pagsasabuhayngpasasalamat-220202061127.pptx

honeymaetampos001 11 views 10 slides Sep 06, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

edukasyon


Slide Content

Pagsasabuhay ng Pasasalamat

Ang pagpapakita ng pasasalamat , sa alin mang paraan , ay lubos na mahalaga sapagkat nakapagdudulot ito ng kaligayahan sa taong nakagawa ng kabutihan . Sa pamamagitan nito ay naipamamalas din ang pagkilala sa kaniyang pagkatao na nag- alay ng tulong sa panahon ng kagipitan . Ang patuloy na pagsasabuhay nito ay isang paraan upang ito ay maging ganap na birtud .

Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat sa Kabutihan ng Iba Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat Pagpapadala ng liham-pasasalamat Pagyakap o pagtakip sa balikat Pagpapasalamat sa bawat araw Pangongolekta ng mga quotations na makapagpapabuti ng pakiramdam Paggawa ng kabutihan sa kapwa ng walang kapalit na inaasahan Pagbibigay ng munti o simpleng regalo

Pagsasabuhay ng Pasasalamat upang Maiwasan ang Pagkakasakit at Mapanatiling Maayos ang Kalusugan Paglalaan ng 15 minuto bawat araw sa mga bagay na pinasasalamatan ay nakadaragdag ng antibodies na responsable sa pagsugpo ng bacteria sa katawan . May pokus ang kaisipan at naiiwasan na magkaroon ng depresyon . Nagiging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate . Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain . Mas mabilis gumaling ang mga benefactor ng mga donated organ na may saloobing mapagpasalamat .

Paraan kung Paano Nakakapagdudulot ng Kaligayahan sa Tao ang Pasasalamat ayon kay Sonja Lyubomirsky , isang sikologo sa Pamantasan ng California: Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong karanasan sa buhay Nagpapataas ng halaga sa sarili Nagpapatibay ng moral na pagkatao Nakakatulong upang malampasan ang mga paghihirap at masamang karanasan

5. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa , pinalalakas ang mga kasalukuyang ugnayan , at hinuhubog ang mga bagong ugnayan 6. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba 7. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon 8. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagay o sa kasiyahan

Maituturing namang isang masamang ugali ang kawalan ng pasasalamat sa taong gumawa ng kabutihan o nag- alay ng tulong dahil ang ugaling ito ay nakapagpapababa sa pagkatao . Tatlong Antas ng Kawalan ng Kaugaliang Pagpapasalamat Hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa sa abot ng makakaya Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa Hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa

Kung ang kawalan ng pasasalamat ay isang masamang ugali , ang entitlement mentality naman ay isang kaisipang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat . Entitlement mentality – Tumutukoy ito sa paniniwala o pag-iisip ng tao na karapatan niyang makuha ang ano mang bagay na kaniyang inaasam nang walang katumbas na tungkulin o gampanin . - Nakikita ito sa mga kabataang agresibo na makuha ang ano mang bagay na kanilang gusto sa oras na gustuhin nila , maging sa hindi nila pagpapahayag ng pasasalamat sa mga pagasasakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanilang kabutihan . - Mga mamamayan ng lipunan na umaasa sa pamahalaan upang mapunan ang mga pang- araw - araw nilang pangangailangan

Mga taong nasa isip lamang ay kung ano ang makukuha nila mula sa pamahalaan at hindi yung maari nilang magawa para dito ,. Mga taong ibinabaling ang sisi sa pamahalaan ang kawalan nila ng trabaho gayong ito ay bunga ng kanilang katamaran Hindi pagbibigay pasasalamat ng ibang tao sa mga sundalong nagbuwis ng buhay upang protektahan ang mga mamamayan , dahil sa paniniwalang ito ay bahagi ng kanilang sinumapaang tungkulin .

SALAMAT
Tags