Pagnanarseri (Halaman)

PielleBarromeda 41,870 views 22 slides Dec 07, 2013
Slide 1
Slide 1 of 22
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22

About This Presentation

No description available for this slideshow.


Slide Content

Pagpaplano ng Narseri

Mga dapat isaalang alang sa pagpaplano : Lugar Tubig Lupa Sikat ng Araw

Lugar – Pumili ng patag na lugar na pagtatayuan ng narseri . Magiging maayos ang paglalagay ng mga gagamitin kung patag ang lugar . Hindi rin mahihirapang ayusin dito ang mga halamang nasa plastik na punlaan . Piliin din ang lugar na hindi binabaha upang hindi masalanta ang mga halaman kung panahon ng tag- ulan . Makabubuti rin kung ito ay malapit sa daan . Magiging madali ang pagdadala ng mga gamit dito .

Tubig – isa sa pinakamahalagang kailangan ng halaman , kaya itayo ang narseri malapit sa mapagkukunan ng tubig

Lupa – mainam kung ang pipiliing lupa para sa isasagawang narseri ay mataba at mayaman sa natural na abono . Ang lupang buhaghag ay mainam na gamiting pag-ugatan .

Sikat ng Araw – mahalaga ang sikat ng araw dahil kailangan ito ng halaman upang mabuhay at lumusog . Kung maaari , dapat na nakaharap sa dakong sinisikatan ng araw ang narseri .

Mga Kagamitan sa Pagnanarseri

Mga Materyales sa Pagpapaugat ng halaman Sphagnum Moss Kusot Niyog

Taniman ng mga Punla at Halaman Lata Plastik na baso

Paso Plastik na supot na itim

Iba pang gamit Itak Budding knife Budding tape

Pruner Water hose Regadera Kalaykay Sprayer Pala

Mga paraan ng Pagbibili ng mga produkto ng Narseri Tingian Mga Ahente o Mamamakyaw Kontratahan Kooperatiba

Tingian pagbibili ng mga produkto nang paisa- isa o bawat piraso

Mga Ahente o Mamamakyaw may mga narseri na nagbibili ng mga produkto sa mga ahente o mga mamamakyaw . Ang mga taong ito ay bumibili ng mga halaman para sa kanilang mga kliyente o ipinagbibili rin nila sa iba ang biniling produkto .

Kontratahan kadalasang may malalaking kompanya na siyang bumibili ng mga produkto . Sa simula pa lang ay kinokontrata nang kompanya ang manghahalaman upang mag- alaga ng halamang kinakailangan nito .

Kooperatiba samahan ng manghahalaman o mga may- ari ng mga narseri . Ang samahang ito ang nangangasiwa sa pagbebenta ng mga produkto ng kasapi . Ang tubo ay pantay-pantay ding hinahati sa mga kasapi ayon sa kani-kanilang kontribusyon .

Natutunan ko na _________________________________________________________.

Gumuhit ng pamayanan na mainam pagtaniman ng narseri . Ipaliwanag kung bakit ito ang disenyo na napili .

Panuto : Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag ________1. Kinokontrata ng kooperatiba ang mga maghahalaman na magtanim ng mga halamang kanilang kailangan . ________2. Ang mga ahente o mamamakyaw ay bumibili ng mga halaman para sa kanilang sarili . ________3. Maraming materyales na ginagamit sa pagpapaugat ng halaman tulad ng sphagnum moss, kusot , bunot at binulok na ipa . ________4. Sa paraang tingian , ang mga manghahalaman ay direktang nagbibili ng kanilang mga produkto sa mga mamimili . ________5. Ang mga punla ay sa paso lamang maaaring itanim .

Takdang Aralin Magtungo sa narseri ng inyong pamayanan o sa mga pribadong marseri sa inyong lugar at alamin kung ano ang mga halaman at punongkahoy na pinararami roon . Alamin din kung sa paanong paraan ito ipinagbibili . Iulat sa klase .
Tags