KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Unang Markahan - Unang Linggo Mga Konseptong Pangwika
Mga gabay na tanong : 1.Ano-ano ang pumapasok sa inyong isipan sa tuwing naririnig ang salitang wika ? 2. Para sa inyo , ano ang kahalagahan ng wika sa atin ?
Mga Konseptong Pangwika wIKANG PAMBANSA Wikang Panturo Wikang Opisyal Lingua Franca Unang Wika Pangalawang Wika Bilinggwalismo SPEECH COMMUNITY Multilinggwalismo
WIKANG PAMBANSA Isang wika (o diyalekto ) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa . Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa .
WIKANG OPISYAL Legal na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyong panggobyerno , pasulat man o pasalita Dalawa ang opisyal na wika ng Pilipinas : a. Filipino b. Ingles
WIKANG PANTURO Ito ang wikang ginagamit sa mga paaralan kung paanong matatamo ng mga mag- aaral ang leksyong dapat matutunan . Tinatawag din itong medium of instruction o MOI
Pangkatang Gawain: Panuto : Sumulat ng tig-dalawang pangungusap na nagbibigay ng opinyon sa nga konseptong pangwika na : 1. Wika 2. Wikang Panturo 3. Wikang Pambansa 4. Wikang Opisyal
BILINGGWALISMO Isang penomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paanong ang lipunan ay nakapag-aambag sa pag-unlad ng wika Paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika - Leonard Bloomfield (1935)
IBA’T IBANG URI NG BILINGGWALISMO Sa diskusyon ng bilinggwalismo at pag-aaral ng ikalawang wika ay may 3 uri : Compound bilingualism (additive) taong natuto ng dalawang wika sa parehas na kapaligiran at konteksto na parehas na malayang nagagamit 2. Coordinate bilingualism (subtractive) natamo ang pagkatuto sa dalawang wika sa magkaibang konteksto ( tahanan at paaralan ) Natutuhan ang magkaibang wika sa magkahiwalay na kapaligiran at nananatili ang ganitong separasyon hanggang maging bihasa sa dalawa 3. Sub-coordinate bilingualism - Isang wika ang nangingibabaw
MULTILINGGWALISMO Patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing medyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo , bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat
LINGUA FRANCA Tumutukoy sa tatlong konseptong pangwika : a. pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan b.wikang nabubuo bunga ng magkausap na may magkakaibang wika c. dominanteng wika ng iba’t ibang larangan ng pag-aaral o disiplina
UNANG WIKA (L1) Tawag sa wikang kinagisnan mula pagsilang at unang itinuro sa isang tao Tinatawag ding katutubong wika , mother tongue , arterial na wika Pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang mga ideya , kaisipan at damdamin
PANGALAWANG WIKA (L2) Alinmang wikang natututunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika Natutunan mula sa media , tagapag-alaga , kalaro , mga kaklase , guro at iba pa
SPEECH COMMUNITY o KOMUNIDAD NG TAGAPAGSALITA Ayon naman kay Labov , nagkakaroon daw ng isang speech community kung may isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo ( salita , tunog , ekspresyon ) ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat .
Pangkatang Gawain: Gumawa ng maikling iskit tungkol sa mga konseptong pangwika Pangkat 1- Register- Pakikipag-usap sa isang Balikbayan Pangkat 2- Homogenous- Pakikipag-usap sa isang Guro , Punong-Guro Pangkat 3- Heterogenous - Pakikipag-usap sa isang Fil -Am
TAKDANG-ARALIN: Batay sa inyong sariling opinyon , ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod : 1. Lingguwistikong komunidad 2. Unang Wika 3. Pangalawang wika
Pag-awit sa awiting-bayan na pinamagatang ” Naraniag A Bulan ” • Pagsagot sa mga tanong : 1. Tungkol saan ang awit ? 2. Madali ba itong maunawaan ?
Isahang Gawain: Pagsulat ng Tula Panuto ; Sumulat ng 2 taludtod batay sa paksang mapipili sa Unang Wika at Pangalawang Wika mo Paksang pagpipilian : Pangarap sa Buhay Pinapangarap na Lipunan Pagmamahal sa magulang , kaibigan at kapwa