Mabuting Pagpapasya at Pagiging Matapat.pptx

mynaroseregala 7 views 20 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Mabuting Pagpapasya at Pagiging Matapat.pptx


Slide Content

Mabuting Pagpapasya, Palagi Kong Isasagawa

Tandaan : Ang pagsasagawa ng pagpapasya ay mahalagang bahagi ng buhay ng bawat isa. Maaaring makaranas ka ng isang sitwasyon na kailangan mong gumawa ng isang pagpapasya kaya napakahalaga na matutuhan mo ang matalino at mabuting pagpapasya .

Ang Alibughong Anak May isang mayamang lalaki na may dalawang anak na lalaki . Isang araw , ang bunso sa magkapatid ay lumapit sa kanyang ama at sinabi , Ama, ibigay mo na sa akin ang bahagi ng ari-arian na para sa akin. Kahit mabigat sa loob ng ama, ibinigay niya ang kahilingan ng kanyang bunso

Matapos matanggap ang kanyang mana, umalis ang bunso at nagpunta sa malayong lugar . Doon, nilustay niya ang kanyang kayamanan sa magarbo at makamundong pamumuhay . Sa huli , naubos ang lahat ng kanyang pera , at siya’y naghirap . Sumapit ang taggutom sa lupaing iyon , at wala siyang makain . Napilitan siyang magtrabaho bilang tagapag-alaga ng baboy , ngunit kahit pagkain ng mga baboy ay hindi niya makuha .

Napagtanto ng bunso ang kanyang pagkakamali at nagpasiyang bumalik sa kanyang ama. Sinabi niya sa sarili , Mabuti pa ang mga aliping pinakakain ng aking ama kaysa sa aking kalagayan . Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko, ‘Ama, nagkasala ako laban sa Diyos at sa inyo . Hindi na ako karapat-dapat na tawaging inyong anak ; ituring ninyo na lamang akong isa sa inyong mga alipin .'

Habang papauwi ang bunso , nakita siya ng kanyang ama mula sa malayo . Tumakbo ang ama upang salubungin siya , niyakap , at hinalikan . Sinabi ng bunso , «Ama, nagkasala ako laban sa Diyos at sa inyo . Hindi na ako karapat-dapat na tawaging inyong anak .» Ngunit hindi ito pinakinggan ng ama, at inutusan niya ang kanyang mga alipin , «Dali! Dalhan ninyo siya ng pinakamagandang damit at isuot ito sa kanya. Lagyan ng singsing ang kanyang kamay at sapatos sa kanyang mga paa . Magkatay ng pinatabang guya at tayo’y magdiwang , sapagkat ang anak kong ito ay namatay na at muling nabuhay ; nawala at nasumpungan .

Samantala , ang panganay na anak ay nasa bukid . Nang siya’y umuwi at marinig ang kasayahan , tinanong niya ang isang alipin kung ano ang nangyayari . Sinabi ng alipin , Dumating ang iyong kapatid , at pinakatay ng iyong ama ang pinatabang guya sapagkat ligtas siyang nakabalik .

Nag- init ang ulo ng panganay at ayaw pumasok sa bahay . Lumabas ang ama at nakiusap sa kanya, ngunit sumagot siya , «Ilang taon akong naglingkod sa inyo at kailanman ay hindi ko kayo sinuway , ngunit ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang kambing upang makipagdiwang kasama ang aking mga kaibigan . Ngunit dumating itong anak ninyong naglustay ng inyong ari-arian , at pinakatay ninyo ang pinatabang guya para sa kanya.

Ngunit sinabi ng ama, Anak, lagi kitang kasama at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo . Ngunit nararapat lamang na tayo’y magdiwang at magsaya , sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay na at muling nabuhay ; nawala at nasumpungan .

Basahin ang sitwasyon , pagkatapos , buuin ang dayagram para ipakita ang mabuting pagpapasya . Sitwasyon : Halimbawang isang nars ang nanay mo sa isang pampublikong ospital . Dahil sa trabaho , di inaasahang nahawa siya ng sakit na COVID-19.

PANGKATANG GAWAIN Ang bawat pangkat ay Magpakita ng sitwasyong nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung ito ay nakabubuti .

SURIING MABUTI ANG MGA LARAWAN SA IBABA AT SAGUTIN MO ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN

Ivana, Batanes

Katapatan Katapatan ang salitang mabilis mabigkas ngunit mahirap gawin . Ito ang isangkatangian ng pagkakaroon ng kapayapaan sa puso’t isipan , kasiyahan at maunlad habang ang tao ay nabubuhay , dahil sa pagiging makatotohanan niya atkailanman ay di kayang makapagsinungaling .

PAGSASANAY A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon . Isulat ang Fact kung nagpapakita ng katapatan o Bluff kung hindi . _________1. Pagsauli ng sobrang sukli sa tindahan . _________2. Hindi nagpapaalam sa magulang kapag umaalis ng bahay . _________3. Hindi pagsunod sa mga alituntunin sa loob ng tahanan . _________4. Sinasabing nagsusuot siya ng facemask kahit hindi naman kapag lumalabas ng bahay . _________5. Binibigyang pagpapahalaga ang social distancing.
Tags