Ito ay ang mga salitang nag papahayag ng kilos o galaw . Binubuo ito ng salitang-ugat na nag bibigay ng kahulugan sa pandiwa . Binubuo ito ng panlapi na nag papakilala ng iba’t ibang panauhan , kailanan , at tinig ng pandiwa .
May mga panlaping makadiwa na ginagamit gaya ng : mag -, um, I, maka , hin , - han /-in, pa mang , maki at iba pa. Halimbawa : Panlapi Salitang-Ugat Pawatas um lakad lumakad mag laro mag laro i - luto iluto ma sabi masabi pa- hula pahula
Mga Aspekto ng Pandiwa 1. Perpektibo o ginanap na o natapos na . 2. Imperpektibo o ginaganap at hindi pa natapos . 3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos.
A. Aspektong Perpektibo o pangnakaraan - Ito’y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na . Halimbawa : Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo umalis umalis kumain kumain maglaro naglaro magpaganda nagpaganda
A.1 Aspektong Perpektibong katatapos - Ito ay ang aspektong nag sasaad ng kilos na katatapos lamang bago nag simula ang pagsasalita . Ang kayarian na aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng salita . Halimbawa : Pawatas Perpektibong katatapos sumulat kasusulat kumain kakakain maglaro kalalaro
B. Aspektong Imperpektibo o pangkasalukuyan - Sa aspektong imperpektibo , ang kilos ay nasimulan na ngunit hiindi pa natapos . Dalawang Uri Ng Kilos 1. Kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos , nagaganap o ipinagpapatuloy . 2. Kilos na paulit-ulit na ginagawa .
C. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap - Ang kilos ay hindi pa nasisimulan , ito’y gaganapin pa lamang , Halimbawa : Pawatas Perpektibo Katatapos Imperperktibo kontemplatibo maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro kumain kumain kakakain kumakain kakain sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat
Uri ng Pandiwa 1. Pandiwang katwiran - Ang pandiwang katwiran ay nag tataglay ng kahulugang buo na hindi nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos. Halimbawa : Umalis na ang panauhin . Lumipad sa himpapawid ang ibon .
2. Pandiwang Palipat - Ito ay nagtataglay ng kilos at nangangailangan ito ng tuwirang layon . Ang tuwirang ayon ay pinangungunahan ng pang- ukol na sa o ay at layon na maaaring pangngalan o panghalip . Halimbawa Ang magsasaka ay nagtanim ng mga gulay . Siya ay nagdula ng isang kuwneto .
Tinig ng Pandiwa 1. Tinig na tahasan o tukuyan - Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na sinasabi ng pandiwa at may layong tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon . Halimbawa : Bumili ng sariwang gulay ang ina ni karl . Ang bata ay nag palit ng damit
2. Tinig ng Balintiyak Ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos manapa , ito ay tumatanggap ng kilos na sinasabi ng pandiwa . Sa makatawid tagatanggap ng kilos ng paksa . Halimbawa : Pinulot ng bata ang aklat . Nabili ni Grace ang bagong van.
Pokus ng Pandiwa 1. Aktor Pokus Nasa aktor ang pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap . May mga panlaping ginagamit gaya ng : um,mag -, maka -, mang at ilang ma- Halimbawa : Nagdala ng radyo si T rixy . M angunguha si Cris ng maraming prutas .
2. Gol P okus : kapag ang paksa ang tagatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa at may layon tagaganap . Ang mga panlaping ginagamit sa pokus ay: i -, in, -an/- han , ma-, ipa . Pinangungunahan ito ng marker na ng / ni ang aktor . Halimbawa : Binali ng Bata ang lapis Kinuha ni Alex ang susi
3. Lokatib P okus Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay –an/ han , pag –an/- han , -an/ han , pang… -an/- han . Halimbawa : Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali . Napagtamnan ni Joe ang mga malalaking paso .
4. Kosatib Pokus kapay tinutukoy ang kadahilanan ng kilos pangungusap . Ang panlaping ginagamit ay i -, ika - at ikapag - Pinangungunahan ng ng / ni ang aktor o panghalili rito . Halimbawa : Ikinainis nia ang pagsisinungaling mo. Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil .
5. Instrumental Pokus Nasa instrumental pokus kapag ang paksa ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap . Ang panlaping ginagamit ay ipang - at pinangungunahan ng ng / ni ang aktor . Halimbawa : Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong twalya . Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo .
6. Direksyunal Pokus Kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap ng kilos sa pangungusap . Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus –an/- han , at pinangungunahan ng ng / ni marker ang aktor o mga panghalili nito . Halimbawa : Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay . Tinabihan niya ang kanyang kaibigan .
7. Benepaktib Pokus Nasa benepaktib pokus kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-tuwirang layon ng kilos ng pandiwa . Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus ay i -, ipang -, at ipag -, Pinangugunahan ng ng / ni ang marker ng aktor . Halimbawa : Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang maysakit . Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata .
Mga Kaganapan ng Pandiwa 1. Kaganapang Tagaganap o Aktor Nasa aktor na kaganapan ang pandiwa kapag ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng kilos na ipinahayag ng pandiwa . Halimbawa : a. Ipinagbunyi ng mga tao ang kanilang tagumpay .
2. Kaganapang Layon o Gol Nasa kaganapang gol o layon ang pandiwa kapag ang bagay o mga bagay ang tinutukoy ng panaguri sa pangungusap . Halimbawa : a. Nagpaluto ako ng masarap na pinikpikang manok .
3. Kaganapang Ganapan o Lokatib Nasa ganapan o lokatib ang kaganapan ng pandiwa dahil ang panaguri ay nagsasaad ng lugar na pinagganapan ng kilos ng pandiwa . Halimbawa : a. Nagtampisaw sa ilog ang mga dalaga .
4. Kaganapang Kagamitan O Instrumental Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung anong bagay , Kagamitan o instrumento sa panaguri ang ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa . Halimbawa : a. Ginupit ng nanay ang mga pira-pirasong tela sa pamamagitan ng gunting .
5. Kaganapang Sanhi o Kosatib Ito ang kaganapang nagsasaad sa panaguri kung ano ang dahilan ng pandiwa . Halimbawa : a. Nagkasakit siya dahil sa pagpapabaya .
6. Kaganapang Tagatanggap o Benepaktib Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung sino ang tatanggap o makikinabang sa panaguri sa kilos ng pandiwa . Halimbawa : a. Bumili si Jane ng mga gulay para sa kanyang panauhin .
7. Kaganapang Direksyunal Ang kaganapang direksyunal ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa sa panaguri . Halimbawa : a. Pumunta sila sa park.