isang anyo ng sulating nagpapahayag ng kuru- kuro , opinyon , pananaw , o kaalaman ng isang tao hinggil sa isang paksa . Karaniwang layunin nito ang magpaliwanag , maglahad ng impormasyon , manghikayat , o magbigay ng komentaryo sa mga isyu sa lipunan , kultura , o personal na karanasan . SANAYSAY
May tiyak na paksa – Nakatuon ito sa isang ideya o isyu . May personal na pananaw – Nagpapahayag ito ng sariling opinyon o karanasan ng sumulat . Maayos ang pagkakabuo – May simula ( panimula ), gitna ( katawan ), at wakas ( konklusyon ). Gumagamit ng malinaw at tiyak na wika – Upang madaling maunawaan ng mambabasa . Nagpapahayag ng layunin – Maaaring magturo , magbigay-kaalaman , o manghikayat Mg a Katangian ng Sanaysay
Mga Uri ng Sanaysay Pormal – May seryosong paksa , gumagamit ng akademikong wika , at karaniwang tungkol sa mga mahahalagang isyu o ideya . Di- Pormal o Personal – Mas magaan ang tono , gumagamit ng karaniwang salita , at kadalasang tungkol sa sariling karanasan o opinyon .
Halimbawa ng Paksa ng Sanaysay Ang Kahalagahan ng Edukasyon Epekto ng Teknolohiya sa Kabataan Kalikasan: Ating Responsibilidad Karanasan sa Panahon ng Pandemya
Kay Estella Zeehandelaar Sanaysay- Indonesia
Kolonyalismo – pananakop ng isang bansa sa iba. Tradisyon – mga nakasanayang gawain at paniniwala sa isang kultura. Kalayaan – pagiging malaya sa pagpili at pagkilos. TALASALITAAN
Karapatan – mga bagay na nararapat tamuhin o makamit ng isang tao. Diskriminasyon – hindi pantay na pagtingin o pagtrato sa tao batay sa kasarian, lahi, o iba pang katangian. TALASALITAAN
Ano ang dahilan ng pagkasulat ni Kartini ng liham kay Estella Zeehandelaar? Anong tradisyon o kultura ng Indonesia ang kanyang tinuligsa sa liham? GABAY NA TANONG
Paano niya inihalintulad ang kalagayan ng kababaihan sa Indonesia sa mga babae sa Europa? Bakit mahalaga para kay Kartini ang edukasyon para sa kababaihan? GABAY NA TANONG
Sa iyong opinyon, may ganitong diskriminasyon pa rin ba sa kasalukuyan? Ipaliwanag. GABAY NA TANONG
Kay Estella Zeehandelaar Japara, 25 Mayo 1899 Minamahal kong gng. Zeehandelaar, Malugod ko pong tinanggap ang inyong liham. Ikinalulugod ko pong mayroong isang kababaihan sa Olanda na ibig akong makilala. Ako po ay isang Dalagang Javanese na nakatira sa gitna ng kahigpitan ng mga kaugaliang Javanese, na hindi pinahihintulutang makipagkilala kanino man lalo na sa mga Europeo.
Tila baga ako isang ibong nakatira sa hawla; ang pakpak ko’y nakatali; hindi makalipad; lumilipad man ay hanggang sa kalangitan lamang ng aming tahanan. Ako’y pinalad dahil sa aming ama na isang Regent ay hindi lubhang mahigpit. Ako'y nakatanggap ng kaunting edukasyon sa paaralang Europeo, at ako'y marunong bumasa't sumulat ng Olandes. Kaya ko kayong sagutin sa inyong wika.
Sa karaniwan, ang mga kababaihang Javanese ay natatali sa mga kaugalian. Hindi sila nakapag-aaral. Hindi rin sila pinahihintulutang makita o makipag-usap sa ibang tao. Hindi sila maaaring mag-asawa kung sino ang kanilang ibig kundi ang mga pinili ng kanilang mga magulang.
Kung minsan, hindi kilala ng babae ang kanyang mapapangasawa. Iyon ay nakapanghihina ng loob, hindi ba? Lalo na sa amin na nakapagbasa na ng mga aklat at nakaaalam ng kalagayan ng kababaihan sa Europa.
Kay sarap mabuhay sa Europa! Doon, ang babae ay may sariling karapatan. Nakapag-aaral siya; nakapagbibigay ng opinyon; nakikihalubilo sa kapwa; nakapagpapahayag ng saloobin; at higit sa lahat, siya'y pinakikitunguhan ng may paggalang. Hindi gaya rito sa amin na ang babae ay para lamang isang palamuti sa bahay, nakatago at walang karapatang magpasiya para sa sarili.
Nais kong mabuhay sa malayang paraan. Nais kong magkaroon ng malawak na kaalaman. Ibig kong bumuti ang kalagayan ng kababaihan sa aming bayan. Nais kong kami rin ay makapag-aral, matuto ng agham, ng sining, at ng iba pang karunungan. Ibig kong maalis ang kadilimang bumabalot sa aming pag-iisip.
Tuwang-tuwa akong makilala kayo, gng. Zeehandelaar. Sana'y pagpatuloy natin ang ating palitan ng liham. Sa pamamagitan nito'y matutulungan ninyo akong higit pang makilala ang Europa at ako naman ay makapagpapahayag sa inyo ng tunay na kalagayan ng kababaihan sa aming lugar. Lubos na gumagalang, Raden Adjeng Kartini
1. Ano ang pangunahing layunin ni Kartini sa pagsusulat ng liham? a. Manghingi ng tulong kay Estella b. Magpahayag ng saloobin at pagkadismaya sa kalagayan ng kababaihan c. Makipagkaibigan sa mga taga-Europa d. Anyayahan si Estella sa Indonesia Maikling Pagsusulit
2. Anong kultura ng Indonesia ang tinuligsa ni Kartini? a. Pagtangkilik sa sining b. Pagpapakasal sa piniling minamahal c. Pagkakait ng kalayaan sa kababaihan d. Pagtuturo ng edukasyon sa lahat
3. Sa anong paraan inihambing ni Kartini ang kababaihan ng Indonesia sa kababaihan sa Europa? a. Mas masipag ang kababaihan sa Indonesia b. Mas malaya ang kababaihan sa Europa c. Mas relihiyoso ang kababaihan sa Europa d. Mas maganda ang kababaihan sa Indonesia
4. Ayon kay Kartini, ano ang susi sa pag-unlad ng kababaihan? a. Kalayaan sa paglalakbay b. Pagkakaroon ng mataas na kayamanan c. Pagkakaroon ng edukasyon d. Pag-aasawa ng mayaman
5. Ano ang damdaming nangingibabaw sa liham ni Kartini? a. Kaligayahan b. Pag-asa at pangarap c. Pagkagulat d. Paghihiganti
b c b c b
Brainstorm and choose a topic that you have a strong opinion about. Write an introduction that grabs the reader's attention and clearly states your opinion. Provide reasons and evidence to support your opinion in the body of the essay. Conclude by summarizing your main points and restating your opinion. Edit and revise your writing. Remember!