Address: Fortuna, Floridablanca, Pampanga
School ID: 105988
Email Add:
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
Floridablanca West District
FORTUNA ELEMENTARY SCHOOL
Fortuna, Floridablanca, Pampanga
Lesson Plan in Math 3
August 20, 2024
I. Layunin
A. Nakapag-sasama-sama ng 3 hanggang 4 na digit na walang pagpapangkat
II. Paksang Aralin
A. Pagsasama– sama ng 3 Hanggang 4 na Digit na Walang Pagpapangkat
B. K-12 MELC GUIDE p 204-205
III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod na bilang gamit ang simbolong >, <,
at =.
1. 7 406 _______ 6 740
2. 895 _______ 985
3. 3 723 _______ 32 824
4. 1 000 _______ 998
5. 2 614 _______ 2000 + 600 + 10 + 4
B. Pagganyak
Basahin ang kwento at sagutin ang mga katanungan:
Ang isang pribadong ahensya ay namahagi ng relief goods sa mga mamamayang
apektadong ng COVID -19. Ang mga naibigay ay 3 410 bottled water, 2 060 na lata ng
sardinas, at 3 308 na noodles. Ilan lahat ang mga relief goods na ipinamahagi nila?
C. Paglalahad
1. Upang makuha ang kabuuang bilang ng mga ito, maaari nating gamitin ang blocks, flats,
longs, at squares.
2. Maaari ring gamitin ang expanded form ng katumbas na bilang. Pagsamahin ang mga
bilang na nasa expanded form. Pagkatapos, isulat ang kabuuan sa standard form.
3. Isa pang paraan ng pagsasama-sama ng mga bilang ay ang paggamit ng place
value chart.