Paggamit ng Matatalinghagang Salita Idyoma at Tayutay
Idyoma • Lipon ng mga salitang may nakatagong kahulugan. • Naiintindihan lamang kapag ginagamit sa konteksto. Halimbawa: - Mabigat sa bulsa → mahirap tustusan - Butas ang bulsa → walang pera - Iligtas sa bituka ng lupa → iligtas sa tiyak na kapahamakan
Pagtutulad (Simile) • Paghahambing gamit ang gaya ng, tulad ng, parang, tila atbp. Halimbawa: - Ang kanyang ngiti ay tila araw sa umaga. - Ang pag-ibig niya ay sinlalim ng dagat.
Pagwawangis (Metapora) • Tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang panghambing. Halimbawa: - Ang kanyang tinig ay musika sa aking pandinig. - Ang buhay ay guryon: marupok, malikot.
Pagtatao (Personipikasyon) • Pagbibigay-katangian ng tao sa bagay na walang buhay. Halimbawa: - Humihikbi ang mga ulap. - Sumasayaw ang mga puno sa ihip ng hangin.
Pagmamalabis (Hyperbole) • Eksaheradong paglalarawan. Halimbawa: - Umagos ang luha sa kanyang mga mata. - Nawasak ang puso ko nang siya ay lumisan.
Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche) • Pagbanggit ng bahagi para sa kabuuan o kabuuan para sa bahagi. Halimbawa: - Maraming ulo ang dumalo sa konsiyerto. - Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.
Pagpapalit-Tawag (Metonymy) • Paggamit ng kaugnay na katawagan. Halimbawa: - Uminom siya ng isang baso (ang tinutukoy: tubig). - Magmamana ng korona ng kaharian ang prinsipe.
Pagtawag (Apostrophe) • Pakikipag-usap sa isang bagay na tila kaharap. Halimbawa: - O, Bituin! Gabayan mo ako. - Mahiganting Langit! Ibagsak ang bangis sa mga mapang-api.
Paghihimig (Onomatopoeia) • Mga salitang kumakatawan sa tunog. Halimbawa: - "Aw! Aw!" ang tahol ng aso. - "Tik! Tak! Tik! Tak!" sabi ng orasan.
Pag-uulit (Aliterasyon) • Pag-uulit ng tunog o pantig sa simula ng salita. Halimbawa: - Sa hirap at hapdi, siya’y hindi bumitiw. - Kasal, Kasali, Kasalo ang unang pelikulang nagkasama sila.
Tanong Retorikal • Tanong na hindi inaasahang sagutin. Halimbawa: - Hanggang kailan kaya ako maghihintay? - Nasaan ka, Hustisya?