pagsasalin sa filipino .bsed major in filipino

AndoRizzajean 0 views 35 slides Sep 10, 2025
Slide 1
Slide 1 of 35
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35

About This Presentation

filipino ppt


Slide Content

Ang alpabetong filipino at pagsasaling -WIKA

Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling wika sa aklat na ito ay ang anyong pasulat , nararapat lamang na magkaroon ang magsasagawa ng pagsasaling wika ng mga batayang kaalaman sa anyong pasulat ng filipino , ayon sa kasalukuyangb alpabetong Filipino. Gaya ng nabanggit na , walang problema kung ang panghihiram ay pasalita . Subalit sa sandaling tangkaing isulat ang mga salitang hinihiram , doon na lilitaw ang problema sa ispelling .

BILANG NG MGA LETRA Ang alpabetong filipino ay binubuo ng 28 letra sa ayos na tulad ng sumusunod : A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N, Ñ,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z. Sa 28 letrang ito ng alpabeto , ang 20 letra lamang ng dating abakada (A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y) ang mga gagamitin sa mga karaniwang salita . Samakatuwid , mananatili ang tuntuning ‘kung ano ang ang bigkas ay siyang sulat , at kung ano ang sulat ay siyang basa ’

GAMIT NG WALONG (8) DAGDAG NA MGA LETRA Ang walong dagdag na mga letra (C,F,J, Ñ,Q,V,X,Z) ay gagamitin lamang sa mga (1) pantanging ngalan ng tao , lugar , produkto , pangyayari , gusali , atp ., (2) mga salitang teknikal na hindi karaka- rakang maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa ating sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayon sa orihinal na na nayo sa ingles, kayat nagkakaroon ng tinatawag na ‘ visual repulsion’ sa mambabasa at (3) mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa ibat ibang katutubong wika .

MGA LETRANG C AT F Kapag isinama ang mga ito sa pagbaybay ng mga karaniwang salita , ang kastilang ‘cafe’ halimbawa , ay magkakaroon ng apat na ispeling baryant na ‘ kafe -cafe-cape- kape ; gayundin , ang ingles na ‘ coffe ’ ay magkakaroon ng cofi - copi - kofi -kopi. Kalituhan sa ispeling ang magiging reulta nito sapagkat sino ang magsasabi na ‘ kape ’ at ‘ kofi ’, halimbawa ang siyang tamang ispeling kung isinasama ang mga letrang c at f sa pagbaybay ng mga karaniwang salita ?

Sa kasalukuyang alapabetong Filipino, ang ‘c’ ay tinutumbasan ng ‘ k’o ‘s’, batay sa kung anong patinig ang kasunod ---’k’ kung ang kasunod ay alinman sa ‘ a,o,u ’; ‘s’ kung alinman sa ‘ e,i ’, gaya ng cabinet - kabinet central - sentral comiks - komiks circuit - sirkwit curriculum - kurikulum

Ang ‘f’ (at pati na ang ph) ay tinutumbasan ng ‘P’ Tulad ng : fraction - praksyon factor - paktor familiar - pamilyar formula – pormula fraternity – praterniti alphabet - alpabeto

LETRANG j Hindi rin magiging praktikal na gamitin ito sa mga karaniwang salita sapagkat sa Ingles ay hindi laging ‘j’ ang nagrereprisinta o kumakatawan sa tunog na ‘j’ gaya ng makikita sa mga sumusunod :

Tanggapin kaya ang : /j/ j sa jeep jip g sa gem jem dg sa budget bajet di sa soldier soljer dj sa adjective ajectiv gg sa exaggerete exajereyt gi sa region rijon

Bukod dito ang ‘j’ ay /h/ ang tunog kapag sa kastiloa hinihiram ang salita , tulad ng ‘ cirujano , voltaje , carruaje , jabonera , viaje , jinete , jueteng , junta’ atb . Hindi rion maiiwasan ang paglitaw ng mga ispeling baryant na magkakagulo sa ating konsistent na sistema ng pagbaybay , tulad ng dyip -jip at badyet - bajet .

Sa kasalukuyang alpabeto , ang ‘j’ ay karaniwang tinutumbasan ng ‘ dy ’, tulad ng ; jeep – dyip janitor - dyanitor budget – badyet jacket - dyaket pajama - padyama journal - dyornal

LETRANG Ñ Bihirang gamitin ang letrang ito sa mga karaniwang salita . Ang totoo , bihirang makinilya ang may ganitong tipo . Sa kompyuter ay wala nito . Makikita lang ito sa ilang pangalang pantangi , tulad ng ‘ Peña , Rum Caña , Santo Niño’

Kung ginagamit man sa wikang chavacano ang letrang ito sa mga karaniwang salita , hindi dapat na Filipino ang sumunod sa gayong ispeling ang ñ ng mga karaniwang salitang kastila ay tinutumbasan sa filipino ng ‘ ny ’ , gaya ng . ‘ cañon = kanyon , paño = panyo , piña= pinya , baño = banyo , doña = donya ,’ atb .

LETRANG q Nasasaad sa isang istaylbuk ng isang eksklusibong pamantasan na ‘ mananatili ang letra Q sa mga hihiraming salita na taglay ang Letra Q na may tunog na / kw /, tulad ng ‘quartz, quiz, quadratic, quantum’ Malaking gulo rin ang idudulot nito sa palabaybayang Filipino sapagkat hindi sakop ng tuntunin ang mga salitang tulad ng ‘ qourum , qouta , queso , taquilla , porque , querida , antique’ atb .

Ikalawa ang q ay hindi pa rin kumakatawan sa isang ponema sa filipino , Sapagkat hindi pa ito nakokontrast sa ‘k’, hindi na naman maiiwasan ang paglitaw ng mga ispeling baryant na lubhang makapagpapagulo sa napakaayos na sistema ng palabaybayang filipino . Korum , kota , keso , takilya , porke , kerida , kimiko , kinsenas , antik .

LETRANG v Sa kasalukuyang alpabeto , ang letrang ito ay tinutumbasan ng ‘b’ sa pagbaybay ng mga karaniwang salita , tulad ng : vacation – bakasyon vekeyshon vacationing – nagbabakasyon vekeyshoning vampire – bampira vampayr variable – baryabol veyryebel vehicle – behikulo vehikel evaluation – ebalwasyon ivalyeweyshon

LETRANG x Sa kasalukuyang alpabetong filipino ang x ay tinutumbasan ng ks , tulad ng ‘sexy= seksi , examine= eksamen , boxing= boksing ’ buksan = buxan tukso = tuxo maliksi = malixi taksil = taxil

LETRANG z Tulad ng ‘j’ at iba pa sa mga letrang pinag uusapan ang /z/ ay hindi lamang kinakatawan ng ‘z’, gaya ng makikita sa mga sumusunod : /z/ Tanggapin kaya ito ? z sa zone zon x sa xylophone zaylofon cz sa czar zar ss sa scissors sizors

Sa kasalukuyang alpabeto ang z ay tinutumbasan ng s, tulkad ng ‘ zapatos = sapatos , lapiz =lapis, buzzer=baser, zero= sero , zigzag= sigsag ’. Kung gustong panatilihin ang z ay ay salungguhitan ang salita o ipagawang italisado kung ipalilimbag , tulad ng zoo, zodiac, zombie.

MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang ingles, maaaring sundi ang mga sumusunod na mga paraan . Ang unang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang lesikon ng kasalukuyang Filipino.

Halimbawa : Hiram na salita Filipino rule tuntunin ability kakayahan skill kasanayan east silangan

Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa ingles at sa kastila , unang preperensya ang hiram sa kastila . Iniaayon sa bigkas ng salitang kastila ang pagbaybay sa Filipino. Ingles Kastila Filipino check cheque tseke liter litro litro liquid liquido likido education educacion edukasyon

Kung walang katumbas sa kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi mauunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika , hiramin nang tawiran ang katawagang ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan ; Kung konsistent ang ispeling ng salita , hiramin ito nang walang pagbabago .

Halimbawa : Ingles Filipino reporter reporter editor editor soprano soprano alto alto salami salami memorandum memorandum

Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita , hiramin ito at baybayin nang konsistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating abakada .

Halimbawa : Ingles Filipino control kontrol meeting miting leader lider teacher titser truck trak nurse nars score iskor linguist linggwist

Gayunpaman , may ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan , ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit . Halimbawa barangay baranggay kongreso konggreso tango tanggo ( sayaw ) kongresista konggresista bingo binggo

May mga salita sa ingles (o sa iba pang banyagang wika ) na maaaring pansamantalang hiramin nang walang pagbabago sa ispeling , tulad ng mga salitang lubhang di konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag bainaybay ayon sa alpabetong filipino ay hindi na mabakas ang orihinal na ispeling nito kayat tinatanggihan ng paningin ng mambabasa .

Halimbawa : coach rendezvous sandwich pizza pie clutch champagne brochure habeas corpus doughnut toupee

Mga salitang pang- agham at teknikal Halimbawa : calcium x-ray quartz xerox visa zinc oxide xylem disc jockey

Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong katangiang kultural . Gayunpaman , walang magiging problema kuang iayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sa palabaybayang Filipino sapagkat kitang-kita naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod lamang sa palabaybayang Kastila .

Halimbawa : cañao = kanyaw hadji = hadyi masjid = masdyid

Mga simbolong pang- agham Halimbawa : Fe (iron) Ho2 (water) C (carbon) NaCI (salt) ZnO (zinc oxide) CO2 (carbon dioxide)

SIMULAIN NG PAGTITIPID Likas na nangyayari sa anumang antas ng wika , palatunugan ( ponolohiya ), palabuuan ( morpolohiya ), palaugnayan ( sintaks ) ang pagtitipid.kung may mga letra sa isang salita na maaaring alisin nang hindi naman magbabago ang kahulugan nito , alisin na lang.

Halimbawa : Dyip sa halip na diyip Demokrasya sa halip na demokrasiya