Quarter 2 Week 4 MAKABANSA 1 1. Ang mga kasapi ng pamilya 2. Mga gawain ng kasapi ng pamilya
Magandang umaga , Grade 1!
Hula- Piktyur Panuto : May ipapakita akong mga larawan . Tingnan ninyong mabuti at sabihin ninyo kung sino ang nasa larawan o ano ang ginagawa nila .
Sino ang nakikita ninyo ? Ano kaya ang ginagawa niya ?
Sino naman ito ? Ano ang ginagawa niya ?
Sino- sino naman sila ? Ano ang kanilang ginagawa niya ?
Ang lahat ng inyong nakita ay mga kasapi ng ating pamilya . Ang bawat isa sa kanila ay may mahalagang papel at gawain .
Mga Kasapi Ng Pamilya At Ang Kanilang Mga Gawain.
Ano ang mga salitang ginagamit niyo sa pagtawag sa mga kasapi ng inyong pamilya ? Nanay Lola Mama Kuya Ate Kapatid Tatay Bunso Lolo Tiya Tiyo
Ang bawat pamilya ay espesyal at natatangi . May mga pamilya na kasama rin sina Lolo at Lola, o Tito at Tita . Kahit magkakaiba ang miyembro ng ating pamilya , iisa lang ang mahalaga , ang pagmamahalan natin sa isa't isa.
Sino- sino naman ang miyembro ng inyong pamilya ? Anong mga gawain ang ginagawa nila ?
Panuto : Tukuyin ang kasapi ng pamilya na inilalarawan sa bawat pangungusap . Pumili ng sagot sa kahon . _____1. Tawag sa pinakamatandang kapatid na lalaki . _____2. Tawag sa pinakamatandang kapatid na babae . _____3. Tawag sa pinakabatang kapatid . _____4. Tawag sa kasapi ng pamilya na nag- aalaga sa magkakapatid . _____5. Tawag sa kasapi ng pamilya na tumutukoy sa babae o lalake na kaparehas mo ng magulang . kuya nanay bunso kapatid ate
1. Sino ang mga miyembro ng iyong pamilya ? 2. Bakit mahalaga ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa? 3. Paano makakatulong ang bawat isa sa pamilya upang maging masaya ang tahanan ?
Panuto : Iguhit ang bawat kasapi ng iyong pamilya sa family chart. Isulat ang pangalan ng bawat miyembro .