Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Natutukoy ang mga iba't ibang kasuotan na ginagamit ng tao bayan/lungsod, lalawigan o rehiyon. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kasuotan sa klima at pamumuhay sa kinabibilangang bayan/lungsod, lalawigan o rehiyon
Ano-anong lugar ang makikita sa larawan?
Ano-anong lugar ang makikita sa larawan?
Ano-anong lugar ang makikita sa larawan?
Sa tingin ninyo, magkakapareho kaya ang mga isinusuot na damit sa mga lugar na iyan? Bakit?
Ang layunin ng ating aralin ay: Natutukoy ang mga iba't ibang kasuotan na ginagamit ng tao bayan/lungsod, lalawigan o rehiyon Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kasuotan sa klima at pamumuhay sa kinabibilangang bayan/lungsod, lalawigan o rehiyon
Ipakikilala ang sumusunod na salita at gagamitin niya ang mga ito sa pangungusap.
Ang kasuotan ay tumutukoy sa mga damit, bihisan, o mga isinusuot ng tao upang takpan ang katawan. Ang kasuotan ay nakadepende sa kultura, panahon, at okasyon.
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng kasuotan na makikita sa kinabibilangang bayan/lungsod, lalawigan o rehiyon
Sinauang Kasuotan ng mga Tagalog
Pamprosesong tanong: 1. Ano ang makikita sa mga larawan? 2. Saan ninyo ito makikita? 3. Sino-sino sa tingin ninyo ang nagsusuot ng ganitong kasuotan sa ating rehiyon? 4. Ano ang tawag sa mga kasuotang ito?
Pamprosesong tanong: 5. Sa bayan o lalawigan, ano-ano ang mga karaniwang kasuotan na ginagamit?
Ang mga nakitang larawan ay tumutukoy sa halimbawa ng mga kasuotan sa ating rehiyon.
Narito ang halimbawa: Bahag – ay isang uri ng katutubo at sinaunang kasuotan ng iba’t ibang pangkat etniko sa Pilipinas. Ito ay isang uri ng tapis na isinusuot ng mga lalaki
Ang kasuotan ay nakadepende sa kultura, panahon, at okasyon. Ang kultura at kapaligiran ay may malaking impluwensiya sa paraan ng pagbibihis o pananamit ng isang tao. Ang mga damit ay maaaring magpahayag ng:
Pagkakakilanlan: Ang mga katutubong damit ay nagpapakita ng pagmamalaki sa kanilang kultura at pinagmulan. Halimbawa, ang mga bahag ng mga lalaking Ifugao o iba pang pangkat etniko sa ating bayan, lalawigan o rehiyon.
Paniniwala: Ang mga relihiyon ay may mga partikular na kasuotan na isinusuot sa mga espesyal na okasyon, tulad ng mga damit ng mga pari o madre.
Tradisyon: Ang mga tradisyonal na kasuotan ay madalas na isinusuot sa mga espesyal na okasyon tulad ng kasal o mga pista.
Klima: Mas magaan at mas maiksing damit ang isinusuot upang maging komportable kung sa mainit na panahon. Samantalang, mas mabibigat at mas mahabang damit ang isinusuot tuwing malamig at tag-ulan na panahon.
Trabaho: Ang mga damit na isinusuot sa trabaho ay depende sa uri ng trabaho at sa lugar ng trabaho.
Paano natin maipapakita ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga kasuotan sa ating lalawigan/rehiyon sa ibang mga lugar?
Bakit mahalagang malaman ang kaugnayan ng kasuotan sa ating kultura at kapaligiran?
Iguhit ang pinapangarap mong kasuotan na nababagay sa ating kultura at panahon.