Paggabay ng Pamilya sa Pagkilala sa Sariling Sekswalidad.pptx

haladkylamechelle9 24 views 8 slides Sep 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 8
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8

About This Presentation

aggabay ng Pamilya sa Pagkilala sa Sariling Sekswalidad.pptx


Slide Content

Paggabay ng Pamilya sa Pagkilala sa Sariling Sekswalidad

Mga salita at kahulugan : Sex - ito ay tumutukoy sa pisikal na kasarian at katangian ng isang indibidwal . Ito rin ay binibigyang kahulugan bilang “kung ano nasa pagitan ng mga hita ”. Seksuwalidad - ito ay tumutukoy sa mga gawi , kilos, at pagkakakilanlang seksuwal ng isang tao .

Kasarian - ito ay tumutukoy sa mga katangian na itinilaga ng lipunan tungkol sa pagkababae at pagkalalaki ng isang tao . Gender roles - ito ay tumutukoy sa mga gampanin ng isang indibidwal batay sa kanyang kasarian . Integridad - ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga ng isang indibidwal sa katapatan at paggawa ng nararapat at mabuti kahit walang nakatingin at kapalit .

Mga Paraan sa Pagkilala at Pagsasakilos ng Seksuwalidad - Kaakibat ng ating pagkilala sa ating sarili ay ang pag-unawa sa ating kakayahan at gampanin . Sa tulong ng ating mga magulang , nakilala natin ang ating sarili sa kung paano tayo pinalaki sa mga gawaing inaasahan sa atin bilang tao . Kabilang na rito ay ang pagkilala at pagsasakilos ng ating seksuwalidad .

Ang sekswalidad ay bahagi ng ating pagkatao at pagkakikilanlan . Ito ay nagbibigay sa atin ng pananaw sa ating pagkalalaki , pagkababae , o alinman sa pagitan nito maging ang pagkaakit at interes sa ibang tao . Ito ay lubos na nauunawaan sa ugnayan at pamumuhay sa sa tahanan . Sa ating pamilya natin ito unang nakikita at natutunan . Naiuugnay natin sa kanilang seksuwalidad ang mga bagay na kanilang ginagawa . Sa gabay nila , mauunawaan natin ang implikasyon nito sa ating sarili at kung paano ito isasabuhay .

Gampanin ng Magulang Bilang Gabay sa Pagkilala sa Seksuwalidad mga paraan kung paano sila hinahawakan ; mga nararamdaman ng kanilang katawan sa kanilang mga magulang ; mga paniniwala ng pamilya sa mga bagay na dapat at hindi dapat sinasabi ; pagmamasid sa ugnayan at relasyon sa loob ng pamilya ; at mga nakikitang gampanin sa loob ng tahanan batay sa kasarian .

Narito ang ilang mga paraan upang magabayan ang pamilya tungkol sa seksuwalidad ( TeachingSexualHealth , n.d.): Maging matapat sa kasagutan - tumugon nang matapat sa mga tanong lalo ng mga nakababata sa pamilya gamit ang mga salitang nauunawaan nila . 2. Magbigay ng tamang impormasyon - maging maingat sa mga impormasyong ilalahad tungkol sa seksuwalidad upang maiwasan ang disinpormasyon .

3. Magkusang makipag-usap - marami sa miyembro ng pamilya ang nahihirapan makipag-usap tungkol sa kanilang seksuwalidad . Magkusa na kausapin sila tungkol dito lalo sa mga panahon na sila ay may pinagdadaanan . 4. Magbahagi ng mga pananaw , alalahanin , at mga pagpapahalaga - mahalagang malaman ng iyong pamilya ang mga bagay na mahalaga sa iyo . Ang mga ito ay maaari din magbigay ng gabay sa pagtingin sa kanilang seksuwalidad . 5. Magpakita ng suporta - tulungan ang iyong pamilya na makabuo ng desisyon s para sa kanilang sarili at suportahan ang mga ito .
Tags