Mga Simulain sa Pagkatuturo at Pagkatuto Inihanda ni : Hazel May B. Baloloy, LPT
Mga Simulaing Pandamdamin Sa set ng mga simulating pandamdamin,titingnan natin ang damdaming pansarili , ang pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalita ng wika at ang mga ugnayan sa pagitan ng kultura at wika .
Language Ego Isinasaad ng simulating ito na habang natutuhang gamitin ng tao ang wikang pinag-aralan,nagkakaroon din siya ng bagong paraan ng pag-iisip , pakiramdam at pagkilos na katulad ng taong nagsasalita ng target na wika . Ang bagong language ego na kakabit ng wikang pinag-aaralan ay lumilikha sa mga mag- aaral ng pagiging mahina ang kalooban at laging mapangatwiran .
Pagtitiwala sa Sarili (Kaya Ko Ito) Ang pinakapuso ng anumang tagumpay sa pagkatuto ng wika ay ang katotohanang may tiwala ang mag- aaral sa kanyang sariling kakayahan at naniniwala siyang mapagtagumpayan niya ang anumang gawain .
Pakikipagsapalaran Ang ikatlong simulating pandamdamin na may makabuluhang ugnayan sa naunang dalawang simulain ay maykinalaman sa kahalagahan ng pakikipagsapalaran sa kagustuhang magamit ang wika . Isinasaad ng simulaing ito na sa matagumpay na pag-aaral ng wika bahagi na nito ang pakikipagsapalaran para lamang maipahayag at maipaliwanag ang sarili sa target na wika .
Ugnayang Wika at Kultura Binibigyang-diin ng simulating ito na sa sinumang nagtuturo ng wika , kasabay niyang itinuturo ang isang sistema ng kultura at kaugalian , pagpapahalaga , paraan ng pag-iisip , pagkilos , at pagdama ng mga taong gumagamit ng target na wika .
Simulaing Sosyo-Kultural Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito . Mahalagang magkaroon ng mga kaalamang kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap . Tungkulin ng guro na ipadama sa mag- aaral na kailangan ang pagpapapahalaga sa mga karanasan pang- kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika .
Sining ng Pagkatuto Agham ng Pagkatuto Dito inilalahad ang kahalagahan sa pakikitungo ng kaalamang pangkultura sa pamamagitan ng pagtatala mula sa kaalamang pangsining kung saan itinuturo ang iba’t ibang Gawain tulad ng pagpipinta , pagsasayaw gamit ng kabuoang konsepto nito sa pagtuturo ng aralin . Sa simulaing sosyo-kultural , dito magagamit sa pagtuturo ng agham kung saan ginagamit ang pagdidiskobre ng sagot sa anumang kaalaman gamit ng ibat-ibang senses ng tao upang malaman ang sagot sa mga katanungan upang mabuo ang konklusyon . Maaaring gamitin ang group activity para may interaksiyon ang bawat isa.
Simulaing Kamalayan Nagbibigay ng pagkakataon sa mag- aaral na lubos na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura . Kailangan ng mag- aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao .
Sining ng Pagkatuto Agham ng Pagkatuto Ito ay isang kasanayan na magagamit ng isang mag- aaral ang pananalita upang maipahayag niya ang kanyang damdamin . Maaaring gamitin dito ang group activity sa pamamagitan ng pagtatalo gamit ang kaalaman sa pagpipinta kung saan inihayag ang damdamin ng nakararami o ng bawat isa. Sa pagtuturo ng agham gamit ang simulaing kamalayan , maaaring likopin ang mga kaalamang pangkaisipan habang ginaganap ang group activity. Halimbawa ay paggamit ng konklusyon ayon sa experiment ng ginagawa .
Halina’t Mag- isip Bilang isang guro , paano mo hihikayating matuto ng wika ang mga mag- aaral ?