

Gaya ng sulat ni Donna McCrohan sa   Prime Time, Our Time:  “ Kapag ang isang nangungunang palabas sa TV ay lumalabag sa mga ipinagbabawal na kaugalian o mga hadlang ng wika , tayo’y nakadarama ng higit na kalayaang labagin ito mismo . Sa gayunding paraan , tayo’y naiimpluwensiyahan kapag . . . ang kahandalapakan ay itinuturing na karaniwan . Sa bawat pagkakataon , ang TV ay kumikilos ​— sa naantalang aksiyon —​ bilang salamin na kukumbinsi sa atin na tayo yaong pinapangarap natin , at samakatuwid ay magiging gayon nga .”

Gayunman , may kaugnayan sa mga bata na ang paksa ng telebisyon ay talagang nangangailangan ng apurahang pansin . Karaniwan na , anuman ang maaaring gawin ng TV sa mga adulto , tiyak na magagawa nito sa mga bata ​— nang higit . Sabihin pa, mas madaling maniwala ang mga bata sa gawa-gawang daigdig na nakikita nila sa TV. Ang isang pag-aaral kamakailan kung saan nasumpungan na kadalasang “ hindi makilala [ ng mga bata ] ang tunay na buhay sa kung ano ang nakikita nila sa puting-tabing . Inililipat nila ang nakikita nila sa di- tunay na daigdig tungo sa tunay na daigdig .”

Sa pangwakas na pagsusuri , malamang na may iilan lamang seryosong tututol na ang TV ay hindi isang tunay na panganib kapuwa sa mga bata at sa mga matatanda . Subalit ano ang ibig sabihin niyan ? Dapat bang ipagbawal ng mga magulang ang panonood ng TV sa bahay ? Dapat bang pangalagaan ng mga tao sa pangkalahatan ang kanilang sarili mula sa impluwensiya nito ?

SALAMAT SA PAKIKINIG! NOWMEE O. DANLOG, B.S.Ed.-FILIPINO 3
Tags