Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita , kilos at galaw angkaisipan ng may- akda . Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa t anghalan . Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahaging buhay .
Taglay nito ang katangiang umiiral sabuhay ng tao gaya ng pagkakaroon ngmga suliranin o mga pagsubok nakanyang pinagtagumpayan okinasawian . Ayon kay ARISTOTLE, ay isangsining ng panggagaya o pag-iimita sakalikasan ng buhay . Ipinapakita nitoang realidad sa buhay ng taogayundin ang kanyang mga iniisip , ikinikilos , at isinasaad .
LAYUNIN NG DULA
TATLONG ANYO NG DULA
Iisahing Yugtong Dula o Dula - dulaan binubuo lamang ng isang yugto omaikling dula . Dadalawahing Yugtong Dula binubuo ng katamtamang haba angdula , hindi gaanong maikli at hindi dingaanong kahaba , at karaniwangdadalawahing yugto lamang . Tatatluhing Yugtong Dula - binubuo ng mahabang dula atmayroon tatlong yugto .
TATLONG BAHAGI NG DULA
1. Yugto -ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula . Inilaladlad ang pangmukhang tabingupang magkaroon ng panahongmakapahinga ang mga nagsiganapgayundin ang mga manonood . 2. Tanghal ang bahaging ito ang ipinanghahati sayugto kung kinakailangang magbago ngayos ng tanghalan . 3. Tagpo - ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ngmga tauhang gumaganap sa dula .
MGA URI NG DULA
1. Trahedya - sa dulang ito’y mahigpit natunggalian . Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan ng masisidhing damdamin . Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ngmga pangunahing tauhan . 2. Komedya - ang uring ito’y nagtatapos na masayasapagkat ang mga tauhan aynagkakasundo . Ang wakas ay kasiya-siya samga manonood .
3. Melodrama ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring ito’y may malulungkot na sangkap . Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito . 4. Parsa - ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawili -wiling pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa -tawa.
5. Saynete ang pinakapaksa ng uring ito ay mgakaraniwang ugali. Katulad ng parsa , ang dulang ito ay may layuning magpatawa . 6. Tragikomedya - Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa -tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa , subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida .
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula ; lahatng bagay na isinasaalang-alang sa dula aynaaayon sa isang iskrip ; walang dula kapagwalang iskrip . Gumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap angnagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip ; silaang nagbibigkas ng dayalogo ; sila angnagpapakita ng iba’t ibang damdamin ; silaan inanonood na tauhan sa dula .
Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawagna tanghalan ; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula , tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag- aaral sa kanilang klase . Tagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan saisang iskrip ; siya ang nag- i -interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan , ng damit ng mga tauhanhanggang sa paraan ng pagganap atpagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng director sa iskrip
Manonood - hindi maituturing na dula ang isangbinansagang pagtanghal kung hindi itonapanood ng ibang tao ; hindi itomaituturing na dula sapagkat anglayunin ng dula’y maitanghal ; at kapagsinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood