Aralin : Mga Halimbawang Teksto ng mga Batikan / Kilalang Lokal at Banyagang Manunulat
Ang panitikan ay salamin ng kaluluwa ng isang bayan. Sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat , naipapahayag ng mga manunulat ang kanilang damdamin , pananaw , at karanasan . Sa araling ito , kikilalanin natin ang ilang mga batikan at kilalang manunulat mula sa Pilipinas at ibang bansa , pati na rin ang mga halimbawa ng kanilang akda .
Lokal na Manunulat (Pilipino) Dr. Jose Rizal Halimbawa ng Teksto : "Noli Me Tangere" Uri: Nobela Buod : Isinulat bilang isang komentaryo sa katiwalian ng mga prayle at pamahalaan noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Kahalagahan : Nagbigay -sigla sa damdaming makabayan at pagkilos para sa kalayaan .
Nick Joaquin Halimbawa ng Teksto : "May Day Eve" Uri: Maikling Kwento Tema: Pag- ibig , alaala , at kabiguan Kahalagahan : Nagpapakita ng kolonyal na impluwensiya sa kulturang Pilipino at ang papel ng alaala sa paghubog ng realidad .
5 Lualhati Bautista Halimbawa ng Teksto : " Dekada ‘70” Uri: Nobela Tema: Karapatang pantao , Martial Law Kahalagahan : Sumasalamin sa mga suliraning panlipunan at politikal noong panahon ng diktadura .
Banyagang Manunulat
7 William Shakespeare ( Inglatera ) Halimbawa ng Teksto : "Romeo and Juliet“ Uri: Dulang Trahedya Tema: Pag- ibig , kapalaran , trahedya Kahalagahan : Isa sa mga haligi ng klasikong panitikan sa Kanluran ; tumatalakay sa universal na tema ng pag-ibig at hidwaan .
8 Leo Tolstoy ( Rusya ) Halimbawa ng Teksto : "Anna Karenina“ Uri: Nobela Tema: Pag- ibig , lipunan , at moralidad Kahalagahan : Masusing paglalarawan ng lipunang Ruso at mga moral na usapin sa personal at pampublikong buhay .
9 Gabriel Garcia Marquez (Colombia) Halimbawa ng Teksto : "One Hundred Years of Solitude“ Uri: Nobelang Realismo Magiko Tema: Kasaysayan , pamilya , politika Kahalagahan : Tagapagsimula ng realismo magiko sa Latin America; isang epikong pagsasalaysay ng isang bayan at lahi .
A. Pagpapalalim:Pumili ng isang akda mula sa listahan sa itaas . Sumulat ng maikling repleksyon (150–200 salita ) kung paano ito nakaapekto sa iyong pag-unawa sa kasaysayan o sa tao .
TULA
12 isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin , saloobin , o kaisipan ng makata sa malikhaing paraan . Ito ay maaaring tumalakay sa pag-ibig , kalikasan , lipunan , kabataan , kabayanihan , at iba pa. Ang tula ay hindi lamang basta pagsasama-sama ng salita — ito ay may lalim at estruktura .
13 Mga Esensyal na Elemento o Sangkap ng Tula: 1. Saknong Ito ang grupo ng mga taludtod . Parang talata sa prosa . Halimbawa : 1 saknong na may 4 na taludtod (quatrain). 2. Taludtod ( Linya ) Ito ay bawat linya sa loob ng saknong .
3. Sukat Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod . Halimbawa : 12 pantig – lalabindalawahin 8 pantig – lalabindalawahin 4 pantig – lalabing-apatin 4. Tugma Pagkakaroon ng magkatunog na salita sa hulihan ng bawat taludtod . Dalawang uri : Tugmang ganap – eksaktong tugma ng tunog Tugmang di- ganap – halos magkatunog
5. Kariktan Kagandahan ng mga salita sa tula . Gumagamit ng tayutay , talinghaga , at matatalinghagang pahayag . 6. Talinghaga Malalim o makasining na pahayag na may di- tuwirang kahulugan . Nagbibigay hiwaga at lalim sa tula .
7. Persona Ang " tinig " o nagsasalita sa tula . Hindi palaging ang makata ang nagsasalita — maaaring ibang karakter . 8. Larawang-diwa (Imagery) Naglalarawan ng matingkad na imahen sa isipan ng mambabasa . Nagpapasigla ng imahinasyon .
Mga Elemento ng mga Tiyak na Anyo ng Kumbensyunal na Tula
18 Mga Tiyak na Kumbensyunal na Anyo ng Tula Tanaga Katangian : Tula ng mga katutubong Tagalog 4 na taludtod , 7 pantig bawat linya May tugma at metapora 2. Diona – 3 taludtod , 7 pantig bawat taludtod , may tugma . 3. Haiku ( mula sa Hapon ) – 3 taludtod na may sukat na 5-7-5 pantig .
19 Soneto – 14 na taludtod , karaniwang naglalahad ng damdamin o pilosopiya sa buhay .
Mga Elemento ng Kumbensyunal na Tula
21 1. Rima / Tugma Pagkakatulad ng tunog sa hulihan ng bawat taludtod . Halimbawa : Ako'y lumuluhang saksi sa dilim , Dahil sa iyong mata'y may lihim . 2. Sukat / Medida Bilang ng pantig sa bawat taludtod . Karaniwan : 12 ( lalabindalawahin ), 16, o 8. Ginagamit upang magkaroon ng musika o ritmo
22 3. Metapora Paggamit ng matalinghagang pananalita upang ipahayag ang damdamin o kaisipan . Halimbawa : Ang puso niya'y yelo sa ginaw ng iyong paglisan .
23 Malayang Taludturan Ito ay uri ng tula na hindi sumusunod sa sukat o tugma . Mas malaya sa estruktura at porma .
24 Mga Elemento ng Malayang Taludturan : Line at Line Break Linya ng tula at kung paano ito pinipili kung saan puputulin . Mahalaga sa pagbibigay-diin o emosyon . 2. Enjambment Pagpapatuloy ng diwa mula sa isang taludtod patungo sa susunod nang hindi humihinto . Halimbawa : Huminto ang ulan ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ng puso ko. 3. Metapora Kahit walang pormal na sukat o tugma , nananatili ang paggamit ng tayutay .
25 Iba pang Eksperimental na Teksto C.1. Typography Uri ng tula kung saan ang anyo o porma ng teksto sa pahina ay bahagi ng mensahe . Halimbawa : ang hugis ng tula ay puso, bituin , o alon . 2. Genre-Crossing Texts Pagsasanib ng ibang anyo ng panitikan sa tula tulad ng: Prose poem – tulang anyong prosa pero may poetic devices. Performance poetry – tulang isinasadula o sinasalita , may emosyon , kilos, o musika .
Teknik at Kagamitang Pampanitikan
27 Ang teknik at kagamitang pampanitikan ay tumutukoy sa mga paraan o estilo ng isang manunulat sa pagpapahayag ng kanyang ideya o damdamin . Ginagamit ito upang : Mapatingkad ang mensahe ng tula o akda Makalikha ng imaheng pampanitikan Makaapekto sa emosyon at isipan ng mambabasa
28 Karaniwang Teknik at Kagamitang Pampanitikan : Teknik/ Kagamitan Kahulugan Halimbawa Metapora Paggamit ng tuwirang paghahambing na hindi gumagamit ng "parang", " gaya ng" "Ang puso ko’y yelo sa lamig ng iyong titig." Simili Paghahambing gamit ang mga salitang “parang,” “ gaya ng,” “ tila ,” “ kawangis ” "Parang ibong walang pugad ang aking kaluluwa ."
29 Karaniwang Teknik at Kagamitang Pampanitikan : Teknik/ Kagamitan Kahulugan Halimbawa Personipikasyon Pagbibigay-katauhan sa mga bagay " Umiyak ang langit sa aking pag-alis ." Aliterasyon Pag- uulit ng tunog sa simula ng mga salita " Sariwa sa saya ang simoy ng silangan ."
30 Karaniwang Teknik at Kagamitang Pampanitikan : Teknik/ Kagamitan Kahulugan Halimbawa Ironiya Balintunang pahayag ; kabaligtaran ng inaasahan "Ganda ng panahon — habang binabaha tayo." Pag- uulit ( Anapora / Epistrope ) Inuulit ang mga salita sa unahan o dulo ng mga taludtod "Ikaw ang aking gabi. Ikaw ang aking araw."