local_media7071712990229911110.pptx99999

GibelleCaguimbay 8 views 20 slides Sep 03, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

powerpoint presentation


Slide Content

Paninging Sosyolohikal Remelyn Latañafrancia
Lieca Cabalo
Gisann Somogat
Alfrilyn Sola
Dyna Demonteverde Maekah Espinosa

Walang wikang maiintelektwalisa ng mga gumagamit nito kung walang angkop na sitwasyon na makagaganyak upang ito ay kanilang intelektwalisahin.
Ang isang wika ay maaaring manatiling gamit na wika sa aktwal nalugar ng pagtatalastasan ng isang pangkat. Halimbawa ay sa tahanan at sa pamayanan o kahit sa buong bansa nang hindi kinakailangang maging intelektwalisado.

Ang intelektwalisasyon ay nagaganap lamang kung may angkop na istimulus at sa kasong ito isang istimulus ng batay sa pangangailangan. Nag-iba-iba ang pangangailangan ayon sa sitwasyon at maaring maging tiyak sa ilang gamit ng wika o lawak ng karunungan.

Marahil ang pinakamahalaga at nag-iisang sangkap na maaaring nakakapagpabilis o nakapagpapabagal sa paglinang ng isang wika bilang wika ng tinatawag na “scholarly discourse” ay ang pagkakaroon sa lipunan ng isang dominante at intelektwalisadong wika.

Ang wikang ito ay maaaring makasagabal sa malayang pag-unlad ng isang katutubong wika sapagkat ang wikang ito “na maaaring pangalawa o dayuhan na tulad ng Ingles ay ginagamit na ng bayan. Habang ang pangalawa at dominanteng wikang ito ay ginagamit ng bayan at habang nagdudulot ito ng sapat na motibasyon “lalo na sa pamumuhay upang tangkilikin o maging intelektwalisado ay limitadong-limitado.

Ang tanging motibasyon na makakatulong upang malinang ang katutubong wikang ito ay ang malakas na alon ng nasyonalismo. Ang pangalawa marahil sa pinakamalakas na insentibo o salik nanakatutulong sa intelektwalisasyon ng wika ay ang paglulunggati ng bayan mismo na lumikha ng pagbabago. Karaniwan ito ay dahil sa nasyonalismo.

At kung minsan naman ito ay nangyayari kung nadarama ng lipunan na ang pangalawang dominanteng wika ay hindi na mabisang kasangkapan para sa pagtatamo ng edukasyon ng higit na nakararaming mamamayan. Ang nabanggit na “paradigm” ay nangyari at nangyayari sa Pilipinas.

Ipinakikita nito kung bakit ang Tagalog ay ngayon lamang naiintelektwalisa sa dahilang ang tamang oras para rito o ang tinatawag na Kairos ay dumating sa Pilipinas kamakailan lamang. Sa ngayon ang Ingles ay nananatiling pangunahing wika ng bansa bilang kasangkapan ng mga Pilipino sa kanilang adhikaing pansosyal at pangkabuhayan.

Ngunit sa katagalan malamang na siyang maging dahilan sa pagpapanatili rito ng (ngles ay ang patuloy napangangailangan natin sa wikang ito bilang wikang pang- internasyonal at bilang wika ng agham at teknolohiya o bilang wika ng modernisasyon.

Gayumpaman sa ngayon ay lalong nagiging malinaw sa atin na ang Ingles ay hindi maaaring maging wika ng masang Pilipino kailanman lalo nakung isasaalang-alang natin ang waring hindi na mababagong kalakaran sa ating sistema ng edukasyon.

Samakatuwid kung sadyang dapat na maging matagumpay ang edukasyon para sa masa at kung dapat mabawasan ang pag-aaksaya ng panahon at salapi gayundin ang dami ng “dropouts” o ng mga tumitigil pag-aaral at kung dapat na mabigyan ang mga “out of school” na kabataan ng mga kasanayang magagamit nila sa kanilang pamumuhay ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo ay nararapat lamang o dapat na maging sapilitan.

Mas maaga ay mas mabuti na maunawaan ito ng mga edukador ng ating bansa. Mas maaga ay mas mabuti kung magsasagawa sila ng hakkbang tungo sa pagsasakatuparan o implementasyon ng isang pangmasang sistema ng edukasyon. Pangmasa sapagkat Filipino ang wikang ginagamit ng Wikang panturo. Habang nagtatagal makikita nating ito ay higit na makabubuti sa pagpapaunlad ng masang Pilipino at mangyari pa ay ng bansang Pilipinas.

Hindi mapasubalian na ang modelo o kaisipang ito ay makapagdudulot ng kinakailangang motibasyon o insentibo upang simulan ang isang sistematiko at puspusang pagsisikap na gamitin ang Filipino bilang wikang panturo na maaaring sa dakong huli ay panturo na rin sa mga larangan tulad ng agham at teknolohiya.

14 At sa pagsisikap na ito kinakailangang lumampas tayo sa basta paglikha ng mga terminolohiya o katawagan. Ang higit na mahalaga ay ang pagpapagamit ng mga hiniiram o nilikhang mga salita. At ang tanging paraan upang ito’y maisakatuparan ay ang pagkakaroon ng malaking grupo ng mga akademsyan na siyang magsisimulang gumamit ng Filipino hindi lamang bilang wikang panturo kundi gayundin sa pagsusulat ng mga aklat sanggunian.

Maaaring sa simula ay isagawa ang pagsulat ng mga aklat sa tulong ng pagsasalin. Ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagsasaling wika sa intelektwalisasyon ng alin mang wika ay dapat maunawaan ng mga kasangkot sa pagsisikap na ito. Kaya nga’t marahil ang susunod na lawak ng riserts o pananaliksik kung paglilinang sa Filipino ang pag-uusapan ay ang pagbibigay diin sa proseso ng pagsasaling wika bilang tulong o giya sa intelektwalisasyon ng isang wika.

Nababanggit na nagampanan ng Arabic ang ganitong papel para sa wikang Griyego noong mga unang bahagi ng Middle Ages ng Griyego para sa atin noong mga huling dako at ng atin para sa mga modernong wika sa Europa kasama na ang Ingles sa sumunod na mga dantaon.

Sa kaso naman ng Ingles nakatutulong sa intelektwalisasyon ng wikang Fiilipino sa pamamagitan ng panghihiram ng mga salita at sa paggamit ng mga sangguniang mapaghanguan ng mga intelektwalisadong paksa. Sa wakas at ito ay hindi na marahil dapat bigyan ng maraming paliwanag ang intelektwalisasyon ng isang wika ay siyang dapat bigyang tuon ng mga akademisyan pagkatapos nilang magdaan sa daigdig ng panulaan at iba pang malikhaing aspekto ng wika.

At sa kaso ng Pilipinas na mayroon nang maayos na sistema ng edukasyon ang nabanggit na mga akademisyan ay matatagpuan sa ubod ng akademya o sa mga kolehiyo at unibersidad. Kaya nga’t ang mga akademisyang ito ay dapat lamang bigyan ng karampatang tangkilik at sapat na pondong kailangan nila upang makapagsagawa ng mga risert na kailangan. Karamihan ng ating mga proyektong pangwika ay hindi naipagpapatuloy dahil sa kakulangan ng pondo.

Para sa Pilipinas tinatangkilik natin ang Filipino sapagkat napapatunayan natin sa mga pag-aaral na ang wikang Ingles ay hindi tugmang wika sa intelektwalisasyon ng nakararaming mga Pilipino . Paulit-ulit nang napatunayan sa mga pag-aaral na mas mataas ang natatamong karunungan ng mag-aaral na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo.

MARAMING SALAMAT!
Tags