Mathematics 3 Quarter 3 / Week 1 / Day 1 TERESA P. FELICILDA Teacher
Aralin : Mga bilang ng Even at Odd.
Si Rianne ay may anim (6) na hotdog. Nais niya itong ibahagi sa kanyang pinsan na si Klyde . Kung ito ay hahatiin ng pantay , ilang hotdog ang matatanggap ng bawat isa ? Kung hinati ang anim sa dalawa(2), pantay ba ang bilang ng natanggap ng bawat isa ? Ilang hotdog ang natanggap ng bawat isa ? __________ opo 3 6 Even number Rianne Klyde
Ngayon naman tingnan natin kung ang walong (8) donut ay mahahati sa dalawa ng pantay. Nahati ba ng pantay sa dalawa ang walong (8) donut? Ilang donut ang natanggap ng bawat isang bata ? opo 4 8 Even number
Ano ang Even number ? Ang Even Number ay ang bilang na mahahati sa dalawa ng pantay . Ito ay mga bilang na nagtatapos sa : 2 4 6 8 Halimbawa : 50 72 124 256 438
Kung pito (7) ang bilang ng hotdog, ito ba ay mahahati sa dalawa ng pantay ? Nahati ba ng pantay sa dalawa ang pitong (7) hotdog? Ilang hotdog ang sumobra ? ___________ Hindi po 1 7 Odd number
Ngayon naman tingnan natin kung ang siyam (9) na donut ay mahahati sa dalawa ng pantay. Nahati ba ng pantay sa dalawa ang siyam (9) na donut? Ilang donut ang sumobra ? Hindi po 1 9 Odd number
Ano ang Odd number ? Ang Odd Number ay ang bilang na hindi mahahati sa dalawa ng pantay . Ito ay mga bilang na nagtatapos sa : 1 3 5 7 9 Halimbawa : 51 73 125 257 439
T andaan Ang even numbers ay mga bilang na nagtatapos sa 0, 2, 4, 6 at 8. Ito ay mga bilang na maaaring hatiin sa dalawa ng pantay . Ang odd numbers ay mga bilang na nagtatapos sa 1, 3, 5, 7 at 9. Ito ay mga bilang na hindi maaaring hatiin sa dalawa ng pantay .