mga bahagi ng sanaysay alternative learning system
nanomaki1990
5 views
21 slides
Sep 03, 2025
Slide 1 of 21
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
About This Presentation
ls 1 filipino
Size: 74.69 KB
Language: none
Added: Sep 03, 2025
Slides: 21 pages
Slide Content
Mga bahagi ng sanaysay
Dalawang uri ng sanaysay Pormal na Sanaysay Tinatawag ding maanyo sa kadahilanang ito ay hindi lamang tumutukoy sa kahit anong paksa lamang . Ito ay dapat pinag-aralan , pinag-ukulan ng matinding pagsasaliksik upang mabigyang linaw ang paksang nais talakayin ng may akda .
Isa pang katangian ng pormal o maanyong sanaysay ay ang pagiging kumprehensibo nito . Hindi lang dapat puro personal na opinyon ang nilalaman ng isang pormal na sanaysay , kundi nakabatay sa isang malawakang hagap . Kung hindi man, kahit papaano'y dapat may pinagbabasehan ang bawat kurokuro na ipinapabatid sa sanaysay . Isa pa, mas mahigpit ang pamantayan ng paggamit ng mga salita sa pormal na sanaysay .
Isang halimbawa ng mga maanyong sanaysay ay ang pinapagawa sa iba't ibang paaralan tuwing may isinasagawang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay . Kadalasan , may isang partikular na tema kung saan lamang dapat iikot ang nilalaman ng sanaysay na isusulat ng mga kalahok .
2. Impormal o Di pormal na Sanaysay maituturing na mas malaya kung ang pag-uusapan ay ang mga paksang maaaring talakayin at ang mga salitang maaaring gamitin .
Kung ang natatanging layunin ng pormal na sanaysay ay magbigay linaw sa isang itinakdang paksa , ang layunin naman ng impormal na sanaysay ay magbigay-aliw sa mga mambabasa o magbahagi ng sariling opinyon o karanasan tungkol sa isang bagay
Ang mga paksang maaaring gamitin sa uri ng sanaysay na ito ay mas malawak , mula sa mga araw-araw na isyu hanggang sa mga personal na karanasan . Maliban pa sa nasabi , hindi rin kailangang ganon katatas ang pagsulat sa sanaysay . Ang isa pang importanteng kaibahan ng dalawang uri ng sanaysay ay ang pananaw ng pagsulat o point of view . Ang pormal na sanaysay ay gumagamit ng obhektibong pananaw samantalang ang impormal na sanaysay ay gumagamit ng subhektibong pananaw .
1) Simula ( Introduksyon ) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay . Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay . Pwede itong isulat sa paraang ... MGA BAHAGI
a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye (inverted pyramid)
b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya .
c ) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa .
d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro , artikulo , at iba pang sanaysay
e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa .
f ) Kasabihan - Isang kasabihan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong sanaysay .
g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay .
2) Gitna ( Katawan ) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag . Pwede itong isulat sa paraang ...
a ) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari . b ) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa .
c ) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema , angulo atbp ng isang paksa . d ) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.
3) Wakas ( Konklusyon ) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay . Pwede itong isulat sa paraang ...
a ) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay . b ) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay .
c ) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang ( retorikal na ) tanong . d ) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay .