KARANASAN NG MGA PILING TAONG-BAYAN.pptx

ROHDAFORMENTERA 0 views 13 slides Oct 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 13
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13

About This Presentation

About the experiences of the piling taong bayan


Slide Content

Ano ang naging epekto ng pagpapatupad ng Batas Militar sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Pilipino?

Kilala nyo ba kung sino ang mga nasa larawan ? Ano kaya ang naging karanasan nila nang ipatupad ang Batas Militar ?

Mga Karanasan ng mga Piling Taong-Bayan

Nagbago ang takbo ng buhay ng mga mamamayan nang ipairal ni Marcos ang Batas Militar . Negatibo ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa bagong sistema ng pamahalaang binuo ni Marcos sapagkat sadyang nabawasan ang karapatan ng mga mamamayan . Naghari ang takot sa puso ng mga tao , kasabay nito ang pag-usbong ng galit at pagkamuhi kay Pangulong Marcos.

Marami ang hindi sumang-ayon kay Marcos nang gamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar . Isa na rito si Senador Benigno Aquino Jr..Hindi niya tinanggap ang Batas Militar sapagkat naniniwala siyang ito ginawa ni Marcos upang mapahaba o mapatagal pa ang kanyang panunungkulan bilang pinakamataas na pinuno ng bansa . Nais niyang manatili pa rin sa tungkulin pagkalipas ng 1973.

Si Benigno “ Ninoy ” Aquino, Jr. ay isang senador bago pa ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar . Isa si Aquino sa mga ipinabilanggo ni Marcos dahil sa pagtutol niya sa pamamalakad ng pamahalaang Marcos. Nang siya ay magkasakit , pinayagan siyang pumunta sa Amerika upang magpagamot .

Isa sa mga pangyayaring hindi lubos na maunawaan at matanggap ng mga Pilipino ay ang diumano’y ginawa ni Pangulong Marcos na paghuli o pagpaslang sa mga komentarista sa radyo at telebisyon na tumuligsa sa kanya .

Ilan sa kanila ay sina Senador Benigno Aquino Jr., Jose Diokno ; ang mga mambabatas na sina Roque Ablan , Rafael Aquino, David Puzon ; at mga delegado ng Con-con na sina Napoleon Rama, Teofisto Guingona , Alejandro Lichauco , Ramon Mitra , at Jose Conception. Gayundin sina Joaquin “Chino” Roces , ang patnugot ng The Manila Times; Teodoro M. Locsin , ang patnugot ng Philippines Free Press; at ang mga mamamahayag na sina maximo Soliven at Amado Doronilla .

Si Eugenio “ Geny ” Lopez, Jr ., anak ni Eugenio Lopez, Sr. ay ikinulong din at pinagbintangang may balak ipapatay si Marcos. Inangkin ng mga Marcos at kanyang mga crony ang malalaking kompanya ng mga Lopez bilang kapalit ng pagpapalaya kay Geny subalit hindi naman din siya pinalaya .

Si Lino Brocka , isang mahusay na direktor , ay inakusahan at ipinakulong din ni Marcos dahil gumawa siya ng mga subersibong pelikula laban kay Marcos . Isa sa kanyang nilikha , ang “ Bayan Ko ”, ay ipinagbawal na ipalabas sa ating bansa . Noong 1983, itinatag niya ang organisasyong Concerned Artists of the Philippines (CAP). Dalawang taon niya itong pinamunuan . Ang layunin nito ay ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga tao . Naging aktibo ang mga kasapi nito sa mga rali laban sa pamahalaan lalong lalo na ng paslangin si Ninoy Aquino.

Si Benjamin “ Behn ” Cervantes, isang propesor , aktor , direktor , at freedom fighter ay isa rin sa mga bumatikos kay Marcos. Kasama siya sa mga ipinakulong ni Marcos. Isa siya sa nagsulong ng Free the Artist, Free the Media Movement, Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Congress for the Restoration of Democracy (CORD), at Nationalist Alliance for Freedom, Justice and Democracy.

Gayundin , hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat ng pahayagan , radyo , at telebisyon . Pinangasiwaan din ng pamahalaanang pagpapatakbo ng mga kakailanganin ng publiko katulad ng PLDT, Co. Meralco , at mga sasakyang panghimpapawid .

Sinu-sino ang mga piling tao na pinahuli o pinaaresto ni Marcos noong panahon ng Batas Militar ? Ano ang kanyang dahilan sa pagpapahuli sa mga taong ito ? Makatarungan ba ito ?
Tags