Pokus ng Pandiwa Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa at paksa ng pangungusap .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Tagaganap o Aktor β Paksa o simuno ang gumagawa ng aksiyon . Ginagamit dito ang mga panlaping um-, -um-, mang -, mag-, ma-, at iba pa.
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Tagaganap o Aktor β Halimbawa : 1. Bumili ng bestida si Jean. 2. Manghihiram ako ng Aklat .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Layon - Ang paksa ng pangungusap ang pinagtutuunan ng aksiyon . Karaniwang ginagamit dito ang mga panlaping i -, an-, ipa -, -in-, at β hin .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa layon Halimbawa : Inabot niya ang aklat sa itaas ng cabinet. Sinigang ang ipaluto mo kay aling Selya .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Ganapan - Ang paksa ng pangungusap ay ang pinangyarihan ng kilos. Karaniwang panlapi na ginagamit dito ang pag -/ pinag -, -an/ - han .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Ganapan Halimbawa : Iyon ang simbahan na pagdarausan ng kasal . Malayo ang ospital na pinagdalhan sa maysakit .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Direksyon Ang paksa ng pangungusap ay ang pinagtutuunang direksyon ng aksiyon . Ginagamit dito ang panlaping βan/- han
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Direksyon Halimbawa : Sinulatan niya ang kanyang Lola Juana. Pinunasan niya ang mesa.
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Kagamitan Ang paksa ng pangungusap ay ginagamit na kasangkapan sa pagsasagawa ng aksiyon . Ginagamit dito ang panlaping ipang - at maaaring maging ipan o ipam .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Kagamitan Halimbawa : Ipinanghiwa niya ng gulay ang bagong kutsilyo . Posporo ang ipinansindi niya ng kandila .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Tagatanggap Ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o tagapakinabang . Ginagamit dito ang mga panlaping i -, ipag - at ipa -
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Tagatanggap Halimbawa : Kami ang ipinagluto ni Jimmy ng masarap na pancit . Ako ang ipinagtabi ni nanay ng keyk .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Sanhi Ang paksa ng pangungusap ay ang sanhi o dahilan ng aksiyon . Ginagamit dito ay panlaping ika -, i -, at ikina -.
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Sanhi Halimbawa : Ikinatuwa ni nanay ang bagong kotse ni tatay . Ikinalungkot ng buong pamilya ang pagkamatay ng aming aso .
Ibat-ibang Pokus ng Pandiwa Tagaganap o aktor Layon Ganapan Direksyon Kagamitan Tagatanggap Sanhi