1. PAGTUTULAD o SIMILE Ito ay isang paghahambing sa dalawang ( 2 ) mag k aibang pangngalan ( noun ).
1. PAGTUTULAD o SIMILE Gumagamit ng mga salitang tulad ng , katulad ng , parang , kawangis ng , animo , kagaya at iba pa.
Halimbawa: Si Ana ay parang dyosa sa kagandahan .
Halimbawa: Ang buhay ay kawangis ng gulong .
2. PAGWAWANGIS o METAPHOR Ito ay isang dire k tang paghahambing sa dalawang (2) mag k aibang pangngalan ( noun ) at hindi gumagamit ng mga salitang tulad sa PAGTUTULAD .
Halimbawa: Ang buhay ay isang teatro .
Si Ken ay isang bubuyog sa buhay ni Maria .
3. PAGTATAO o PERSONIFICATION Ito ay pagsasalin ng talino , gawi at k atangian ng tao sa bagay .
Halimbawa: Ang mga kahoy ay sumasayaw .
Halimbawa: Nag- aawitan ang mga kulisap sa parang .
4. PAGMAMALABIS o HYPERBOLE Ito ay lubhang pinalalabis o pina k u k ulang ang k atunayan at k alagayan ng tao, bagay, pangyayari.
Halimbawa : Umiyak ng dugo si Luna nang iwan siya ni Pao .
Halimbawa : Umalog ang lupa nang umawit si ate.
5. PAGTAWAG o APOSTROPHE Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang kinakausap sila.
Halimbawa: O, Pag-ibig , nasaan ka na? Galit , layuan mo ako magpakailanman .
6. PAG-UYAM o IRONY Ito ay isang pangungutya sa pamamagitan n paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan .
Halimbawa: Napakaganda niya kapag nakatalikod .
Halimbawa: Ang sarap ng luto sa karinderya nila . Ang dami ko laging nauuwi para sa alaga kong aso .
7. PAG-UULIT o ALLITERATION Ito ay paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa pagpapahayag .
Halimbawa: M akikita sa mga m ata ni M aria ang mga m asasayang nangyari sa kaniya kasama si M arco.
Halimbawa: K asa-kasama niya ang k anyang k apatid at k aibigan sa k asalan.
8. PAGHIHIMIG o ONOMATOPOEIA Ito ay tayutay na naririnig ang tunog ng bagay na inilarawan.
Halimbawa: Nagulat ang tumatawid na matanda sa lakas ng potpot ng dumaraang bus.
Halimbawa: Umuugong ang hanging dumating dala ng malakas na bagyo .