ClaudinejannettePara
9 views
18 slides
Aug 27, 2025
Slide 1 of 18
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
About This Presentation
Maslow
Size: 55.75 KB
Language: none
Added: Aug 27, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
TANONG: π Ano ang mga bagay na KAILANGAN mo para mabuhay araw-araw ? SAGOT: Pagkain , tubig , tulog , bahay , pahinga at iba pa.
β Ang mga bagay na kailangan ng tao ay hindi lang pagkain . Ayon kay Abraham Maslow , ang mga tao ay may limang antas ng pangangailangan β at bawat isa ay kailangang matugunan , mula sa pinakapayak hanggang sa pinakamataas .β
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow
Panganailangang Pisyolohikal ( Unang Antas ) - Kailangan ng katawan para mabuhay . - Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay .
Mga Halimbawa ng Pisyolohikal na Pangangailangan : Pagkain β para may lakas at enerhiya Tubig β para hindi ma-dehydrate Hangin β para makahinga Tulog β para makapagpahinga ang katawan Kasuotan β proteksyon sa init , lamig , at ulan Tirahan β para may matulugan at masilungan
2. Kaligtasan ( Seguridad ) β Ikalawang Antas Kapag busog na ang isang tao at natugunan na ang kanyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain , tubig , at tulog , ang susunod niyang hinahanap ay kaligtasan o seguridad . βGusto ng tao na maging ligtas , panatag , at walang takot .β
Mga Halimbawa ng Kaligtasan : Bahay na matibay β hindi madaling pasukin ng magnanakaw o masira ng bagyo May pulis o tanod sa paligid β may nagbabantay sa kaligtasan ng lugar Alaga ng magulang β ginagabayan ka , pinoprotektahan May gamot o check-up β inaalagaan ang kalusugan Trabaho ng magulang β para may panggastos araw-araw S aradong pinto β para ligtas sa loob ng bahay
Bakit ito mahalaga ? Kapag ang isang tao ay hindi ligtas o laging takot , hindi siya makakaisip ng maayos , hindi siya makakapag-aral o makakatrabaho ng maayos . Kaya bago siya makipagkaibigan o abutin ang pangarap , kailangan muna niyang maramdaman na ligtas .
Kapag ang tao ay busog na at ligtas na , ang susunod niyang hinahanap ay pagmamahal at pakikipagkaibigan . 3. Pangangailangang Panlipunan ( Ikatlong Antas ) βGusto ng tao na may kasama , kausap , at taong nagmamahal sa kanya .β
Mga Halimbawa : * Pamilya β mga taong nag- aalaga at sumusuporta sa atin * Kaibigan β kalaro , kaklase , o taong nakakakwentuhan * Kasintahan o taong espesyal * Pakikilahok sa gawain β sumasali sa school program, group work, o sports * Pakikipagkaisa sa iba β pagtutulungan , pakikisama
Bakit ito mahalaga ? Ang tao ay likas na panlipunang nilalang . Hindi tayo masaya kapag mag- isa lang tayo palagi . Kapag walang kausap , walang sumusuporta , o walang nagmamahal sa atin , puwede tayong makaramdam ng lungkot , stress, o pagkaligalig .
4. Pagkamit ng Respeto ( Ikaapat na Antas ) Gusto ng tao na mapuri , mapansin , at magkaroon ng tiwala sa sarili . Kapag ang tao ay may kaibigan , pamilya , at pakikisama , ang susunod niyang hinahanap ay ang pagkilala sa kanyang kakayahan β mula sa sarili at sa ibang tao .
Mga Halimbawa : Medalya o Gantimpala β dahil sa pagsusumikap Papuri mula sa guro o magulang β β Magaling ka !β Pagtanggap ng iba β hindi ka inaapi o tinutuligsa Tiwala sa sarili β naniniwala sa sariling kakayahan Pagka -proud sa sarili β β Nagawa ko βto!β
Bakit ito mahalaga ? Kapag nararamdaman ng tao na wala siyang halaga , hindi siya pinapansin , o lagi siyang nabibigo , bumababa ang tiwala niya sa sarili . Maaaring siyang mahiya , mawala ang kumpiyansa , o hindi na mangarap .
Kapag natugunan na ng tao ang lahat ng mas mababang pangangailangan β mula sa pagkain , kaligtasan , pakikisama , at respeto β doon niya mararating ang ganap na pag-unlad ng sarili . 5. Kaganapan ng Pagkatao (Ikalimang Antas β Pinakamataas) βIto ang antas kung saan ginagawa ng tao ang kanyang buong kakayahan at kabutihan , hindi lang para sa sarili kundi para sa iba .β
Mga Halimbawa : Pag-abot ng pangarap β tulad ng pagiging guro , doktor , o artist Pagtulong sa iba kahit walang kapalit Ginagamit ang talento para magbigay-inspirasyon Pagtulong sa matanda o nangangailangan Tiwala sa sarili pero hindi nagyayabang Totoo sa sarili β hindi nagpapanggap o nanggagaya
Katangian ng Tao sa Antas na Ito: Hindi naiinggit sa iba Marunong makinig at umunawa Nagpapakatao at marunong magpakumbaba Masaya kahit simple lang ang buhay Marunong tumanggap ng pagkatalo
Ang tao ay may sunod-sunod na pangangailangan . Kapag natugunan ang basic needs, saka lamang siya makakakilos patungo sa mas mataas na layunin sa buhay .