MAKABANSA W1Q1 day 2 BASED ON THE K TO 12 REVISED CURRICULUM
AraMaeAManabat
5 views
25 slides
Sep 03, 2025
Slide 1 of 25
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
About This Presentation
MAKABANSA WEEK 1 DAY 2
Size: 455.84 KB
Language: none
Added: Sep 03, 2025
Slides: 25 pages
Slide Content
LINGGO 1 IKALAWANG ARAW Mga Elemento ng Kasaysayan
LINGGO 1 IKALAWANG ARAW Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Naiisa-isa ang mga elemento ng kasaysayan a. Tao b. Lugar c. Panahon d. Pangyayari
Panimulang Gawain PINOY HENYO 1. Pumili ng tatlong pares sa mga mag- aaral . 2. Bawat pares ay pipili ng huhula sa kanilang dalawa at ang isa naman ay ang sasagot lamang ng " oo ", " hindi ", o " siguro " sa mga tanong ng huhula . Ang mga kategorya ay tao , lugar , petsa , at pangyayari .
Panimulang Gawain PINOY HENYO 1. Pumili ng tatlong pares sa mga mag- aaral . 2. Bawat pares ay pipili ng huhula sa kanilang dalawa at ang isa naman ay ang sasagot lamang ng " oo ", " hindi ", o " siguro " sa mga tanong ng huhula . Ang mga kategorya ay tao , lugar , petsa , at pangyayari .
Panimulang Gawain PINOY HENYO Ang limitasyon ng oras ay dalawang minuto . Ang pares na may pinakamabilis na oras ang mananalo.
Paglalahad ng Layunin ng Aralin Sa aralin natin sa araw na ito, inaasahan na naiisa-isa ang mga elemento ng kasaysayan. a. Tao b. Lugar c. Panahon d. Pangyayari
Sino Ano Kailan Saan Pag- unawa sa mga Susing Salita/ Parirala Ano ang makukuha nating sagot mula sa mga ito?
Sino Ano Kailan Saan Pag- unawa sa mga Susing Salita/ Parirala tao PANGYAYARI PANAHON/PETSA LUGAR elemento ng kasaysayan
Pag- unawa sa mga Susing Salita/ Parirala Ang mga elemento ng kasaysayan ay karaniwang tumutukoy sa mga pangunahing bahagi na ginagamit ng mga historyador upang suriin at bigyang-kahulugan ang mga nakaraang pangyayari.
Pag- unawa sa mga Susing Salita/ Parirala Ang mga elementong ito ay tumutulong sa pagsusuri at pag-unawa sa nakaraan sa isang organisado at makabuluhang paraan.
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Ipakita ang larawan ng monumento o bantayog ni Andres Bonifacio Tala sa Guro: Gumamit ng makasaysayang monumento o bantayog sa kinabibilangang pook ( maaaring barangay, bayan, lungsod , lalawigan , o rehiyon ).
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Tingnan ang nasa larawan Monumento ni Andres Bonifacio
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Basahin : Teksto mula sa Panandang Pangkasaysayan ni Andres Bonifacio sa Tutuban , Maynila.
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Andres Bonifacio (1863-1897) Isinilang sa pook na ito noong Ika-30 ng Nobyembre , 1863. Lumaki sa pagdaralita ngunit natuto sa sariling pagsisikap at likas na katalinuhan . Lumabas sa mga dulang Tagalog sa pamamahala ng Teatro Porvenir sa
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Trozo . Itinatag ang mapanghimagsik na Katipunan nang mga Anak nang Bayan noong Ika-7 ng Hulyo, 1892 na ang layo’y makamtan ang kasarinlan ng bayan. Namuno sa paghihimagsik laban sa mga Kastila noong 1896 na humantong sa Republika ng Pilipinas noong 1898.
Pagbasa /Pag- unawa sa Susing Ideya Namatay sa Kabite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan Mga Tanong : 1. Sino ang kinikilala o binibigyang-halaga sa monumento na makikita sa larawan ? 2. Saan makikita ang monumentong ito ni Andres Bonifacio? Ano ang kaugnayan ng lugar na ito sa kaniya ?
Pagpapaunlad ng Kaalaman at Kasanayan 3. Kailan siya ipinanganak ? Ano- anong mahahalagang panahon sa buhay ni Andres Bonifacio ang inilahad sa panandang pangkasaysayan ? 4. Bakit kinikilala o binibigyang-halaga si Andres Bonifacio hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa ? Ano- ano ang nagawa niya para sa bayan?
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Magbigay ng isa pang makasaysayang pook sa kinabibilangang komunidad ( maaaring sa barangay, bayan, lungsod , lalawigan , o rehiyon ) at ipagawa sa mga mag- aaral ang graphic organizer.
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Tala sa Guro: Maglaan ng teksto patungkol sa makasaysayang lugar sa kinabibilangang pook ( maaaring sa barangay, bayan, lungsod , lalawigan , o rehiyon ) na susuriin ng mga mag- aaral .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Ang Dambanang Aguinaldo ay isang pambansang dambana ng Republika ng Pilipinas , na tumutukoy sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit , Kabite . Sa balkonahe ng bahay inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Kasabay din nito ang unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas at pagtugtog ng Lupang Hinirang .
Pagpapalalim ng Kaalaman at Kasanayan Punan ang talahanayan . MAHALAGANG PANGYAYARI SA AMING KOMUNIDAD Sino ang tampok sa pangyayari ? Ano ang naganap ? Kailan ito naganap ? Saan ito naganap ? Bakit ito naganap ?
Paglalapat at Paglalahat Mga Tanong : 1. Ano- anong elemento ng kasaysayan ang ginamit ninyo upang suriin at bigyang-kahulugan ang mga nakaraang pangyayari ? 2. Kapag may nakita kayong monumento o bantayog sa inyong kinabibilangang pook , ano ang dapat ninyong gawin ?
Pagtataya Ang gawain patungkol sa “ Mahalagang Pangyayari sa Aming Komunidad ” ang magsisilbi na ring pagtataya ng natutuhan ng mga mag- aaral .