BALIK-ARAL Panuto : Sabihin kung “ TULA” o “DULA” ang ipinakikita ng bawat pahayag .
1. Binubuo ng mga saknong at taludtod .
2. May mga yugto at tagpo .
3. Binibigyang-buhay sa entablado .
4. Gumagamit ng tugma at sukat .
5. Layuning itanghal sa mga manonood .
6. Ipinapahayag sa pamamagitan ng pagganap , kilos, at diyalogo .
7. Nakatuon sa larawang-diwa at damdamin ng makata .
8. May mga tauhan at banghay ng kuwento .
9. Madalas binibigkas nang may emosyon at ritmo .
10. Isinulat upang maipahayag ang saloobin sa malikhaing paraan .
AKTIBIDAD ( Pahina 181-182)
MGA LAYUNIN: Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan . Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito . Naisusulat ang sariling maikling kwento tungkol sa nangyayari sa kasalukuyang may kaugnayan sa mga pangyayari sa binasang kwento .
TALAS-SALITA ( Pahina 182 )
MAIKLING KWENTO
MAIKLING KWENTO Isang masining na anyo ng panitikan na naglalahad ng isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan . Isang salaysay ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan . Binabasa sa isang upuan lamang . Layunin nitong mag- iwan ng impresyon o aral sa mga mambabasa .
Mga Katangian ng Maikling Kwento May isang kakintalan o impresyon . May kaunting tauhan . May isang suliranin o tunggalian . Binabasa sa maikling panahon . May malinaw na banghay .
Mga Bahagi ng Maikling Kwento Panimula – ipinakikilala ang mga tauhan , tagpuan , at panahon . Saglit na Kasiglahan – nagsisimula ang problema .
Mga Bahagi ng Maikling Kwento Tunggalian – pakikipaglaban ng tauhan sa suliranin . Kasukdulan – pinakamataas na bahagi ng kwento .
Mga Bahagi ng Maikling Kwento Kakalasan – unti-unting nalulutas ang problema . Wakas – ang katapusan ; maaaring masaya , malungkot , o bitin .
Mga Elemento ng Maikling Kwento Tauhan – mga gumaganap sa kwento . Tagpuan – lugar at panahon ng mga pangyayari . Banghay – pagkakasunod-sunod ng pangyayari . Suliranin – problema ng pangunahing tauhan . Paksang Diwa – tema o mensaheng nais ipabatid .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Maikling Kwento Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kwento . ➤ Pumili ng paksang kawili-wili , makabuluhan , at may aral upang maging kapana-panabik ang iyong kwento .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Maikling Kwento Makatotohanang mga tauhan para sa kwento . ➤ Lumikha ng mga tauhang may malinaw na personalidad at emosyon upang madama ng mambabasa ang kanilang karanasan .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Maikling Kwento Angkop ang tagpuan para sa iyong kwento . ➤ Itakda ang lugar at panahon na babagay sa tema at damdaming nais mong ipakita sa kwento .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Maikling Kwento Uri ng pananaw o paninging gagamitin sa kwento . ➤ Piliin kung sino ang nagsasalaysay — ang mismong tauhan ba o isang tagamasid — upang maging malinaw ang daloy ng pagsasalaysay .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Maikling Kwento Ang epektibong banghay ng iyong susulatin . ➤ Ayusin nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas upang maging buo at malinaw ang kwento .
Ang Kwento ng Isang Oras n i Kate Chopin ( Pahina 183-186)
DIKTASYON NA AKTIBIDAD
Sagutin ( Pahina 187-188)
Subukan Pa ( Pahina 189-190)
POKUS NG PANDIWA
- ay ang kaugnayan ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa paksa ng pangungusap . Sa pamamagitan nito , natutukoy kung ang paksa ba ay ang mismong gumagawa ng kilos, nakikinabang sa kilos, pinaggaganapan ng kilos, o sanhi ng kilos.
POKUS SA TAGAGANAP
- ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap sa kilos , sumasagot sa tanong na “SINO ANG GUMAGAWA NG KILOS?” Ang pandiwang nasa ganitong pokus ay karaniwang ginagamitan ng mga panlaping ; mag- , nag- , - um- , mang - , ma- , maka - , makapag - , maki - , magpa -
Halimbawa : Ang pangulo ay nagtatalumpati .
Halimbawa : Pumapalakpak ang mga mambabatas na nakikinig sa usapan .
Halimbawa : Masisiglang bumati ang mga bata .
POKUS SA LAYON
- ang paksa ng pangungusap ay ang layon o ang tuwirang tumatanggap ng kilos sumasagot sa tanong na “ANO ANG GINAWA SA PAKSA ?” Ang pandiwang nasa ganitong pokus ay karaniwang ginagamitan ng mga panlaping ; - in- , - i - , - ipa - , ma- , - an
Halimbawa : Ang palay ay inani ng mga magsasaka .
Halimbawa : Binili nila ang ani ng mga magsasaka.
Halimbawa : Nilinis nila ang bakuran ng paaralan .
AKTIBIDAD ( Pahina 146-147)
AKTIBIDAD ( Pahina 146-147)
TAKDANG ARALIN Panuto : Nalaman mo mula sa binasang teksto ang mga hakbang at mga paraan sa pagsulat ng maikling kwento . Gamitin mo ngayon ang natutuhan mula rito sa pagbuo ng sarili mong kwento . Maaari kang gumamit ng paksang kaugnay ng diskriminasyon o anumang paksang napapanahon . Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan para sa susulating maikling kwento . ( Pahina 199)
RUBRIKS: Pamantayan Deskripsyon Puntos 1. Paksa at Kaisipan Malinaw, makabuluhan, at orihinal ang paksa; nagpapakita ng mensaheng kapupulutan ng aral. 10 pts 2. Banghay (Simula, Gitna, Wakas) Kumpleto at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; may malinaw na simula, kasukdulan, at wakas. 10 pts 3. Tauhan at Tagpuan Malinaw ang paglalarawan ng mga tauhan at tagpuan; akma sa tema at nakatutulong sa pag-unlad ng kwento. 8 pts 4. Estilo ng Paglalahad Wasto ang paggamit ng wika, may angkop na tono, at masining ang pagkakabuo ng mga pangungusap. 8 pts 5. Kreatibidad at Orihinalidad Ipinapakita ang malikhaing pag-iisip, kakaibang ideya, at sariling estilo ng may-akda. 7 pts 6. Wastong Balarila at Ispeling Tama ang paggamit ng gramatika , bantas , at baybay ; hindi nakakaapekto sa kabuuang diwa ng kwento . 5 pts 7. Pangkalahatang Presentasyon Malinis, maayos, at sumusunod sa hinihinging pormat (hal. pamagat, bilang ng talata, atbp.). 2 pts