Pagpapaunlad ng Sariling Kakayahan, Talento at Hilig nang may Paggabay ng Pamilya
JamorahJeanCariaga
1 views
71 slides
Oct 21, 2025
Slide 1 of 71
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
About This Presentation
Daily lesson plan for GMRC Grade 4
Size: 12.48 MB
Language: none
Added: Oct 21, 2025
Slides: 71 pages
Slide Content
Kahulugan at Kahalagahan ng Kakayahan, Talento, at Hilig TEACHER: EVA GMRC 4 Q2 W1 DAY 2
PRAYER Heavenly Father, as we embrace this morning ,fill us with Your presence. Grant wisdom for the day ahead, guide our steps, and use us as vessels of Your love and grace.May Your peace saturate our hearts, and may we bring glory to Your name in all we do Amen.
ATTENDANCE
Maikling Balik -Aral
Sa kuwentong “Si Lucas at ang Kaniyang Lapis,” ipinakita ang kahalagahan ng pagtuklas at pagpapaunlad ng sariling kakayahan. Si Lucas ay may kakaibang hilig sa pagguhit.
Kahit na sila ay may simpleng pamumuhay, hindi ito naging hadlang upang siya ay magsanay at mangarap.
HikayatSuportado siya ng kaniyang pamilya — binigyan siya ng mga gamit, pinakinggan at pinayuhan, at pinalakas ang kaniyang loob sa kabila ng mga pagsubok.in ang mga mag-aaral na kilalanin at pahalagahan ang kanilang natatanging kakayahan at interes.
Sa paglipas ng panahon, nagbunga ang kaniyang tiyaga at talento: siya ay nakatanggap ng iskolarsyip at kinilala bilang isang sikat na mangguguhit.
Ipinapaalala ng kuwento na ang sipag, determinasyon, at suporta ng pamilya ay mahalagang susi sa tagumpay.
Gawaing Paglalahad ng Layunin ng Aralin
Sa araling ito, inaasahang matutukoy at mapapahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling hilig, kakayahan, at talento, at kung paano ito maaaring paunlarin sa tulong at paggabay ng kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng mga halimbawang kuwento, talakayan, at pagsasanay, mauunawaan ng mga mag-aaral na ang bawat isa ay may natatanging galing na maaaring maging daan sa tagumpay at kabutihan para sa sarili, pamilya, at pamayanan.
Ngayon ay tatalakayin natin kung paano nakatutulong ang pamilya sa pagpapaunlad ng ating hilig, kakayahan, at talento. Tingnan natin ang ilang halimbawa.
1. Si Ana ay mahilig sa pagtula. Dahil sa suporta ng kaniyang magulang, sumali siya sa patimpalak at lalong gumaling sa pagsusulat.
2. Si Marco naman ay magaling mag-ayos ng sirang laruan. Tinulungan siya ng kaniyang tatay na matuto sa paggamit ng mga kasangkapang panayos.
3. Si Lisa ay mahusay sa pagpipinta. Bilang suporta, ang kanyang ina ay bumibili ng gamit at nagbibigay ng oras para pakinggan ang kuwento sa likod ng kanyang mga guhit.
Hilig, Kakayahan, at Talento: Paunlarin sa Gabay ng Pamilya
Ang lahat ng tao ay may likas na kakayahan na dapat paunlarin. Mahalaga para sa isang bata na matuklasan niya ang kaniyang mga hilig, kakayahan, at talento upang mapaunlad niya ang kaniyang sarili. Ano nga ba ang mga ito?
Hilig
Ang hilig ay ang pagkakaroon ng pagkagusto o pagnanasa sa isang tiyak na larangan o gawain. Ang bawat bata ay maaaring iba't iba ang hilig gawin.
Kakayahan
Ang kakayahan ay mga kilos o kasanayan na natututuhan sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay o karanasan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pag- aaral nang mabuti, maraming kasanayan ang puwedeng mapaunlad.
Talento
Ang talento ay mga natatanging kakayahan na mayroon ang isang tao na naisagawa niya nang magaling.
Kahalagahan ng Pagtuklas sa Hilig, Kakayahan, at Talento
Maraming mabuting dulot ang pagtuklas at pagpapaunlad sa mga hilig talento at kakayahan.
Ilan dito ay ang mga sumusunod
1. Nakakatulong ito sa pagkilala ng sarili.
2. Nakapagpapalakas ito ng tiwala sa sarili.
3. Nakakatulong ito sa pamilya at pamayanan.
4. Nakapagbibigay ito ng kasiyahan
5. Nakakatulong sa pagpili ng nais na trabaho o karera sa hinaharap.
6. Nagdudulot ito ng positibong pagtingin sa sarili at inspirasyon.
Ngayong alam na natin ang kahulugan ng hilig, kakayahan, at talento, subukan nating pag-isipan kung paano natin ito makikita sa ating sarili.
Tandaan: lahat tayo ay may taglay na galing — kailangan lang nating kilalanin ito, pag-aralan pa, at isabuhay.
Halimbawa
Si Ana ay mahilig magtula. Dahil sa suporta ng kaniyang magulang, sumali siya sa mga patimpalak at lalo pang gumaling sa pagsulat at pagbigkas.
Si Marco ay mahusay sa pagkukumpuni ng sirang laruan. Tinulungan siya ng kaniyang ama na matuto ng mas marami tungkol sa mga gamit sa bahay.
Si Lisa ay magaling magpinta. Ginugugol niya ang kaniyang libreng oras sa pagguhit habang ang kaniyang nanay ay bumibili ng gamit pangkulay para sa kanya.
Ano ang napansin mo sa mga halimbawa?
Lahat sila ay sinusuportahan ng pamilya. Ginagamit nila ang kanilang hilig upang paunlarin ang kanilang talento.
Sa pamamagitan ng pagsasanay at suporta, lumalawak ang kanilang kakayahan.
Tandaan: Ang pagtuklas sa iyong hilig, talento, at kakayahan ay hindi paligsahan. Iba-iba ang galing ng bawat isa.
Ang mahalaga ay matutunan mo kung saan ka masaya, kung ano ang gusto mong gawin, at kung paano ito mapapalago sa tulong ng iyong pamilya.
PANGKATANG GAWAIN Tuklasin ang Galing.
Matapos tuklasin ang hilig at kakayahin na naipamalas ni Lucas, tuklasin naman ang sariling kakayahan. Isulat ang iyong mga hilig at kakayahan sa loob ng mga bilog.
Pang prosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga hilig, kakayahan, at talento at kakayahan ang tinutukoy ng kuwento?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos mong matukoy ang mga ito?
3. Ano ang kahalagahan na alam natin ang ating mga hilig, talento, at kakayahan?
4. Bilang isang bata, ano ang kinakailangan mong isaisip upang mapaunlad mo pa ang iyong mga hilig, talento, at kakayahan?
5. Paano mo pa maaaring mapaunlad ang mga ito?
Ngayong alam na natin kung ano ang hilig, kakayahan, at talento, pag-isipan natin: Paano ko kaya ito magagamit sa aking pang-araw-araw na buhay?
Magbasa ng mga aklat kung mahilig kayong magsulat ng kwento. Tumulong sa pag-aayos ng gamit sa bahay kung magaling kayo sa pag-oorganisa.
Magsanay araw-araw kung kayo’y mahilig umawit, sumayaw, o tumula.
Kapag ginagawa natin ang mga bagay na gusto natin, mas nagiging masaya at positibo tayo.
Kapag tinutulungan tayo ng ating pamilya, mas lumalakas ang ating loob at lumalalim ang ating kakayahan.
Paglalapat at Paglalahat
Ang bawat bata ay may taglay na hilig, kakayahan, at talento na dapat tuklasin at paunlarin. Sa tulong ng gabay, suporta, at pagmamahal ng pamilya, mas nagiging madali at masaya ang proseso ng pagpapaunlad sa sarili.
Ang pagkilala sa sariling galing ay makatutulong sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, tagumpay sa hinaharap, at pakinabang para sa pamilya at pamayanan.
Panuto: Tukuyin kung hilig, kakayahan, o talento ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Si Erika ay mahusay sa pagtugtog ng gitara kahit walang nagturo sa kanya. → ____________________
2. Mahilig si Jonel na magluto at tumutulong sa kanilang kusina tuwing hapon. → ______________________
3. Sa araw-araw na pagbasa ni Camille, natutunan niyang bigkasin nang tama ang mga salita. → _______________________
4. Si Ryan ay magaling gumuhit ng mga tao at tanawin kahit hindi siya sinasanay. → ____________________
5. Si Grace ay natutong mag-ayos ng kanyang silid sa tulong ng kanyang nanay. → ____________________