MULTINGGUAL AT MULTIKULURAL ANG PILIPINAS Ang bansa ay isang arkipelago kung kaya’t ang katangiang heograpikal nito ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. mahigpit na magkakaugnay ang wika at kultura kung kaya’t masasalamin sa wika ang anumang katangiang pisikal at kultural ng bansa.
McFarland(2004) - may lagpas isang daang magkakaibang wika ang Pilipinas Nolasco(2008) , mayroong humigit kumulang 170 iba’t ibang wika sa iba’t ibang pulo ng Pilipinas. ang pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita ay. tagalog (21.5 milyon); Cebuano (18.5 milyon); Ilocano (7.7 milyon); hiligaynon (6.9 milyon); Bicol (4.5 milyon); Waray (3.1 milyon); Kapampangan (2.3 milyon); Pangasinan (1.5 milyon); Kinaray-a (1.3 milyon); Tausug (1 milyon); Maranao (1 milyon) Maguindanao (1 milyon)
bukod sa mga rehiyunal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang paggamit ng filipino bilang lingua franca ng bansa. ipinapakita sa datos na 65 milyon mula sa kabuuang 76 milyong pilipino ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika(Gonzales, 1998) 74% ang nagsabing nakakintindi ng wikang ingles kapag kinakausap sila gamit nito. (Gonzales, 1998)
LEHITIMONG WIKA MACARO(2014) - patuloy na lumalaganap ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. lalong dumarami ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng Ingles upang ituro ang akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa internasyunal na estandard ang propayl ng mga unibersidad. sa pagpasok sa sosyo-kultural at ekonomikong integrasyon sa ASEAN, ganito rin ang naging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas.
GONZALES(2003) dating kalihim ng kagawaran ng Edukasyon. kapansinpansin na hindi akma ang polisiyo at aktwal na implementasyon nito. bilang pambansa at opisyal na wika nararapat na paunlarin ang paggamit ng Filipino sa mga paaralan ngunit hindi ito nangyayari.
BOURDIEU(1991) ang lehitimong wika ay ay wika ng kapangyarihan sa lipunan, nakaugat sa kasaysayan at edukasyon. ibig sabihin, ginagamit ang wika sa pamahalaan, paggawa ng batas, edukasyon at iba pa. ang wika ay nakaugat sa kasaysayan dahil sa pananakop, politika at kultura. pinapalakas nito ang edukasyon dahil ito ay ginawang standard sa pamanatayang pangwika.
INGLES- makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.
MGA HAMON SA POLISIYANG PANGWIKA SA EDUKASYON
EXECUTIVE ORDER 2010 (Establishing the Policy to Strengthen the use of English in the Educational System) nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo . Layunin nito na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas. pagtuturo sa Ingles bilang ikalawang wika mula Grade 1.
EXECUTIVE ORDER 2010 (Establishing the Policy to Strengthen the use of English in the Educational System) Paggamit sa Ingles bilang wikang Panturo sa asignaturang Ingles, Matematika, Siyensa mula Grade 3. Ingles ang magiging pangunahing wikang panturo sa hayskul at hindi bumaba sa 70% ang total na oras sa pagtuturo. Filipino, wikang panturo sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.
HOUSE BILL NO. 4701 An Act Providing for the use of English as a medium of Instruction in the Philippine Schools. mas kilala bilang English Bill . ipinapanukala ang paggamit ng ingles bilang pangunahing wikang panturo sapagkat hindi naging matagumpay ang bilinggual na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.
HOUSE BILL NO. 4701 binibigyang diin ng panukalang ito ang magiging susi upang makakuha ng mas magandang trabaho rito at sa ibang bansa dahil ingles ang ginagamit sa wika ng pananaliksik, siyensa at teknolohiya na mga larangang binibigyang diin ng pandaigdigang negosyo.
HOUSE BILL NO. 4701 sa kabuuan, nilalayon ng panukalang batas na ito na, 1. Ingles, Filipino at ano mang katutubong wika an maaaring gamitin bilang wikang panturo mula preschool hanggang grade 2 lamang. 2. Ituturo ang asignaturang Ingles at Filipino bilang magkahiwalay na asignatura sa antas ng primarya at sekundarya. 3. Ingles lamang ang magiging wikang Panturo sa lahat ng asignatura mula sa grade 3 hanggang grade 6 at sa lahat ng antas ng paaralang sekundarya.
CHED MEMORANDUM ORDER 20, s. 2013 Taong 2013 ng ipinatupad ang CHED Memo na ito. naglalaman ito ng bagong listahan ng kurSo sa GEC o General Education Curriculum sa kolehiyo. dahil sa pagdaragdag ng 2 taon sa batayang edukasyon(k-12) Curriculum, binago rin ang mga asignaturang itinadhana ng CHED. mula sa dating 60 units na kurso sa GEC, ginawa itong 36 units lamang.
ISYU Layunin na tatanggalin ang mga asignaturang filipino sa GEC(General Education Curriculum) ng kolehiyo para maiwasan ang duplikasyon ng asignatura mula sa basic education sa ilalaim ng k-12 program. Maraming guro, manunulat, estudyante, grupo ang tumutol sa tunay na epekto ng CMO 20-2013 sa kultura, wika at trabaho ng mga guro ng Filipino. sa bagong GEC, hindi na kasama sa bilang mNadatory ang mga asignaturang Filipino at Panitikan. kabilang na laman ito sa opsyon at ang gagamiting wika ay filipino o ingles.
ISYU Tampok sa protesta ang argumento na ang pagpapahinto sa Filipino bilang core subject sa kolehiyo ay sumasalungat sa pagpapayaman ng pagka-Pilipino at nagbabalak din ng posibilidad na mawalan ng trabaho ang mga guro sa Filipino.
PAGTUGON noong Abril 21, 2015, naglabas ang supreme court ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang implementasyon ng bahagi ng CMO 20-2013 na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang core courses/subjects sa kolehiyo. bilang tugon, inilabas ng CHED ang MEMORANDUM NO. 4, s. 2018 NA EPEKTIBO SA TAONG 2018-2019 na inirerekomendang mag-alok ng Filipino at panitikan bilang bahagi pa rin ng GEC.
PAGTUGON ipinagpatuloy naman ang iba pang bahagi ng GEC ayon sa CMO 20, 2013, gayunpaman kasama na muli sa oblogasyon ang Filipino at Panitikan bilang core subjects.
PUNTO DETALYE PAGPAPALAYA NG MEMO(2013) INALIS BILANG CORE SUBJECTS ANG FILIPINO AT PANITIKAN UPANG IPOKUS ANG IBANG CORE COURSES SUBJECTS MIDYUM OF INSTRUCTION FILIPINO O INGLES-OPSYONAL LAMANG AT NASA DESIYON NG KOLEHIYO. PANAWAGAN AT PROTESTA MARAMING AKTIBISTA, GURO AT GRUPO ANG TUMUTOL AKSYON/PAGTUGON NAGLABAS NG KORTE SUPREMA NG TRO LABAN SA PAGTANGGAL NG FILIPINO AT PANITIKAN BILANG MANDATORY CORE COURSES CHED MEMO NO. 4, s., 2018 NERIENSTATE ANG FILIPINO AT PANITIKAN BILANG GE CORE COURSES SIMULA 2018-2019.