MAIKLING KUWENTO Isang uri ng panitikan na may iisang kakintalan o impresyon . Maikli at masining na naglalahad ng mga pangyayari . Si DEOGRACIAS A. ROSARIO ang ama ng maikling kuwento sa Pilipinas , habang si EDGAR ALLAN POE naman ang itinuturing na maikling kuwento sa daigdig .
Tatlong Bahagi ng Maikling Kuwento Simula Ipinapakilala ang mga tauhan , tagpuan , at ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan . Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan , tunggalian , at kasukdulan . Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan , at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento . Gitna Wakas
TAUHAN Ito ay tumutukoy sa mga panauhing karakter sa kwento .
TAGPUAN Ito ay tumutukoy sa lugar o panahon na pinagganapan ng kuwento .
BANGHAY Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento . Mayroong limang (5) bahagi ang banghay :
PANIMULA Kung saan at paano nagsimula ang kwento .
SAGLIT NA KASIGLAHAN Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento .
KASUKDULAN Pinakamataas na kapanabikan .
KAKALASAN Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema .
WAKAS Kung paano nagwakas o nagtapos ang kuwento .
KAISIPAN Mensahe ng maikling kuwento sa mambabasa .
SULIRANIN Problemang kinahaharap ng tauhan sa kuwento .
TUNGGALIAN Ito ay maaaring tao laban sa tao , tao laban sa sarili , tao laban sa lipunan , o tao laban sa kalikasan .